Chapter 1:

1457 Words
"WHAT DO YOU THINK about my outfit?" Tanong kay Travis na noon ay nasa opisina niya. Napakunot noo ito saka sinapo ang ulo. "Hey...this is my undercover outfit of the day." Tawang dagdag rito nang makita ang pag-iling ng kaibigan. Sa sinabi ay natawa si Travis. "So, are you going to take that serious?" Susog nito. "Yeah," aniya sabay turo rito. "I badly needed it! Wanna find who is cheating me.." aniya sabay kindat dito. Saka tinaas ang braso upang umusli ang mga muscles niya dahilan para mapatawa muli ang kaibigan.  "Oh alright...mukha ka nang kargador...so, how you gonna start your undercover boss thing?" Tawa nito. "I told you...today and I start it on the port." Aniya saka umupo sa harap ng desk niya. Pinasadahan ang lahat ng papers na naroroon. Isa lang naman kasi ang nagsasabi kung nasaan ang anomalya at sa cargo shipment. He did his paper trail investigation. Sa lahat ng negosyo ay maayos. Maliban sa cargo shipment. He talked to the bureau of costume and looked at their records regarding to his business shipment ay may nakikita siyang anomalya. Masyadong malinis ang pagkakagawa kung sinuman ang gumagawa noon sa kaniya. Mabuti at agad siyang inabisuhan ng operating manager dahil sa ilang nawawalang pera.  Yes, he is not losing millions yet pero hihintayin pa bang maging milyon ang mawala bago umaksyon. "Ikaw, wala ka bang balak?" Balik tanong kay Travis. Tumawa ito. Maya-maya pa ay nagpaalam na ito kaya sumaludo na lang siya rito. "Goodluck to you  undercover mission. Agent Tristan.." buska nito. "Thanks my dear friend.." sabad na kinatawa nilang dalawa. Nang mawala ito ay agad na inaral ang ilang papeles para alam kung saan siya magsisimula. "Mali yata itong outfit of the day ko. Dapat janitor muna. I think, I should start in the office. Magmamasid-masid at makikinig baka kasi may mag-uusap na empliyado. Batid niyang hindi iisa ang may gawa nito sa kaniyang kompaniya dahil sa linis ng pagkakagawa and worst kapag isang sindikato ang gumagawa noon gamit ang kaniyang negosyo.  Napakuyom ang kamao niya. He can't lose his reputation in logistic business kung hindi ay babagsak siya kasama ng lahat ng pinundar. Ininat-inat ang leeg saka nagpasyang ituloy na muna ang pagpunta sa port upang magmasid doon. Tutal ay suot na niya ang pinaghirapang gawin ng pamangkin ng kasambahay nila na damit. Well, lumang tshirt lang naman niya iyon na tinanggalan manggas. Tinuruan din siya nito paano umayos bilang cargador. Agad na sumakay ng sasakyan pero nang paandarin na ito ay naalalang may kargador bang naka-BMW. Agad siyang bumaba at napamaywang. Nag-iisip kung papaano makakarating sa pupuntahan. 'Sumakay ng taxi, alangan namang lumipad ka..' turan ng isipan. Papara na sana ng taxi sa may highway ng maalalang. May kargador bang naka-taxi papasok sa trabaho. Muli napasapo siya ng ulo.  Para siyang tanga na hindi malaman ang gagawin. Mukhang unang sabak pa lang siya sa misyon niya ay failed na siya. Pero hindi siya nawalan ng pag-asa.  "Magdi-dyip ako.." aniya saka pumara ng dyip. Siksikan sa loob ng dyip. Feeling pa niya ay pinagtitinginan siya ng mga naroroon.  "Iyong bayad ng hindi pa bayad diyan. Abot-abot na lang po.." turan ng drayber. Napaisip siya. 'Alangan naman kasing libre,' sabad ng suwail na isipan. Never siyang nag-dyip. Nang magpunta siya noon sa Mindoro ay doon lang siya nakasakay pero sa paradahan pa lamang ay kinolekta na noon ang bayad nila. Hindi naman alam na abot-abutan pala ang sistema. Agad na binunot ang wallet at naglabas ng isang libo. "Bayad po." Turan dito. "Ilan ito," tanong ng drayber.  "Isa kang po.." turan niya. "Aba! Hijo, nueve pisos lang ang bayad tapos bibigyan mo ako ng isanlibo. Barya lang.." turan ng drayber. "Wala po akong barya manong.." turan dito. "Wala rin akong pambarya dito." Giit nito. "Lola, bayad na po ba kayo.." tanong sa katapat na matanda.  Tumingin ito sa kaniya. "Ito bayad ko.." sabi ng matanda sa baryang hawak nito. "Huwag na po..." awat dito. "Kuya, dalawa na po kami diyan.." turan sa drayber.  "Aba, hijo. Kahit dalawa o apat pa kayo rito eh wala talaga akong pambarya." Giit ng drayber. Napapasapo na lamang si Tristan sa ulo. "Okay kuya para walang problema. Huwag niyo na akong suklian." Turan rito. Napatingin ito sa kaniya. Marahil ay sa isip na isa lang siyang hamak na kargador. "Naku. Utoy, sure ka ba? Baka mamaya nagnakaw ka pa ah." Turan nito. Napangiti siya. "Hindi po," aniya rito. "Basta ibaba mo na lang ako sa may pier." Turan na lang dito. Nang makarating sa pantalan ay nakita ang ilang container van na nakahilera. May ilang shipment na kalalapag lang at may ilang paalis din. Agad na nagmanman at nakita ang bawat bookkeeper na naroroon na naglilista ng mga bawat dating. Wala naman siyang nakitang kahina-hinala.  "Kanina pa ako nag-hahanap ng bakanteng tao. Nandiyan ka lang pala. Pa-lift ito sa flatform.." ani ng isang bookkeeper na hindi makita ang ilang details ng malaking box ng shipment. Agad na tumalima at tinulak iyon. "Bago ka ba rito?" Untag nito ng makita ang ginagawa. Tumango siya. "Use this.." aniya sa isang machine doon. Hindi napaghandaan iyon dahil hindi naman siya dumaan sa training ng company nila. "Shit.." bulalas niya. "What is it! Sikmat ng lalaking bookkeeper niya. "Wala sabi ko. Hindi ko pa kasi gamay ang paggamit ko nito." Kaila rito. Tumitig ito ng may pagtataka dahil hindi sila nagdedeploy ng tao sa field na walang kaalaman sa mga lifting machine nila. "Okay...get in. Tuturuan kita." Saad ng lalaki. Napangiti siya. "Marunong ka ba....sir." Aniya hindi siya sanay na natawag noo. Dahil siya ang tinatawag ng ganoon. "Yes, porter din ako noon bago ako na promote bilang bookkeeper." Saad nito. "Ah okay.." aniya. Tapos at tinuruan siya. Mabilis naman niyang nakuha ang basic para ma-operate iyon.  "Mabilis ka naman matuto. Sige, do it in the other one.." anito at tumalima naman siya. Pagkakataon na niyang usisahin ito. "Paano ka po na-promote dito sir. Lahat po ba ay alam niyo na rito at ilang years ka dito bago ka na-promote?" Tanong rito. Mga limang taon din akong naging kargador bago ako na-promote. Maayos dito dahil maayos magpa-sweldo." Panimula nito. Napangiti siya roon atleast alam na kontento ito sa sahod. "Sana ay mapromote din ako." Turan niya pa. Napatawa ito. "Kapag sisipagan mo ay hindi malayo. Tutal bago ka pa lang eh, pagbutihin mo muna ang trabaho mo." Turan nito sabay tapik sa balikat. Matapos nang pinapagawa nito ay gumala siya. May ilang babae ring bookkeeper siyang nakitang naroroon sa field. Napapangiti pa siya dahil mukhang maging ang mga ito ay bihasa sa trabaho. Mas nag-focus siya sa mga lalaki pero mukhang wala naman siyang nakitang problema sa mga ito. Pagkatapos ng kalahating araw sa pantalan ay nananakit ang buong katawan. Tawa ng tawa ang kaniyang mama nang makauwi sa bahay nila. Kasabay pa nito ang kasambahay na si Lilay sa pagkatiyaw sa kaniya. "Naku! Wala ka pala kuya, mahina.." kantiyaw ni Lilay sa kaniya. Palabiro at palatawa ito, agad itong nakagaanan ng loob noon dahil sa ugali nito. Pamangkin nito ang tumulong sa kaniya sa kaniyang outfit. "Ano anak, ayos ba ang first day of your undercover boss?" Ngisi ng ina. Alam kasi ng mga ito ang kaniyang plano. "Ma...masakit na ang katawan ko.." aniya rito. "Akala mo ba kasi madali na gaya ngbpagbubuhat mo ng dumb bell sa gym.." tawa pa rin nito. "Oh siya, tatawagan ko ang aking masagistang si Goring baka maibsan ang sakit ng katawan mo." Anito. Ayaw man sana dahil ayaw niyang magpamasahe sa matandang daig pa kapag tinitignan siya eh tila ba gagahasain siya sa uri ng titig nito pero mukhang kailangan talaga niya ng masahe. Nang dumating ang masahista ng ina ay pinaakyatbpa nito sa kaniyang silid dahilan para hindi siya maging komportable. "Lilay!" Malakas na tawag rito upang may makasama siya. Mas nanaisin pa itong makasama sa silid keysa sa matandang si manang Goring. "Yes pu—sher.." tambad nito sa may pintuhan ng silid. "Umupo ka dito." Aniya sa tabi. "Grabe ka hijo, hindi naman kita gagahasain. Mamasahiin lang kita." Turan ni manang Goring ng mapagtantong nagtawag pa ito ng chaperon o taga bantay. "Ser...uupo lang po ako rito?" Tanong nyo. "Oo pero kung gusto mo. Sumayaw ka rin.." biro rito. Tumayo ito at gumiling.  "Ahhhhh...ang sagwa ineng." Tili ni Manang Goring na noon at naglalagay na ng langis sa kamay nito upang ihaplas sa kaniyang katawan. "Grave ka naman manang, sagwa agad." Gagad ni Lilay. "Ser....kakanta na lang ako.." kulit pa nito. "Aaheeemmm...aheeemmm.." pagtotono pa nito sa tinig. "Sa isang pangarap—." Birit pa sana ni Lilay nang bigla siyang mahiyaw nang hawakan ni manang Goring ang likod niya. "ako'y naniniwala. Sa isang pangarap—." "Aaarrrrayyyyy!" Hiyaw ni Tristan. Awtomatikong napatigil si Lilay at nakakalokong tumingin sa kanila. Nasa ibabaw niya kasi si Manang Goring habang siya ay nakadapa sa massage chair. "Ahhhh..." tili rin nito ng makita ang posisyon nila. Nagkakanda kumahog paakyat ang papa at mama ni Tristan maging ang ilang kasambahay nila. Gulat na gulat. Pero nangibabaw ang tawa ng kaniyang mama.  Hindi naman akalaing titili ng ganoon si Lilay sa nakitang posisyon nila ni manang Goring na nagmamasahe sa kaniya. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD