NANG MATAPOS siyang ayusan ng bakla ay napangiti sa gawa nito. Wala namang pinagkaiba sa gawa ng malalaki at kilalang salon sa mga mall. Kahit pipitsugin lang salon na iyon. Mabilis na nagbayad ng 350 rito saka bumalik sa apartment niya dahil baka maunahan pa siya ng boss. Napangiti siya nang makapasok sa apartment. May kaba pero kahit papaano ay napapangiti sa sarili. Hindi niya maipagkakailang guwapo ang boss nila at batid niyang single ito. Naisip pang sabihin ang tungkol sa anak nila pero natatakot siya dahil baka isipin nitong gagamitin ito para makakuha ng pera rito. Agad na sinuot ang damit ay tinignan kung maayos ang kaniyang hitsura. Mas lalo siyang napangiti ng makitang sakto ang gawa ng bakla. Nilabas ang foundation na may glitters at pinunas iyon sa may balikat at leeg that w