WALANG NAGAWA si Carissa kundi ang katagpuin si John matapos ng duty sa work. Pagod pero pinilit magbihis dahil baka mahalata nitong wala siyang amor sa pagkikita nilang iyon. She suppose to be excited and happy dahil sa apat na buwang pagkakawalay rito mula ng huling bakasyon sa kanila.
Sinuot ang dress na ginamit pa niya noong huling gathering ng kompaniya niya. Kahit papaano ay napangiti nang isuot ang red mini dress na iyon. Nilugay ang palaging nakataling buhok. Sa trabaho ay kailangan kasing nakatali ang buhok lalo na kung nasa field.
Napangiti siya nang makita ang replika sa salamin nakangiti ang labi pero malamlam ang nga mata. Gustuhin man niyanv maging masaya sa piling ng kasintahan pero hindi lubos. Tila kasi may pader sa kanilang pagitan mula nang puntahan siya at pagsabihan ng mama nito na hindi siya nababagay sa anak nito. Sabagay, tama ito. Langit ito at lupa siya, lalong nalublob sa putikan sa sitwasyong kinasasangkutan.
Magapos mag-apply ng konting make up ay kinuha ang kaniyang handbag. Hawak iyon dahil wala naman itong pamitbitan o sling. Nilagay ang kaniyang nakapatay na cellphone, pera at lip gloss.
Pagbaba ng taxi ay napasinghap pa siya. Mukhang mamahalin ang resto bar na iyon. Bumuntong hininga bago tinungo ang gusali at nakangiting binati siya ng mga receptionist.
"May reservation po ba ma'am." Tanong nito. Agad namang binigay ang pangalan ng kasintahan at giniy siya kung nasaan ito.
Pagtingin sa tinuro ng waiter ay mabilis itong nakita. Halos lahat ng mga naroroon ay magkapareha.
"Good to see you hon, how you doing. You look so lovely?" Ngiti ni John sa kaniya nang makapalit siya sa mesa nito.
"Thanks hon, so how long will be your conference? How's Mindoro?" Turan dito na pilit pinapasigla ang boses.
"It was good. Everything is fine. Well, the conference will be lasted a week. So, hopefully we have chance to be together." Wika nito.
Bigla at napasinghap sa narinig. "Are you alright hon?" Untag nito.
"Yes hon, I'm good.." gagad dito. Saka pilit ngumiti. Hinawakan nito ang palad.
"I know, you have lots of problem in your shoulder. Let me help you.." anito.
Binawi ang kamay niya. "Alam mo namang ayaw sa akin ng mama mo. Kapag nalaman niyang tinulungan mo ako lalo na sa pinansyal na aspeto baka sasabihin na niyang—." Putol niya nang nakamaang ito. She felt sorry, ayaw niya namang husgahan ang ina niyo pero iyon kasi ang nakikita rito. "Sorry.." hingi nang paumanhin at tinikom na lang ang bibig.
"I'm sorry if you judge mom like that hon, I know she doesn't like you but as I told you. I love you and I can fight for that." Dagdag nito.
Tumitig siya kay John. Guwapo, mabait at tanggap kung sino siya. Ano pa nga bang hahanapin niya rito pero masakit lang dahil kapag siya ang pinili nito ay kapalit noon ang pagtakwil ng magulang nito bagay na ayaw niyang mangyari.
DUMATING na lahat ang inorder niya at napangiti si Tristan ng tila na-turn off ang babaeng nasa harapan. "Thanks.." ngiti sa waitress na nagbigay ng order niyang huli.
"Enjoy your meal sir.." ngiti rin bg babae.
"Yeah, sure." Game na turan dito. Tiyak na matatawa ang mga kaibigan kapag ikukuwento ang blind date niya dito.
Parang gusto niya tuloy matawa sa hitsura ni Clarisse habang maganang kumain pero naalala si Carissa. Agad na nilingon ang kinaroroonan ng mga ito at nakitang hinawakan ng lalaki ang palad nito. Sa hitsura ng lalaki ay mukhang mahal na mahal nito ang babae. Hindi makita ang reaksyon nito dahil nakatalikod ito sa kaniya.
