Chapter 3:

1879 Words
KINABUKASAN ay maagang pumasok si Carissa. Kailangan kasi niyang ayusin pa ang ilang papeles na naiwan niya kahapon. Bago pa may makakita ay kailangan na niyang idespatsa ang mga iyon total ay maayos na niyang nailagay sa data nila ang dummy account ng bawat bogus transaction. Saktong bubuksan pa lang ng kanilang sekyu ang main gate nila at batid na siya ang una. "Hello po manong.." magalang na bati sa sekyu na si Mang Walter.    Ngumiti naman ito saka kumaway. "Good morning po ma'am.."  Nang makapasok ay mabilis na tinungo ang kaniyang mesa. Nagulat pa siya nang makitang may janitor na naglilinis. Agad na tinungo ang mesa. Napahawak pa siya sa dibdib nang makitang naroroon p rin ang mga papeles. "Pssst! Psssst!" Sitsit sa janitor na naroroon. Abala si Travis sa pagkolekta ng basura sa mga basurahan ng bawat desk. Iyon kasi ang sinabi ng kasamang gawin dahil tapos na raw ang mga itong maglinis. Sinabihan pa siyang bilisan niya dahil maya-maya lang ay darating na raw ang mga trabahador.  Mabilis naman siya at dalawang desk na lang ay matatapos siya nang maya-maya ay may sumitsit sa kaniya. Agad siyang napalingon sa pinanggalingan noon at nakita ang babaeng abala na tila ba may hinuhugot sa ilalim ng desk. Lalapitan na sana ito nang biglang mahulog sa kinauupuan. Abalang-abala si Carissa sa paghugot ng ilang papeles na nakasiksik sa ilalim ng desk upang itapon nang bigla gumulong ang gulong ng kaniyang swivel chair at malaglag siya doon. "Anak ng tukwa..." gilalas na turan saka hawak ang ulong tumayo. "Misss...." turan ni Tristan. Paglingon ng babaeng sumitsit sa kaniya ay tila namukhaan ito. Ito ang babaeng nakita kahapon sa convenient store.  Nabigla si Carissa ng makitang guwapo ang janitor na nasa harap. Hindi alam kung naghahaluccinate pa siya dahil nauntog siya o talagang guwapo talaga ito. Kinusot pa ang mata upang malinawan kung namamalikmata lang ba pero naroroon talaga ang lalaki. "Okay ka lang ba ma'am?" Turan nito nang mapansing tila nawala sa huwisyo. "Ah...oo. Pwede bang pakilagay na lang sa basura ito." Aniya sa mga nagkalat na papeles sa ibabaw ng mesa. Siguro naman ay hindi ito marunong tumingin sa mga nakasulat roon. Bumukol pa yata kasi ang nauntog na ulo. Nagtungo tuloy siya sa pantry upang tignan kung may yelo sa ref doon. Upang hindi mahalatang may bukol siya. Hahabulin pa sana ni Tristan ang babae ngunit bigla siyang tinawag ng kasamang janitor. Agad na hinakot ang papeles sa ibabaw ng mesa nito hanggang mapansin ang larawang nasa ibabaw ng mesa ito. Nakasulat kasi roon ang pangalang Carissa Marie. Napangiti siya. Maaaring iyon ang pangalan ng babae. "Bilisan mo. Hindi ka pa ba tapos brod! Turan nito. "Matatapos na, nagpatulong kasi si Miss Ganda sa kalat niya." Dahilan rito. Mabuti at tinulungan na siya nito sa dalawang natitira. Saka agad silang umalis. Nang papunta na sila sa may recycling bin nila upang ilagay ang mga papel ay naalala ang papeles na kinakot sa ibabaw ng lamesa ng babae. Hindi alam kung bakit siya na-curious dito.  'Sabihin ko nagandahan ka. Type mo noh.' Tudyo ng isipan. Naiiling iling na lamang siya saka hinanap kung saan ba sa dalawang plastic na hawak na lagay. Binulatlat iyon at ilang papeles ang pumukaw ng kaniyang atensyon. Napakuyom siya ng kamao ng makita ang nakasulat roon. Nagpapatunay na may anomalya sa loob ng kanilang opisina. Napamaang siya kung siya nga ba ang gumagawa ng kabulastugan sa negosyo niya pero wala sa hitsura nito ang gumawa ng ganoon. Kinalkal pa niya iyon at kinuha ang ilang detalye.  "Anong ginagawa mo brod! Ilagay mo na diyan at kailangan na nating bumalik." Turan ng kasamahan. Agad na nilukot ang ilang papeles saka binulsa at tinapon na ang plastic sa recycling bin. "Hoy! Saan ka pupunta.." pigil pa ng kasamahan pero hindi na siya nagpapigil pa. Hindi na siya makapaghintay na malaman ang lahat ng detalye kung papaano siya nagugulangan ng mga ito. Kung gawa ba ito ng iisang tao o grupo. Hindi na niya pinansin ang kasamahan niya at dere-deretso siya sa parking area ng kompaniya nila kung saan nakaparada ang kaniyang sasakyan. Agad na nagtungo sa kaniyang opisina. "Hi sir.." bati ng kaniyang sekretary s***h confidant. "Can you make me a tea." Turan dito. "Okay po sir.." anito saka tumalima. "Paulo, can you find the record of one of our bookkeeper named Carissa Marie. Don't know her last name." Aniya rito. "She's working at the outgoing shipment department." Turan dito. "Okay sir. I will. Do you need her file now?" Tanong nito. "As soon as you found her profile. Bring it to my office." Wika saka pumasok sa loob ng opisina. Agad na binuksan ang laptop at tinignan ang database nila mostly sa outgoing shipment. Mabilis ang pag-scroll niya hanggang sa makita ang tumutugmang file sa kaniyang hawak. "Bingo!" Malakas na turan ng makita ang data. Napatayo siya saka naglakad sa loob ng opisina niya.  Bogus cargo iyon from client na nag-pullout sa kanila pero nagamit sila sa ibang legit client nila para mapagtakpan ang mga ito. "One...two...three..four container van.....what the heck!" Gilalas habang binilang ang lahat. Yumukod siya. Mabilis na nagscroll down at hinahanap ang kapareho ng sa unang nakita.  "December, november, october.....septem—." Putol niya nang mag-appear muli ang kaparehong cargo shipment. Same tag number, same company pero bogus. Isang container van lang iyon. Mukhang tinitesting lang nito kung papasa. Nagscroll pa siya pero wala naman na siyang nakita. Maaring tama ang hinala na nagsimula ito kong September at tenesting nito sa isang container van at nang nakalusot ay tinuloy-tuloy nito. Nakapamulsa siya nang pumasok si Paulo. "Thanks.." aniya rito. "Find the file as soon as possible." Determinadong turan rito. Kailangan niyang makilala ang babae kung ito nga ang nagawa noon sa kompaniya. Bakit nito ginagawa iyon. Pahigop pa lamang siya ng tsaa niya nang pumasok ang kapatid sa opisina. "Wow! Nice business suit." Puna nito sa suot niya. Nakasuot kasi siya ng uniporme ng janitorial aa kompaniya niya. "Ate, kung nandito ka para mang-asar. Wala ako sa mood." Seryosong turan. "I'm just kidding my li'l brother..." anitong ngisi pa. "Masyado ka kasing seryoso. Well, I know your losing money but duh! Its just hundreds of thousand sa milyones mo. You're losing time to build your own family and have kids to manage your business when ur old. Unless, you want to pass it to Steven." Tawa ng kapatid rito. "Ate, hindi ka naman siguro family councilor di ba? Kaya nga di ba undecover mission ako kasi hindi ko na hihintayinh milyon ang manakaw sa akin. And worst is, paano kung ginagamit pala ang negosyo ko sa illegal. Kapag natimbog hindi lang kompaniya ko ang babagsak pati ako." Aniya rito. "Okay! Okay! Relax! Hindi mo ako kaaway." Paalala nito dahil medyo mataas na ang boses. Bigla naman siyanv natauhan. Masyado lang siyang nainis sa nalaman.  "Kita ko na ang anomalya, gusto ko lang makasigurado kung tama ang hinala ko." Turan sa kapatid. "Talaga! As in, meron talaga?" Usisa nito. "Yup! Here.." aniya saka hinarap dito ang laptop. Alam nito ang kalakaran ng negosyo dahil katulad niya doon din nagsimula ito. Habang nasa kolihiyo sila ay nagtatrabaho na sila sa kompaniya. "O-M-G...thats four container van...its been one cargo ship.." saad nito. "Exactly...I lose money because of that bogus cargo. I paid the custom for what?" Aniya rito. "Wait! Do you know who's beyond this?" Tanong nito. Doon ay naguluhan siya kung sasabihin ang hinala pero napagtantong mahirap magbintang ng hindi niya nakikita o walang solidong ebidensiya. Maaari naman kasing hindi iyon galing sa mesa nito ay nahalo sa ibang nakuha sa trash bin sa kabilang mesa. "Don't know yet.." aniya rito. Nang kumatok si Paulo at nilapag ang file na kailangan. "Thanks," turan dito. Agad na binuklat at nakita pa roon ang resumè ng babae noong tinanggap nila ito. "Don't tell me, may resumè pa ang babaeng idi-date mo?" Turan ng kapatid. Napatingin siya rito. "Well, she's