Chapter 6:

1856 Words
NANG MAKARATING si Carissa sa hotel ay napabuga muna siya ng hangin sa baga para maibsan ang tensiyon sa buong katawan. Sabi kasi ni John ay may importante silang pag-uusapan bago ito bumalik ng Mindoro.  Mabilis na pumasok sa hotel at agad niyang sinabi na may katagpo siya at giniya naman siya ng mga ito. Nang makapasok sa maganda at grandiyosong restaurant ng hotel ay agad niyang nakita si John. Napakaguwapo nito sa suot at simpatikong nakangiti sa kaniya.  "Thanks for coming. You're too lovely.." puri nito sa kaniya. Sabay ng halik sa pisngi niya. Pinilit ngumiti at nagpasalamat rito. Pinaghila siya nito ng upuan at inasikasonv mabuti. Mukhang napakasaya nito at matamis ang ngiting hinawakan ang kamay saka hinalikan iyon. Nalulugod siya sa gesture nito. "Hon, bago ako bumalik ng Mindoro. I want to do this..." kabadong wika nito pero puno ng excitement. Saka may binunot sa loob ng jacket nito. Nabigla siya ng makitang maliit na box iyon.  Nabawi ang palad na hawak nito at oinagsilahop sa bibig. Paraan naman iyon ng lalaki upang buksan ang maliit na box at tumambad ang singsing. Hinawakan ang palad niya. "Hon, I know my parent won't get along with my decisions but I love you and I can do everything. It was hard decision but I can't afford to lose you. Will you marry me?" Anito. Napaiyak si Carissa. John doesn't deserve her. Bukod sa mahirap kasi siya ay may anak na siya, masaklap pa ay napakabata niya noong nanganak siya dahilan para mas lalo siyang libakin ng ina nito. Mas lalo na kapag nabuking siya sa kaniyang ginagawa. Ayaw niya itong mahila maging ang pamilya nito lalo na at nasa politika ang mga magulang nito. Naiiling na binawi ang palad. "I'm so sorry John. Kung ikaw, handa mo akong ipaglaban. Ako hindi, ayaw kitang hilain sa buhay na meron ako. You deserve someone better, iyong pwede mong ipagmalaki sa magulang at sa mga constituent nila." Aniya saka umiiyak na nilisan ang restaurant na iyon. Nakitang umiyak ito. Batid niyang mahal na mahal siya nito pero masakit rin sa kaniyang tanggihan ito pero kailangan. Magulo ang buhay niya at ayaw niya itonv hilain sa mundo niya. Iyak siya ng iyak ng makalabas ng hotel. Parang sasabog ang dibdib nang bigla pang may natawag sa kaniya. Agad na kinuha ang cellphone at nakita ang anak. Agad na pinayapa ang sarili bago sinagot ito. "Hello Ma," tinig nito. "Hmmmmm...yes anak?" Turan dito. "Ma, umiiyak ba kayo?" Alalang tanong nito. "Naku, hindi anak. Naiiyak lang ako sa pinapanood ko." Kaila rito. "Nanonood po kayo? Pero bakit mukhang nasa labas po kayo?" Maang na tanong pa rito. Napaluha na lamang siya. "Hmmmm...hindi iyong TV kasi malakas lang." kaila pa rin dito. "Bakit ka nga pala napatawag?" Tanong rito na pilit inaayos ang boses. "Wala naman po, inaayos na ni lola Caring ang papeles para ma-transfer diyan si lola Carmela." Malungkot na tinig nito. Bumuntong hininga siya rito. "Huwag kang mag-alala anak. Sa graduation mo sa march ay kayo naman ni tita Caring ang susunod rito. Kaya tiis ka na lang muna ha. Tatlong buwan na lang naman." Wika rito. "Okay Ma, ingat ka diyan lagi.." turan nito saka nagpaalam. "Okay mama, love you."  "I love you too anak.." aniya saka pinatay para hindi nito marinig na umiiyak siya. Napaka-unfair ng tadhana sa kaniya. Kung kailan okay na sila at nakabangon sa pagkawala ng ama ay heto na naman sila. Natatakot siyang pati ang ina ay mawala rin. Kung noon ay kahit papaano ay nakaya dahil sa ina paano na ngayong pati ito ay mawawala rin. HABANG NASA OPISINA ay hindi mapakali si Tristan. Paulit-ulit binabasa ang resume ni Carissa at napapatitig sa larawan nito. Pilit inaalala kung may kasalanan ba dito o nagawang mali para gawin nito ang ganoong bagay sa negosyo niya. Sabagay kahit na sino ay maeengganyong gawin ang ganoon bagay kung pera ang pag-uusapan. Napakuyom tuloy ang kamao sa huling naisip. Nilalaro ang ballpen sa daliri nang kumatok sabay sungaw