MABUTI NA LAMANG at nang nagsimulang i-proseso ang papeles ng ina na pai-transfer sa Manila ay nag-file na rin siya ng leave. Hawak ang cheque na binigay ng boss. Nanginginig pa ang kamay habang nakatingin rito. Matapos lisanin ang opisina nito ay dumeretso na siya sa pamunuhan ng ospital upang makausap para sa isasagawang operasyon. Nagawan niya na rin ang paraan ng taong magbibigay ng bato sa ina. Ginawan niya ng paraan para magmukhang kamag-anak nila ito. Alam niyang illegal pero lahat gagawin para sa ina. Kung hihintayin kasing may makuha silang kidney sa red cross or sa bank ng ospital ay pihadong maraming nakapila at naunang nakalista. Baka kapag idadaan sa legal na paraan ay hindi na niya mailigtas pa ang ina. "Don't worry Miss Fernandez. As soon as the papers will be verified.