VHA-Chapter 13

1209 Words
"Hey, tantanan nyo ang babaeng yan.!" Sigaw niya sa tatlong lalaki na pilit lumalapit sa babae na naipit na sa dulo ng eskinita na pinasukan nito. "At sino ka naman para pakialaman ang gusto ko!" Sambit ng lalaki na sa tingin niya ay leader sa tatlo at bahagyang lumapit sa kanya. "Hindi mo na kailangang alamin kung sino ako." Sagot niya sa mga ito at nakita niyang napangisi ang isa pang lalaki. "So ngayon ang kailangan mong gawin ay manood at itikom na lang ang pakialamero mong bibig.!" Saad ng isa pang lalaki. Bago ito muling binalingan ang babae. "Hindi iyan mangyayari." matalim ang mata niya na tumingin sa lalaking nasa gitna. "At bakit hindi! Umalis ka na lang kung ayaw mong madamay dito." Maangas na banta nito sa kanya. "Subukan mo!" Pag ka sabi ay mabilis ang kamay ng isang lalaki na sinuntok siya sa panga, ngunit hindi siya natinag sa suntok nito. Bagkus ay sunod sunod na suntok ang natanggap ng lalaki mula sa kanya. Nang bahagyang sisipain siya ng isa pang lalaki ay mabilis na nailagan niya ito, ngunit ang hindi niya nailagan ay ang isang matalim na bagay na bigla na lamang tumarak sa dibdib ng babae. Habol hininga siyang nagising. Isang panaginip pala ang pangyayaring iyon. "Kailangan ako ni Shariena, baka nasa panganib ang kanyang buhay kaya napapanaginipan ko siya." Sambit niya sa sarili at bumangon siya bago hinilot ang sintido dahil medyo nanakit ang kanyang ulo sa dami ng nainom niyang alak ng nagdaang gabi. Tumayo siya para maka inom ng tubig, kimiha siya ng tubig mula sa maliit na refrigerator at nilagok ito. Nang mqrapos ay umupo siya sa sofa at iniliyad ang ulo at tumingin sa kisame. Kailangan niyang makagawa ng panibagong plano para makuha niya ang dalaga mula sa bumihag dito para maligtas. Habang malalim na nag iisip ay biglang tumunog ang kanyang cellphone at mabilis naman siyang lumapit sa lamesitang katabi ng kanyang kama para kunin ang kanyang cellphone at sagutin ito. "Hello." Bungad niya ng masagot niya ang tawag. "Vince, pinapatawag ka ni boss." Sambit ng lalaki na nasa kabilang linya. Hindi na siya muling sumagot dahil alam na niya kung sino ang tinutukoy nito. Kasalukuyang nag uusap si Vincent at ang kanyang boss na si Don Hugo Branson sa loob ng opisina sa mansyon nito. "Nakarating ang balita sakin Vincent." Sambit ng Don. Kasalukuyan itong nag h*****it ng tabako. "Hindi ko alam boss na may transaction din ang nakasama kong babae sa aking misyon." Anya na nakayuko ang ulo at nakatayo sa harap ng mesa sa opisina ng amo. "So anong plano mo ngayon? Kilala mo ba ang babaeng iyon?" Tanong nito sa kanya. "Alam ko lang boss ay balak niyang mag higanti laban kay Francis dahil si Francis ang master mind sa magkamatay ng kanyang magulang." Saad niya sa amo. "Don't you know that girl is the only niece of Francis. Shariena Villaruel Garcia is the sole heir to the property of the Villiaruels. The wealth of his late mother, the richest in their area." Saad ng Don sa kanya. Habang si Vincent ay walang kahit na isang kataga na lumabas sa bibig nito. Hindi niya lubos akalain na magkamag anak ang lalaking balak niyang patayin at ang babaeng lihim niya ng minamahal. "Kaya mo yan Vin, malaki ang tiwala ko sayo. Hindi ko naman alam na mag ka kilala pala kayo ng pamangkin ni Francis." Saad pa nito sa kanya. Iniisip niya kung bakit kailangan i lihim ng dalaga ang tungkol kay Francis, napaka mangmang niya naman na hindi niya agad nabatid ang tungkol sa dalawa. Alam niya ng labis labis ang galit ng dalaga sa tiyuhin nito. Nung unang beses palang na