"So, anong pinagkakaabalahan mo?" Rinig na tanong ng babae.
"You mean now, ito inuubos lahat ng inorder ko?" Pilyong tugon rito. Napakunot noo ito. "I'm just kidding. I'm running my family business. We're dealing with the logistic and cargo shipment. How about you.." seryosong tanong rito.
"I'm helping our family business too and the same time I'm in the law practice." Turan nito na tila proud na proud.
"Wow! That nice, I might need your legal expert in the future then." Ngiti rito.
Mukha namang kinilig ang kausap sa sinabi. Well, women loves compliment. Ano pa nga ba. Muli siyang napasulyap sa dalawa. Mukhang mas naging seryoso ang usapan ng mga ito base na rin sa mukha ng lalaki. 'May problema ata?' Aniya sa isipan.
"You know what? I like you.." deretsahang turan ng babaeng nasa harapan. Halos mabulunan siya sa nginunguya sa sinabing iyon ng kausap. Hindi inaasahang ganoon ito ka-straight forward."
"Wow!" Aniya nang makabawi matapos uminom upang hindi naibuga ang kinain sa kabiglaan.
"Sorry, nabigla ba kita. Ganito lang ako. Sinasabi ko kung gusto ko at hindi ang isang tao. At gusto kita, sa lahat ng lalaking ipina-blind date ni ate sa akin ay ikaw lang ang nagustuhan ko." Mahabang turan nito.
"Wooooow! I mean...hooo..." hindi makahumang turan ni Tristan. He wanted her to turn off pero mukhang walang epekto rito ang ginawa. "Sorry, hindi ko talaga inaasahan. Well, women are aggressive nowadays but I can't imagine a woman like you will be that straight forward. Wow!" Disbelief na turan.
"Well, I know. You might turn off but let hang ups and give it a try. You might like it.." anito na naging seductive.
Tumitig siya rito. Maganda, maganda ang katawan, may magandang karera, galing sa prominenteng pamilya. Ayos na sana ito pero wala dito ang gusto sa babae. For sure, uunahin nitong makipag-social gathering keysa magbantay ng anak. Ang babaeng katulad nito ay pang display lamang at kung talagang successful na ito sa karera ay pang-trophy.
Nang balingan muli ang dalawa ay nakitang kumakain na ang mga ito. Mukhang masaya nang nag-uusap ang mga ito dahil kita na ang ngiti sa labi ng lalaki. Dahil sa deretsahan siyang sinabihan nitong gusto siya ng babae ay gumawa na lamang siya ng paraan upang makalayo rito. Sa dami ng babaeng nakasama at nakasalamuha batid niyang isa si Clarisse sa babaeng kapag mag nagustuhan lahat ay gagawin para mapasa kaniya. And he don't wanna be one of them. May problema siya sa negosyo at ayaw niya ring magkaproblema pagdating sa relasyon.
"WHAAAAAT! YOU'RE SO MEAN DUDE!" Turan ni Zion nang kinukuwento ang tungkol sa encounter nila ni Clarisse noong isang araw.
"Dude, its not being mean. Its being away from disaster." Turan dito. "Anyways, how was your undercover thing.." turan dito.
Napatawa ang kaibigan. "Well, I'm almost there." Turan nito.
"What do you mean?"
"Malapit ko nang mabuko kung sino ang sumasabotahe sa negosyo namin. Paano nawawala ang pera ng kompaniya. I was waiting for the IT professionals that I hired to track down where the money goes." Turan rito.
"Thats cool. Anyways, do you heard from Travis. Its been a while?" Aniya na naninibago sa hindi pagpaparamdam nito.
"Yeah, he seems so busy on his business.." turan ni Zion. Tumango-tango na lamang siya. "Same with Zach whose at Palawan right now.." turan pa.
Nagpaalam muna sa kaibigan at gagamit ng banyo. Pagkaalis ni Tristan ay nakalimutan pala niya ang kaniyang cellphone sa mesa nilang magkaibigan ng mag-ring iyon. Hindi niya alam na tumawag pala ang kasambahay nilang si Lilay.