ng ulo ng confidant na si Paulo. "Sir, you have a meeting with Mr—." Putol nito. "Cancel it.." agad na turan. "Sir?" Gagad nito. Ngayon lang kasi siya nag-cancel ng appointment with client. "Reschedule it on friday.." aniya saka tumayo. Wala na lang nagawa ng iwan ito. Pupunta siya sa opisina ng kaibigang si Zach para sa CCTV, he knows the have rules in his company but hopefully pagbibigyan siya tutal ay magkaibigan naman sila at nakasalalay ang kaniyang kompaniya. Pagdating sa opisina nito ay agad siyang binati ng sekretarya nito. Ngumiti naman siya agad rito. Kumatok siya bago binuksan ang pintuhan pero mukhang sobrang abala ito sa kompyuter nito. "Aheeemmmm.." mahabang tikhim buhat sa pintuhan ng opisina nito. "Ahemmmm...ganda ng ngiti natin ah.." banat pa. "Kung nandito ka para tudyuhin ako. I'm busy.." anito na kinatawa naman niya. "Busy ba? Busy sa kaiisip sa kaniya. Ang mata mo nasa figures ng asset mo pero ang isip mo nasa figure ng babaeng iyon." Aniya sabay bungisngis. "Puro ka kalukuhan, ano bang pakay mo rito?" Matiim na tanong nito. Maya-maya ay tumigil na si Tristan at sumeryoso. "Naalala mo noong nagpunta ako sa hotel mo sa may boulevard?" Napakunot noo si Zach sa kaniya. "Oo nga pala, anong ginagawa mo roon? Don't tell me?" Gagad nito. "Is not what you think. May sinundan lang ako. And I'm here para personal na hingin sa'yo ang kopya ng CCTV mo." Deretsahang turan dito. Napakunot noo ulit si Zach sa sinabi. "Please, its a matter of business dude. I'm loosing money.." pakiusap dito. Nagkasukatan muna sila ng tingin. "Okay..." anito matapos bumuntong hininga. Batid niyang may alilangan ito dahil isa iyon sa privacy policy ng hotel nito as long as walang complaint.  "Please.."  Muli itong napatingin sa kaniya. "Let me finish all of this then we'll going." Tuluyang wika nito.  "Sino nga pala ang sinundan mo sa hotel?" Tanong nito, maaaring curious kung sino nga ba ang sinundan niya.  Nagpamulsa muna siya. "One of my book keeper. I caught her once putting a bogus cargo and she is good on doing all the works on the book.," aniya rito. "Her?" Kunot noo ni Zach sa kaniyang nagtaas ng tingin. "Yeah...I want to understand her but—." Putol na turan ng sumabad agad ito. "Have you talked to her?" Tanong nito.  "I'm gathering information. Sinundan ko siya dahil feeling ko may kasabwat siya." Ilang minutos din siyang naghintay. Habang naghihintay ay hindi niya maiwasang mahalata ang palagiang pagngiti nito. Nabigla pa siya nang tumayo ito sa kinauupuan. "Lets go.."  Sabay na silang nagpunta sa hotel niya sa may Boulevard.  Agad siyang inasistehan ng kaibigan sa security and control room. Matapos makipag-usap sa head ng security ay pinapasok na sila. Mabilis na tinignan ang date at oras. Hanggang sa makita ang pagpasok ng kaibigan kaya nagback pa sila ng ilang frame. "There..." turo niya ng makita ang babaeng maganda at sexy na papasok sa hotel. "Wooooooohhh..." di mapigilang turan ni Zach nang makita ang tinuro niya. Nang i-focus ang mukha ay napatingin ito sa kaniya. Kitang kita niya ang pagkunot ng noo nito tila inaaalala kung saan nila ito nakita. Ito ang babaeng pumasok sa convenient store kung saan ay napalingon silang lahat. "Siya.." nanulas sa labi. "Yeah.." tugon naman ni Tristan. Sinundan nila ito hanggang sa restaurant ng hotel. Nakitang nakipagbeso ito sa lalaking mabilis na umalalay sa babae. Mukhang may relasyon. 'Boyfriend lang pala..' inis sa isipan. Normal naman ang lahat. Mukhang nagkukumustahan ang mga ito at kumain matapos dumating ang order. Ipo-forward na sana ni Zach nang makita ang nilabas ng lalaki mula sa jacket nito. Napatigil tuloy siya. Mukhang may proposal na nangyayari. Umiyak ang babae, akala nila ay dahil masaya ito pero maya-maya ay umiling ito sabay bawi sa kamay na susuutan sana ng lalaki ng singsing. Napalingon agad si Zach sa kaniya na matamang nanonood. Hindi alam kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa pero isa ang nasisigurado. Naiinis siya sa nakikita.  "Wala siyang kasabwat pero lover meron." Turan ng kaibigan.  Nang matapos sila sa security control ay palabas na sila nang makasalubong ang isang grupo.  's**t!' Dinig na bulalas ng  kaibigan sabay tago.  "What—." Napahintong turan niya ng mapagsino ang isa sa makakasalubong. Kahit may problema ay hindi naiwasang mapatawa. Kilala niya kasi ang babae at mukhang tinamaan na nga ang kaibigan. "Wala na sila.." aniya sa kaibigan. Siguro ay pumunta ang mga ito sa cafeteria kaya napadaan doon. "Tell me, siya ba ang dahilan ng mga ngiti mo?" Tudyo niya. "Hayaan mo muna ako dude. Ikaw naman ay baka gusto mong kausapin siya. Malay mo ikaw na ang—." Buska pa nito dahil mukhang apektado siya sa nakitang kasama ng babae. "Dude, no monkey business.." sikmat rito. Tumawa si Zach. "Wala akong sinabi.." Nagtawanan silang magkaibigan at mabilis na nilisan ang lugar bago pa siya makilala ng ilang naroroon. "HELLO SIR, pupunta po ba kayo sa pantalan. May malaking shipment tayo papuntang Japan." Turan ni Paulo sa kaniya. Agad na napatingin sa date at tama ito. Agad na inayos ang papeles sa harapan saka mabilis na tumayo. "Thanks Paulo. Ikaw na muna rito," aniya rito saka mabilis na sumakay sa sasakyan. Mabuti na lamang at may mga damit siya sa trunk ng sasakyan. Agad siyang nakilala ng sekyu nila at pinapasok.  Mabilis na nagbihis sa mid-shift bathroom doon para sa lahat ng empleyado nila. Nang matapos ay mabilis na nilagay sa trunk ng sasakyan ang pinagbihisan. Tinali ang panyo sa ulo para di halatang para lang siyang saling-pusa roon. Marami ang trabahador at abala sa paglalagay ng mga cargo sa container van. Inisa-isang tinignan ang mga bookkeeper. Madali mo silang ma-identify sa kanilang suot na uniporme. Ilang lalaki at babae na rin ang nalampasan hanggang makita si Carissa. Kagaya ng una itong makita. Maayos na nakapusod ang buhok. May bitbit na logbook. May kasama itong porter at inaayos ang ilang cargo. Mataman itong pinagmamasdan. Maingat na lumapit rito nang makitang palinga-linga ito. Kabadong kabado na naman si Carissa. "Lord, sorry pero kailangan kong gawin ito.." bulong niya habang pabilis ng pabilis ang sasal ng dibdib.  Batid niyang iyon na ang mamarkahan dahil may nakalagay na X. Agad na dinikit ang sticker at inutusan ang porter na ipasok din saka umalis. Agad an lumapit si Tristan sa dinikitan nito. Napangiwi siya. Sinundan ito at muli ay nakitang napalinga-linga ito. Nanginginig ang kamay ni Carissa habang nagsusulat. Ngunit kinailangan niyang i-double check para hindi siya magkamali. Mas mahirap pag nagkataon nang maya-maya ay may nagsalita sa likuran niya. Halos mapatili siya sa gulat. "Nagnanakaw ka mi—Ma'am?" Gilalas kuno ni Tristan sa babaeng kanina pa sinusundan. Naplunok si Carissa. Hindi niya inaasahang mahuhuli siya ng bagong kargador.   "Shhhhh.." gulat na turan dito bago may makakita sa kanilang ibang bookkeeper. Luminga-linga saka hinila ito. "Please...please...huwag mo akong isusumbong." Pakiusap ng babae. Gustuhin mang magalit ni Tristan ay hindi magawa sa nakikitang hitsura ng babae. Namumutla kasi ito sa gulat. "Bakit mo ginagawa ito?" Tanong rito. Gustong malaman kung bakit nito ginagawa iyon. Narinig ang malalim na buntong hininga nito saka yumuko. "I have too..." anito saka tumulo ang luha. "I need money...nasa ospital ang nanay ko." Anito. Pinakiramdaman ni Tristan kung nasasabi ba ng totoo ang babae. Hanggang sa maramdaman ang pagyugyog ng balikat nito. Mukhang totoo naman. Napamulsa si Travis. "Okay...how long you've doing this." Pormal na mukha at nagtaas ng mukha ito. Maaaring nagtataka ito dahil naging englisero ang isang kargador.  Napakunot noo nito at sa mata ay ang pagtatanong.  "I'm Tristan Buenavista, the owner of the company." Pakilala rito. Dahilan para mapanganga at manlaki ang mga bilugang mata nito. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD