KAHIT PAPAANO ay naginhawaan siya sa stroke na ginawa ni Manang Goring sa likod niya. Nabigla yata ang katawan dahil sa mabibigat na trabaho sa pantalan.
"Hoy Lilay, makatili ka akala mo ginagahasa ko itong amo mo." Banat ni Manang Goring na umalis na sa ibabaw ni Tristan. "Mukhang, may napilipit na ugat sa likod mo hijo. Hopefully ay maayos na." Turan nito.
Napabangon si Tristan. Kahit papaano ay naginhawaan siya. Sa huling ginawa kasi ni manang Goring na stroke sa likod ay tila nagkalasan ang mga mucles tension sa likod.
"Pasensiya na po senyora, senyor...akala ko kasi ano ginagawa ni manang Goring." Hinging pasensiya ni Lilay nang makitang wala naman silang ibang ginagawa.
"Iskandalosa ka talaga.." sikmat ng isa pa nilang kasambahay kay Lilay nang makalabas na ito ng silid ni Tristan.
"Oh ano anak, di ba. Maayos magmasahe itong si Goring." Pagmamalaki pa ng ina. Tumango siya dahil totoo namang medyo gumaan ang pakiramdam. Bakas sa susunod na niya gawin ang pumunta naman sa outgoing shipment nila. Kailangan niyang ipahinga ang nabiglang katawan.
Nang matapos ng masahe session nila with manang Goring ay nagpahinga na siya at nag-ayos para makababa para sa hapunan ngunit nabigla siya ng makitang tila napakaraming pagkain ang nakahain.
"Happy fiesta kuya.." masiglang bati ni Lilay. Kunot noo siyang tumingin rito.
"Anong meron?" maang na turan sabay pulot sa egg roll nang may nagsalita.
"You didn't changed. You can't wait for everyone to be on the table?" Turan ng tinig.
Agad siyang napalingon sa pinanggalingan ng tinig at ganoon na lamang ang gulat ng makita roon ang ate niya.
"Ate!" Gulat rito. "Kailan ka umuwi. Kasama mo ba ang mga pamangkin ko?" Sunod-sunod na tanong rito. Naka-base na kasi ito sa London kasama ang asawa nitong Briton.
"Yes, nasa sala. Kararating lang namin. Sabi ni mommy ay nagpapahinga kanina when we arrived kaya hindi ka na namin ginambala. Mom told me that you're doing a bit of undercover mission?" Ngisi nito. Marahil ay nakuwento na rin ng ina ang nangyari kanina.
"Well, I learned a lot from my people. So far, hindi ko pa nahahanap ang culprit pero okay lang kasi first day pa pang naman." Turan dito.
"Good, glad your doing good in your career but I'm waiting for you to settle down. Gosh, ilang taon ka na ba?" Pagtatanong nito as if hindi nito alam. Halos eleven months lang kasi ang agwat nila. Nabuntis agad ang mama nila ng maipanganak ang ate niya.
"Well—."
"Hep! Don't tell me sasabihin mo na namang lalaki ka and its fine. Come on....baka kapag nagkaanak ka eh parang apo mo na." Tawa nito.
"Grabe naman sa apo.." aniya rito.
"Well, kung hindi mo bibilisan. My eldest is ten years old see and we're just a year apart." Giit pa rin nito.
Maya-maya ay dumating na ang magulang kasama ang mga pamangkin niya. "Hey uncle. Wazzzup!" Turan ng pamangkin na si Steven. Pitong taong gulang ito habang ang ate nitong si Samantha ay sampung taong gulang.
Napapailing siya. "Hey man, how are you doing.." turan dito. Iba talaga ang bata kapag laking abroad lalo na sa pag-uugali.
"Anong pinag-uusapan niyong magkapatid at mukhang seryoso kayo." Turan ng ina.
"Ma, just remind him to settle down soon if he don't like his son call him grandpa." Turan ng kapatid na iniglish talaga para maintindihan ng mga anak.
Tumawa si Steven. "That fun!" Komento nito at tumingin siya rito. Bigla itong tumigil sa pagtawa.
"See, kahit pamangkin mo natatawa." Gagad ng kapatid.
"Okay fine. After this business crisis. I will start finding someone." Turan sa mga ito saka nagsimulang kumain.
Nakitang nagkibit balikat na lamang ang magulang sa sinabi. Well, he dated women but he can't find someone like her mom. Simple and very caring. 'Paano eh puro naman kasi high maintenance na maarte pa ang tipo mo.' Buska ng isipan. Pati sarili ay napapailing.
"HELLO TITA, kumusta na kayo diyan? Musta ang lagay ni inay?" Alalang tanong sa tiyahin.
"Mabuti naman kami anak, ang inay mo lang ang hindi. Sa awa ng Diyos ay medyo bumubuti naman ang pakiramdam niya paminsan-minsan." Turan nito.
Hindi niya napigilang maluha. Tila kasi nagbalik ang nakaraan sa kaniya. Kung noon ay ama at ngayon ay ang ina naman niya. Hindi na niya kakayanin kapag nawala pa ito.
"Iminungkahi ng doktor na mas mainam sa Maynila na lang ipagamot ang inang mo dahil mas makabago ang pasilidad diyan," tinig ng tiyahin.
"Ganoon po ba?" Aniya na medyo paos ang boses. Napansin naman iyon ng tiyahin.
"Alam kong masakit at mahirap ito para sa'yo pero anak, magpakatatag ka. Ikaw na lang ang inaasahan ng inang mo." Saad nito sa kaniya.
"Opo tita, kakayanin ko po. Hindi ko hahayaang muling maulit ang nakaraan." Aniya dahilan upang muling manariwa ang nakaraan sa kaniyang isipan.