nagkakilala si Vincent at si Shariena ay may nabuo agad na espesyal na pagtingin sa isa't-isa ang dalawa. Ngunit dahil sa tindi ng pinagdaanan nila sa kamay ni Francis ay hindi nila lubos akalain na ito ang magiging dahilan ng pagkakalayo nila sa isa't isa. ********* Lumipas na ang ilang buwan, habang si Shariena ay kinakabahan dahil sa ilang araw na itong nakaka ramdam sa sarili ng pagkahilo at laging nasusuka. Batid niya na sintomas iyon ng pagbubuntis ngunit paano niya pangangalagaan ang sarili kung sakaling buntis nga siya at habang nasa puder parin siya ni Francis. Ni hindi nga siya makalabas ng kwarto niya, nakakulong lang siya duon. Nagbubukas lang ang pinto tuwing hinahatiran siya ng pagkain ng mga tauhan ni Francis. Dalawang buwan na siyang delay kaya sigurado siya sa kanyang nararamdaman sa sarili. Kailangan niya ng gumawa ng paraan para makatakas mula sa pagkaka bilanggo sa kamay ng tiyuhin niyang maitim ang budhi. Alam niya na hindi basta basta mapapasok ang mansion kaya naiintindihan niya si Vincent kung mag tatangka man itong iligtas siya ay wala rin ito magagawa dahil mama matay lang ito kung ipagpipilitan ang sarili na makapasok sa loob ng bakod ng mansion. "Ahhhh…. Tulong, tulungan niyo ako!! Dalhin nyo ako sa hospital please…!!" Sigaw niya habang dinadabog ang pinto ng kwarto para may makarinig sa kanya. Nagtakbuhan naman ang dalawang lalaki upang makalapit sa pinto at pinakinggan ang boses ng dalaga na sumisigaw habang naka dikit ang tenga sa pinto. "Parang awa nyo na dalhin nyo ako sa hospital, ang sakit ng tiyan ko..!!" Muli niyang daing habang sumisigaw. Kailangan niyang makalabas ng gate ng mansion para magawa niya ng makatakas. Nagbangayan pa ang dalawang lalaki mula sa labas ng pinto ng kwarto niya dahil ayaw ng isa na tulungan ang dalaga habang ang isa ay naaawa na sa dalaga. Mayamaya ay binuksan ang pinto ng kanyang kwarto ng isa sa tauhan ni Francis. Nakita siyang naka subsob ang ulo sa sahig habang nakatupi ang katawan at hawak ang tiyan nito. Agad siyang nag angat ng ulo nang maramdaman na may pumasok na isang lalaki. "Kuya nakikiusap ako dalhin niyo ako sa hospital, hindi ko na kaya..." Daing pa rin niya na nagkukunwari para sa nabuo niyang plano. "Halika ma'am at dadalhin ka namin sa hospital." Ani ng isang lalaki na pumasok at inalalayan siya nitong makatayo, iki nawit ng lalaki ang kanyang kaliwang braso sa balikat nito at nakahawak naman sa tiyan niya ang isa niyang kamay. Lumabas sila ng kwarto at nagmamadali sa paglakad pababa ng hagdan ang lalaki habang inalalayan siya ng biglang sumigaw mula sa likod nila si Francis. "Rey!! Ano ang ginagawa mo!" Sigaw ni Francis na umagaw ng pansin sa kanila habang palabas na sila ng mansyon. "Boss, kailangan po natin dahil si Ma'am sa hospital. Namimilipit na siya sa sakit ng tiyan niya." Saad ng lalaking umaalalay sa kanya na parang nakikiusap sa amo na pagbigyan itong dalhin siya sa hospital. "Wala akong pakialam kung mamatay siya sa sakit ng tiyan niya! Ibalik mo siya sa loob.!!" Singhal ni Francis sa tauhan nito at tinuro pa ang hagdan papunta sa kwarto ng dalaga gamit ang tungkod nito. Nabigo si Sharien sa kanyang plano, wala siyang nagawa kasi nakabantay pala si Francis at hindi na talaga siya makakalabas ng mala impyernong malaking bahay na ito. Nanatili napang siya sa kanyang acting upang hindi mahalata ang kanyang pagkikunwari. "Sorry ma'am." Yan ang huling nasambit ng lalaki. Alam niyang may mabait na side sa lalaki kaya muli siyang nabihayan ng loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD