KINABUKASAN AY MAAGA siyang nagpunta sa pantalan. Mayroon kasi silang shipment papuntang Japan ng mga auto part. Ka-tie-up ang ilang business factory ng auto part dito sa Pilipinas. Mayroon din silang shipment going to China at papuntang US at Spain.
Mabilis na sinuot ang kaniyang damit pang kargador. Mayroon pa siyang panyo sa ulo na tila bagito na sa pagkakargador. Dahi kabisado naman ang lugar ay mabilis siyang naka-pwesto. Nagmamanman sa mga shipment na ipapasok nila sa container van. May ilang trabahador na sila roon at ilang kawani ng BOC na nagchecheck kung may illegal sa mga shipment bila gaya ng armas, druga o anumang may kinalaman sa explusive materials.
Hinanap ng mga mata ang partikular na babae. Ngunit hindi ito makita, siya kasi ang pakay niya at kailangang makita kung tama ang hinala niya.
Papihit na sana siya nang marinig ang tinig sa likuran niya.
"Kargador ka dito di ba? Come, and I have job for you to do!" Turan ng babae. Napangiti siya dahil hindi na niya ito kailangang hanapin.
Ngunit napakunot ang noo niya sa kung paano siya nito kausapin. It was his first time that somebody talk to him like that. 'Bad trip ata,' aniya sa isipan.
"Susunod ka ba o hindi!" Inis na turan ni Carissa. Napatitig siya rito. Mukhang pamilyar ang lalaki sa kaniya. Inalala kung saan ito nakita. Kaya muling napalingon rito at nakitang nakangiti ito habang pinagmamasdan siya.
"Anong nakakatawa!" Sikmat ritong nakapamaywang.
Gusto pa sanang matawa ni Tristan pero pinigil na niya dahil masama yata ang gising ng babaeng nasa harapan. Maliit ito kumpara sa kaniya pero sa hitsura nito ay hindi papatalo sa kaniya.
"Wala na naman po ma'am.." aniya rito.
"Good! Bilisan mo at marami pa akong gagawin." Anito at muling nagpatuloy sa paglalakad. Muling naalala may itatanong sa lalaki kaya muli siyang lumingon dito pero ganoon na lang ang gulat nang magkabanggaan sila.
Maging si Tristan ay nabigla nang makitang bigla itong huminto at lilingon sa kaniya. Dahilan para magpang-abot sila at mabangga ito. "Ahhh..." tili ni Carissa.
"Sorry ma'am, sabi mo kasi bilisan ko.." aniya rito.
"Oo pero hindi banggahin ako.." sikmat ni Carissa rito.
"Sorry po ma'am.." aniya saka mabilis itong binitawan.
Napalunok si Carissa nang mapansing nakapulupot nga pala ang kamay ng lalaki sa kaniyang beywang dahil mabilis siya nitong naakap bago siya mabuwal. Naiinis din sa sarili dahil mukhang ang bango-bango pa ng kargador nila.
"Ma'am.." untag ni Tristan sa nakatulalang babae. "Ma'am.." ulit dahil hindi yata siya nakita nito.
Napakunot si Carissa. Napatitig sa mukha ng lalaking nasa harapan. Matangkad ito kaya medyo nakatingala siya.
Napalunok si Tristan dahil mukhang kinikilala siya nito. "Di ba ikaw iyong janitor sa office noong nakaraan?" Maang na turan ng maalala ang janitor na tinawag nang mauntog siya.
Napangiti si Tristan. Akala niya kasi ay nakilala siya nito bilang may-ari ng kompaniya kundi ay buko na siya.
"Opo ma'am.." ngiti rito.
Naging pormal ang mukha ni Carissa ng makita ang matamis na ngiti ng lalaki dahilan para mas lalong gumuwapo ito. "Okay.." aniya saka tumalikod dito. Baka kasi mahalata nitong panay ang tingin sa mukha nito. "Bakit ka nalipat rito." Tanong nang naglalakad na sila.
Napaisip si Tristan buti at naalala ang sinabi ng unang bookkeeper na nakasama sa incoming shipment. "Sabi kasi ng nakausap kong bookkeeper sa incoming shipment eh kargador din po siya noon pero ngayon ay promoted na. Baka po ma-promote din ako ma'am.." magiliw na tugon rito.
Napangiti si Carissa sa sinabing iyon ng lalaki. Atleast alam niyang may goal ito sa buhay. "Well, thats good." Komento rito.
Napangisi rin si Tristan habang nakasunod rito. Kahit na maong pants ito at suot ang uniporme ng kompaniya nila ay halatang maganda ang hubog ng katawan nito. Lalo na ang bilugang pwetan nito.
"Aheemm...hmmmmm.." tikhim ni Carissa sa nakatulala at nakangising lalaki sa harapan. Nabigla si Tristan at nahuli pa siyang pinag-aaralan ang kabuuan nito.
"Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng ngising iyan pero sana ay hindi ako." Muling pormal ng mukha nito.
"Naku! Ikaw nga-este sabi ko ikaw po ma'am kasi masaya akong kahit papaano ay may maayos kang kausap saka maganda ka pa." Saad dito.
Napakunot ang noo nito. "Hindi po kita binubula ma'am. Maganda ka po, huwag lang magsasalubong ang kilay mo. Para kasing London Bridge kapag nagkasalubong." Anito.
Napailing siya rito. "Oh siya, I want you to load all this shipment to this container van. Tapos na itong iinspect ng BOC." Anito saka hinawakan ang log book nito. Nasa may logbook din nito ang nga sticker na ikakabit nito sa bawat cargo shipment.
Napangiti si Tristan. Tamang-tama. Agad na inaral ang galaw ng babae pero parang normal lang naman ito. Naging abala siya sa pagpapasok ng mga malalaking cargo sa loob ng container van gamit ang lifter. Ngunit panay ang tingin kay Carissa kapag may pagkakataon. Maya-maya ay nakita niya itong luminga-linga. Maging siya ay tila napapalinga rin.
Napansin niyang kumuha ito ng isang sticker. Saka sinulatan iyon ng isa sa kompaniyang nag-pullout na sa kanila. Mabilis nitong dinikit iyon sa malaking cargo. Kita pa niya ang panginginig ng kamay nito habang ginagawa iyon. Nang mapatingin sa gawi niya ay nagkunwaring abala sa ginagawa.
Muli itong umikot at sa isang cargo ay muli itong ginawa ang naunang ginawa. Napakuyom ng kamao si Tristan. Hindi malaman kung bakit iyon ginagawa ng babae dahil wala sa hitsura nito maliban kung pakawala ito ng sindikatong gumagamit ng malalaking kompanya kagaya nila para sa illegal na gawain ng mga ito.
Hindi pa niya ito sisitahin dahil kailangan niyang mahuli kung may kasabwat pa ito sa loob ng kanilang kompaniya.
Halos hindi mapakali si Carissa habang ginagawa iyon. Lalo pa at tila may matang nakatingin sa kaniya. Napatingin siya sa lalaking kausap kanina. Nakalimutan pa nga niyang tanungin ang pangalan nito. Mabuti na lamang at abala ito.
Nang matapos niyang ikabit lahat ang bogus cargo sticker ay naglakad na siya papalayo. Hayaan na ang lalaking ikarga iyon sa loob ng container van. Labis-labis ang dalangin niya na sana ay huwag siyang mabuko. "Sorry Lord, kailangan ko lang talaga ng pera..." usal niya.
Nang makita ni Tristan na papaalis ang babae ay agad na bumaba sa machine. Tinignan ang kinabitan nito. Agad na kinuhanan ng picture para makita kung saan ito patungo. Nang matapos ay tinawagan ang operating manager nila na magpadala ng tao roon upang ituloy ang kaniyang ginagawa.
Mabilis na tinalunton kung saan nagtungo ang babae. Agad naman itong nakita at narinig na may kausap ito sa cellphone. Muli siyang kinabahan. Patalilis siyang lumapit rito upang marinig ang sinasabi nito. Maaaring may kasabwat nga ito.
"Okay...see you then.." anito ay binaba na ang tawag.
"s**t!" Gilalas dahil nahuli pa siya. Ngunit mabuti na lamang at narinig kung saan sila magkikita. Binanggit kasi iyon ng kausap sa cellphone nito at inulit ng babae kaya narinig. Kailangan niya itong mahuli sa akto.
Napabuntong hininga ito saka tumuloy sa nagsisilbing office nila sa pantalan. Nakitang sinubsob nito ang mukha sa dalawang palad. Matagal iyon saka nagpunas ng luha. Napakunot siya sa inakto nito. Bakit ito umiiyak. Napaisip siya kung may kinalaman ba ito sa tawag at sa ginagawa nito.
Gumana tuloy ang isip na baka ginagamit ito ng sindikato na labag sa isipan. Kailangan niya itong iligtas kung ganoon ang sitwasyon. 'Prince charming ganoon!' Anang ng suwail na isipan.
Nakitang nagpupunas ito ng luha saka binuksan ang laptop roon. Agad na inaayos ang logbook nito. Nakitang paulit-ulit na iyong tinignan kung tama ang pagkakalagay nito saka naman trinabahobang paglalagay noon sa data nila. Tuon ang pansin nito sa laptop hanggang sa makitang muling tumulo ang luha nito. Nang may pumasok na isang bookkeeper ayon sa suot nito.
"Hi.." bati sa babae.
Agad itong nagpunas ng luha. Ngumiti saka bumati rin sa lalaki. Tila nagkuwentuhan ang mga ito konti. Gustuhin mang lumapit pero nag-alala siyang baka makita sila. Tinignan na lang ang lalaki at magtatanong kung sino ito. Kailangan niyang malaman kung may alam ito sa gawain ng babae.
Mabilis na tinungo ang kaniyang sasakyan. Hinubad ang suot at nagsuot ng normal niyang damit. Tinignan ang relos at nakitang malapit nang matapos ang work shift ng mga ito. Hihintayin na lamang itong matapos ang trabaho nito at tiyak na pupuntahan ang kausap nito kanina.
Inabala na lamang ang sarili nang tumunog ang cellphone. Napakunot noo siya dahil hindi naka-register ang numero sa kaniya. Sinagot iyon dahil baka business call.
"Hello baby koh.." masiglang tinig ni Lilay sa kabilang linya.
"Ano na naman Lilay.." inis na turan.
Tumawa ang babae sa kabilang linya. "Grabe siya oh. Naglalambing lang naman baby koh," turan pa rin nito.
Napa-buntong hininga siya nang tumawa ito. "Ser, pinapasabi po ni senyora na umuwi daw po kayo ng maaga-."
"Don't tell me nandiyan na naman si Clarisse.." gagad dito.
"Oy si ser, na miss si ma'am Clarisse.." tudyo pa nito.
"Ewan ko sa'yo.." aniya rito.
"Wala po baby koh, dumating kasi si ser Steve.." tukoy nito sa asawa ng kapatid.
"Okay.." turan na lamang rito. "Bakit na naman iba ang number mo?" Gagad pa rito.
"Baby koh, nalaman kasi ni Dario ang bago kong number kaya nagpalit ulit ako." Sagot nito. "Huwag ka nang magalit baby koh.." lambing pa nito. Napapailing na lamang siya rito.
Saktong ibababa na ang cellphone ng makitang palabas ang partikular na babae. Sukbit nito ang shoulder bag kaya alam na tapos na ito sa duty. Napangiti siya nang kumaway pa ito sa kanilang sekyu na tila malapit ito rito.
Nang makalabas sa kanilang pasilidad ay nakitang naghintay ito ng dyip. Sinundan niya ang dyip hanggang bumaba ang babae. Napangiti siya ng makita ang convenient store na una niya itong nakita. Bumaba roon ang babae saka ito bumasok sa makipot na eskinita. Ngunit kita kung saan siya huminto dahil hilera pala iyon ng mga paupahan.
Halos mabali ang leeg sa kalilingon doon dahil baka malingat siya at hindi makitang lumabas ito. Batid niyang umuwi lang ito at nagbihis. Sakto nga ang naisip dahil nakita itong papalabas. Ibang-iba ang hitsura nito kanina. Nakalugay na ang mahaba nitong buhok, naka-miniskirt dahilan upan lumitaw ang makikinis nitong binti. Maliit man ito ay tila naman humaba ang binti sa suot na miniskirt na binagayan ng suot nitong sleeveless na nagpalitaw sa mapuputi nitong balikan. Simple pero napakaganda nito. Hindi niya tuloy maiwasang mainggit sa boyfriend nito.
Nang makitang pasakay ito ng taxi ay agad siyang naalerto. Hapon na noon, mga alas singko y medya na pero maliwanag pa rin. Naging abala siya sa pagsunod ng taxi nito ay nakitang papunta nga ito sa hotel ng kaibigan.
Nang makarating ay nainis dahil wala siyang magpag-parking-an.
Mabilis na bumaba nang maiparada ang sasakyan. Double parking pero nais niyang masundan ito kaya mabilis na umibis sa sasakyan at nabigla siya nang makita ang pares na papasakay ng dyip. Napakunot noo siya dahil nakilala ang lalaki. Ang kaibigang si Zach. Napangiti siya ng matamis ng nakita ang suot nitong damit. Mukhang nasa undercover mission din ito. Nang makita ang mukha ng babaeng kasama ay mas lalong napangiti dahil maganda ito. Sumaludo siya sa kaibigan ng makita siya nito kasabay ng mapanudyong ngiti pero agad na napalis nang maalalang may sinusundan pala siya.
"Peste!" Aniya nang pagpasok ay agad siyang inasistehan ng receptionist kung may appointment ba siya o reservation man lang. Hindi niya rin alam kung saan hahanapin ang babae sa loob ng malawak na hotel na iyon. Naiinis sa sariling napabalik ng sasakyan. Tatawagan sana si Zach pero base sa nakita ay abala ito sa misyon.
Naisip niyang puntahan na lang ito sa opisina nito para sa copy ng CCTV nito. Kailangan talaga niyang malaman kung may kasabwat ba ito sa anomalyang ginagawa sa kompaniya niya.
-