Pagbalik sa mesa ay nakakaloko ang ngiti ng kaibigan. Napakunot noo siya. "Katatawag lang ng girlfriend mo at sinasabing umuwi ka raw at nagluto sila ng mama mo. Tell me dude, naglilihim ka ha sa amin?" Seryosong turan nito.
Agad siyang napakunot noo at naglalaro sa isipan si Clarisse. Paano nito nalaman ang numero niya, halos mapamura ng maaalala ang kapatid.
"Who is she?" Giit na tanong ng kaibigan. Agad na kinuha ang cellphone at tinignan ang numero. Hindi rin nakaregister sa kaniya kaya mas lalong umigting ang kaniyang hinala na si Clarisse ito. Pero papaano itong napunta sa kanila.
Agad na tinawagan ang numerong tumawag sa kaniya. "Hello po.." bungad ng tinig ay nakilala na niya ang tinig ni Lilay.
"Lilay!" Gulat na turan.
"Ser!" Gulat din ito. "Anong sinabi mo rito sa kaibigan ko?" Sigmat rito.
"Eh ser, nagbibiro lang naman ako eh. Bibiruin sana kita pero iba naman ang sumagot. Pinapasabi kasi ni senyora na umuwi ka ng maaga kasi nagluto kami ng paborito mo. Pasensiya na, naniwala pa ang kaibigan mo?" Anito na napahagikgik pa.
Napapailing na lamang siya. "Bakit iba na naman ang cell number mo." Gagad rito.
"Eh kasi po ser, naghiwalay na kami ni Dario kaya nag-iba ako ng cell number for a change." Anito. Napatapik na lang siya ng ulo. Pang ilang palit na nito ng cell number.
Nang ibaba ang tawag ay agad siyang inusisa ng kaibigan. "Thats Lilay.." aniya rito. "Bagong kasambahay ni mama. Masayahin at pakabiro. Kapag nahulog ka isa kang—." Putol sabay tingin sa kaibigan.
"Uto-uto ganoon.." anito. Tumawa siya.
Pag-uwi ay agad na bumungad ang nakangising si Lilay. Ngunit ganoon na lang din ang gulat ng makita kung sino ang panauhin nila. Ligtas na sama siya sa isiping si Lilay ang tinutukoy ng kaibigan pero naroroon nga ang babaeng unang naisip. Kasama ng kapatid at magulang sa sala ay si Clarisse.
"Oh hijo, come...Your sister invited Clarisse for dinner." Turan ng mama niya.
Napadilat ang mata ng tumingin sa kapatid pero nagkibit balikat lang ito. "Hi.." bati rito para hindi naman magmukhang snobero.
Ngumiti ito ng matamis at humalik pa sa pisngi niya. Sumenyas siya sa kapatid na sundan siya nito. "What are you doing? I told you, I don't like her.." turan dito.
"Hey, give her chance to prove herself. You will like her.." giit ng kapatid.
"I told you what happen. Ayaw ko sa lahat ang maarte.." aniya rito. Saka naglakad paakyat sa silid upang makapagpalit ng damit. Sumunod ang kapatid sa kaniya hanggang sa silid.
"She's nice and sweet.." turan nito.
"Maybe but aggressive too. Imagine, first time naming magkita at sasabihin niyang wanna try you might like it?" Panggagaya rito.
"Then why don't you try. You might like it.." gaya naman ng kapatid na tila inaasar pa siya.
"Ate, you know what. I will tell you now. I have a girlfriend. I don't bring her home or let you know because for sure you gonna rush us. I don't like that.." aniya rito.
Nanlaki ang mata. "Are you saying that just because you don't like Clarisse?" Anito na tila hinuhuli siya.
"Nope. I'll prove it to you.." aniya. Naisip na ipakilala si Carissa kapag nagkagipitan.
Ngumiti ang kapatid na tila tinatanggap nito ang hamon niya. "Sure...but the meantime, be a man to face Clarisse. Para di naman ako mapahiya sa ate niya." Turan nito.
Gagawa na lamang siya ng paraan para mahila si Carissa kapag kinakailangan niya ng isang magpapanggap na girlfriend niya.
—