MATAPOS NG KASIYAHAN ay inihatid na niya si Carissa sa apartment nito. Maayos na nagpaalam sila sa magulang. Kahit ramdam na may konting tensyon buhat nang manggaling sila sa kusina pero kahit papaano ay nadala ni Carissa ang misyon nito. Tahimik na tahimik sila sa loob ng sasakyan nito hanggang sa itigil ni Tristan ang sasakyan sa gilid ng daan. Napatingin si Carissa dito nang mapansin ang pagtigil nito. Nakitang nakatingin lang ito sa daan. "May problema po ba sir?" Turan dito. Doon ay tumingin ito sa kaniya. "Anong pinag-usapan niyo ni mama sa kusina?" Maang na tanong nito. Marahil ay naramdaman ang bahagyang tensiyon pagkatapos noon. "Wala naman, she just asked kung totoong tayo o nagpapanggap lang ako. As you see, kilalang-kilala ng mama mo. But don't worry, I did my job. Hindi ki