Nakaraang pilit mang takasan ay hindi magawa dahil nag-iwan ito ng isang malaking pagbabago sa buhay niya bilang tao at bilang babae.
"Sige po tita. Gagawan ko po ng paraan para malipat dito sa Maynila si inay." Saad dito.
May kalakihan man ang sahod sa kompanyang pinagtatrabahuan ay hindi pa rin sapat iyon para mapunan ang lahat ng kailangan ng ama at nagbabayad pa siya sa pagkakasanla ng bahay nila. Ayaw niyang tuluyan itong mawala sa kanila. Dahil tanging iyon lamang ang nagsisilbing alaala niya sa ama. Ang mga magagandang pangyayari noong ito ay nabubuhay pa sa loob ng maliit nilang tahanan.
Takot na takot man ay wala siyang nagawa kundi ang gumawa ng paraan upang makakuha ng sapat na pera upang mailipat sa Maynila ang ina. Agad din siyang naghanap ng ospital at organisyon para agad itong makakuha ng donor. Bata pa ang ina sa edad na singkuwenta y dos kaya hindi pa niya kakayaning mawala ito.
Handa naman siyang ibigay ang isa niyang bato pero kamalas-malasan ay hindi sila match nito. Kung pwede lang siyang magbahay-bahay ay gagawin niya pero sino ba namang tao ang basta-basta magbibigay ng bato ng walang kaukulang halaga.
May ilang kompaniya na siyang kinontak at nakipagnegotiate sa mga ito. They will pay less under the company she is working but the contract is just between them. The want the offer kaya siya ang gagawa ng paraan upang magmukhang legal sa mata ng bureau of costume. Mahirap ang napasok ngunit kinakailangan niyang gawin. Tibayan lang ng dibdib. Alam niyang multi bilyon company ang kompaniya nila. Hind naman siguro masakit sa may-ari ang ilang daang libong mawawala. Makalikom lang siya ng sapat na pera para sa operasyon ng ina at pambayad sa donor nito.
May nakita na silang match dito. Kahit illegal ay handa siyang gawin mailigtas lang ang ina. Kung nagawa niyang ibenta ang sarili noon magagawa rin niya lahat kahit makulong pa siya kung nagkataon.
Nanginginig ang mga kamay na dinikit ang mga sticker. Matatalas ang mga mata baka may makakita sa kaniya. Mabilis ang galaw hanggang sa maayos na inilista iyon sa kanilang shipment form. Inilagay sa lahat sa legal comapany na naka-tie-up sa kanila ngunit iba ang nagmamay-ari.
Ilang ulit pinasadahan muna ang log book niya saka nag-encode sa kanilang data. Sinisiguradong pulido ang lahat ng gawa niya dahil once na magkamali ay mawawala ang lahat. Maging ang pag-asang mapagamot ang ina. Kalabuso pa siya.
Tumunog ang cellphone niya at nakita ang kaniyang boyfriend. Napait ang ngiti sinagot iyon. "Yes hon.."
"Hi hon, how you doing?" Tanong nito.
"I'm good. Just a bit stressful at work.." turan dito.
"I have a conference to attend in Manila. Can we see each other?" Turan nito.
Nabahala siya. Hindi pa siya handang muling magpakita rito. Hindi dahil ayaw niya itong makita kundi dahil napi-pressure na siya rito. Gusto na kasi nitong magpakasal dahil thirty-one na raw ito at siya ay malapit na rin. Kaya lang hindi siya gusto ng pamilya nito dahil mahirap lang siya. Kahit ilang ulit sabihin si John na kaya siyang ipaglaban nito sa pamilya ay iba pa rin kung may basbas ang pamilya sa relasyong meron kayo.
Kaya siya nagpunta ng Manila dahil dito ay panatag siya. Dito wala siyang iniintinding boyfriend. Okay lang na pagtiyagahan itong kausapin araw-araw.
"Still there hon?" Untag nito nang napatigil siya sa sinabi nito.
"Yes hon.." aniya.
"You seem so unhappy?" Tanong pa nito.
"Sorry hon, naisip ko lang si inay." Kaila rito.
"Hows tita doing?" Tanong nito. Ni wala nga itong alam sa pamilya niya tapos magpapakasal siya rito.
Isang malalim na bunting hininga ang tinugon rito. "She's getting worse. I dunno know what to do.." aniya na tumulo ang luha.
"I know hon, but be strong. If you need help. Just asked me.." turan lang nito.
Napatirik na lamang ang mata niya sa sinabi nito. "Okay hon, see you then.." aniya para na lang matapos ang conversation nila. Nanlulunong naihilamos ang kamay sa mukha.
Matapos ang trabaho ay agad siyang umuwi sa apartment niya. Maliit lang iton pero maayos. Kailangan niyang magtipid dahil mas malaki na ang gastusin niya ngayong ililipat sa Maynila ang ina.
Suot ang puting tshirt at shorts ay lumabas siya. Nakalimutan niya kasing bumili ng sinigang mix para sa lulutiin niyang hapunan. Medyo gabi na iyon pero gusto niyang magluto ng may sabaw. Saglit lang naman dahil sinigang na bagus.
Mabilis na pumasok sa convenient store. "Sana naman meron dito." Anas niya ng mapansin ang apat na lalaking nakahawak ng cornetto. Gusto sana niyang matawa sa hitsura ng mga ito pero baka isipin nilang loka-loka siya kaya agad na lumabas ng wala roon ang hinahanap.
Kahit papaano ay napangiti sa mga lalaki kanina sa convenient. Tila kasi naestatwa noong pumasok siya at sabay-sabay pang tumingin sa kaniya. Feeling tuloy niya ay ang ganda-ganda niya.
—