cute.." dagdag pa ng kakita ang 2x2 picture na naka-attach sa bio data ng babae. "Mindoro.." turan ng makita ang probensiya nito. "Carissa Marie Fernandez..nice name.." turan pa ng kapatid. Napatingin sa kapatid. "Bakit ka nga pala nandito ate? Hindi ka naman nagpunta siguro dito para kulitin akong mag-asawa di ba?" Gagad dito. Napatawa ang kapatid. "Well, nagpunta lang naman ako para bisitahin ang opisina at upang—." Putol nito saka tumingin sa kaniya. "Ano?" Gagad dito. "Upang sabihin sa'yo may iba-blind date ako sa'yo. Hmmmm...kapatid ng isa kong friend. Mga 28 siya. Pasok naman siguro siya sa standard mo di ba?" Lambing nito. "Ate, di ba sabi ko after this crisis." Turan sa kapatid. "Paano kapag kuwarenta ka na noon.."anito. "Sige na, pagbigyan mo na ako. Naibida na kita sa kaibigan ko at nais na rin niyang mag-asawa ang kapatid niya kaya please! Please! Please....ayaw kong mapahiya." Anito dahilan para mapatitig na lang dito. Ilang sandaling naghinang ang mga mata at wala siyang nagawa kundi ang pumayag. "Yes! Mamaya basta itetext ko sa'yo kung saan kayo magkikita," Anito saka kinikilig na umalis. Napailing na lamang saka binalikan ang resumè ni Carissa. "Bachelor of science in business administration....27 years old...status: single.." basa sa mga nakitang impormasyon. Napangiti siya sa huling binasa pero napalis nang makitang dalawang taon na pala sa kompaniya nila ang babae. Tinitigan ang nakangiti nitong larawan hindi alam kung bakit napangiti rin siya rito. Naalala pa ang nangyari dito kanila. Nagtatalo ang isip kung ito ba talaga ang may kagagawan ng anomalya sa kaniyang kompanya. WALA NA NGA siyang nagawa kundi ang siputin ang babaeng inirereto ng kapatid. Sa isang resto bar sila sa Makati. Maganda ang ambiance ng lugar. Agad namang nakita ang babaeng tinutukoy ng kapatid, masyado kasing detalyado ang pagkakadescribe nito kaya agad nakilala. Agad itong nilapitan.  "Hi, I'm Tristan, Trisha's brother and you're Clarisse right?" Tanong rito. Napanganga ang babae ng makita siya at agad namang nakabawi nang pagsalita siya. "Oh yeah, have a seat. Nice to meet you by the way.." agad na turan nito. Maganda naman ang babae pero kagaya ng sabi niya. Ayaw niya ng high maintenance na babae. Iyong mas iisipin pa ang kuko nila kaysa magpalit ng diaper ng anak. "Same here. So, what do you want to eat." Tanong rito. "Oh, yeah...don't worry. I just want some salad." Anito. Napangiwi si Travis buti at naitaas ang menu at hindi nito nahalata. He know it. Ganoon naman, iyong tipong gutom na gutom pero titiisin para sa kapritsuhan kunong diyeta sila. "Okay...don't you like so have some steak and red wine?" Offer rito. "No thanks, I'm vegetarian.." anito. "Ohhhh...really? Thats nice...living healthy huh!" Aniya pero sa isip ay napapailing na lang. mabilis na tinawag ang waiter. "Yes sir, may I have your order?" Turan ng waiter. "Ladies first please.."aniya at agad na baling ang waiter sa babae. "Can I have Radicchio salad with pecans please and a carrot juice. Thanks.." anito. "How about you sir.." untag ng waiter. "Okay...give me tenderloin steak medium rare, lamp chop, Merguez-Spiced Lamb Shanks with Chickpeas and a Thai Ground pork salad." Aniya na napangiti sa babaeng nasa harapan.  Hindi naman sa gusto niya itong inisin. Well, ayaw niya naman magpanggap rito and mostly ayaw niyang mag-adjust para rito. Gutom siya kaya kakain siya tutal ay naroroon na siya. Ngumiti ito pero nakitang nadismaya sa dami ng inorder na puro karne pa. Dahil medyo nagkailangan sila ng babaeng ka-meet ay ginala ang paningin sa loob ng resto bar na iyon. Cozy at dim ang light. Mag-uumpisa na sana siya ng conversation sa kasamang babae nang maagaw ng babaeng paparating ang kaniyang atensyon. Hindi siya maaaring magkamali. Si Carissa ang babaeng paparating. Hanggang sa lagpasan siya nito at sinundan na lamang ito ng tingin nang humalik ang isang lalaki rito. "Single pala ah.." nausal pa sa inis. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD