VHA-Chapter 12

1401 Words
Kasalukuyang nag hahanda si Vincent ng baril at kung ano-ano pang armas na magagamit niya sa pagliligtas kay Shariena. Nakatanggap na kasi siya ng balita kung saang lugar dinala ang dalaga. Bitbit ang itim na bag na lumabas si Vincent sa kanyang bahay. Buo ang loob na sasabak sa panibagong pagsubok sa kanyang buhay ang iligtas ang babaeng lihim na niyang minamahal. Kung noon ay pumapatay siya para mabuwal ang mga simdikato, ngayon ay isusugal niya ang kanyang buhay sa babae. Ang babaeng natutunan na niyang mahalin sa ilang mga araw na kasama niya ito. Determinado siyang iligtas ang babae sa kamay ng mga kalaban, kaya niyang makipag p*****n para kay Shariena. "I will fight for you to death Shariena!" lakas ng loob at pagmamahal sa babae ang kanyang baon. Nagtungo siya sa lugar kung saan dinala ang babae. Isang malawak na bakante ng lupa na puro damo at sa gitna nito ay mayroong abandonadong mansyon, marahil ay ito na nga ang lugar na pinagdalhan kay Shariena. Pumwesto siya sa hindi kalayuan sa abandonadong mansyon at nagtago sa isang puno. Inihanda niya ang sniper rifle at nilagyan ng silencer para hindi ito gumawa ng ingay, plano niyang isa isahing barilin ang mga kalaban na makikita niya. Nang maayos na niya ang mga kagamitan ay umakyat siya sa malaking puno. At tinutok ang rifle sa naturang lumang mansion. Bawat makita niya na kalabang nag iisa ay binabaril niya ito. Swerte naman at walang nakaka batid na nabawasan na ang mga kalabang naka bantay sa kanilang bihag. Ngunit bigla siyang nagkubli sa lilim ng mayabong na mga dahon sa puno ng mangga dahil sa napansin na paparating, dalawang sasakyan na kulay itim na van at kotse. Humahangos na tumakbo ang isang tauhan ni Francis Villaruel patungo sa kadarating lang na amo, nakilala niya ito agad. "Boss! Patay na po ang ibang mga kasamahan namin may bumaril sa kanila." Sumbong nito sa amo. "Bullshit..! Alerto kayo! At alam nyo na ang gagawin niyo.!" Singhal ni Francis sa mga tauhan nito. At mabilis na naglakad patungo sa babaeng nakagapos ang kamay ng paitaas, nawalan na ito ng lakas dahil sa pambubugbog, puro galos at dugo sa katawan at mukha ang kawawang babae na nawalan na ng malay. Inutusan ni Francis ang dalawang lalaking tauhan na hubaran ng tali ang dalagang walang malay at dalhin ito sa sasakyan. Habang akay ng dalawang lalake si Shariena at palabas sa abandonadong mansyon ay bigla na lamang bumulagta ang isang lalaki na may tama na ng baril sa noo. Kasunod nito ay ang isa pang lalaki na ganun din ang tama. Habang si Francis ay hinarangan ng isa pang tauhan na naghihintay sa labas ng sasakyan. Hinahanap nila king sino ang tao sa likod ng pamamaril, habang hindi nila makita si Vincent na nagkukubli sa puno ng mangga sa 'di kalayuan. Samantalang parang aligaga na ang ibang mga tauhan kung saan nila hahanapin ang taong pumapatay sa mga kasamahan nila. Sa van ay mabilis na naisakay si Shariena ng isang tauhan kasama si Francis, agad rin na umalis ang sasakyan. Nang makita ito ni Vincent ay mabilis siyang kumilos para sundan ang sasakyang paalis, alam niyang nanduon ang dalaga dahil nawala na ito sa binagsakan kanina. Nagtapon muna siya ng ilang granada bago sumakay sa kanyang kotse at pinaharurot ito. Sa ilang oras na naka sunod si Vincent sa Van na pinag sakyan sa dalaga ay inihahanda na niya ang iba pang baril na gagamitin, ngunit maya maya lang ay pumasok ang van sa isang mataas na gate. Ito ang Mansion na pag aari ng magulang ni Shariena 'The Villaruel and Garcia's Mansion' ito ang nakalagay sa tuktok ng gate. Mataas ang gate at pader na lagpas dalawang tao na matangkad na pinagpatong. Sa loob nito ay mayroong isang napakalaking mansion na may apat na palapag at may infinity swimming pool. May rancho rin ito sa loob ng bakod, dahil sa lawak ng lupain ay para itong isang hacienda na napapalibutan ng matataas na pader at may naka kabit na cctv sa bawat posti ng pader at may combat wire sa taas ng gate at pader, kaya hindi ito basta basta na mapapasok ng kahit sinong tao sa loob ng hindi dumadaan sa gate. Napahampas si Vincent sa manibela ng kotse nito dahil nabigo siya sa pag ligtas sa dalaga. Nakatingala si Vincent ng napansin nito ang nakasulat sa taas ng gate habang nakasilip siya sa bintana ng kotse. Umuwing bigo si Vincent sa kanyang plano na iligtas ang dalaga. Kailangan na naman niyang bumuo ng panibagong plano kung paano papasukin ang mansion. ********** Sa mansion ay nagising si Shariena sa malambot na kama at masakit ang katawan at nanghihina, iminulat niya ang kanyang mata at agad naman niyang nahulaan kung nasaang lugar siya. Ito ang kanyang kwarto sa mansyon ng kanyang magulang. Nagtataka man kung paano siya na punta dito ay batid na niya kung sino ang taong nagdala sa kanya dito at ito ay ang walang kaluluwa na hindi namang tunay na tiyuhin. Bumangon siya para tingnan ang sarili sa malaking salamin na nakaharap sa kama. Mga galos sa katawan at puro sugat sa mukha na may natuyo ng mga dugo, ang buhok na magulo at ang damit na halos basahan na ang itsura at may punit pa ito sa bandang braso. Mabilis na pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata, hindi niya batid maisip na mangyayari ang mga bagay na ito, kumpara sa dati niyang buhay na mala prinsesa noong nabubuhay pa ang kanyang mga magulang. Napaka layo ng buhay na nangyayari sa kanya ngayon kumpara sa dati niyang buhay na malaya at bagagawa ang lahat ng gustuhin. Ngayon ay patago tago at malimit ang galaw para hindi siya makita ng kanyang tiyuhin, pero kahit na anong gawin niya ay sadyang mapaglaro lang ang mundo sa kanya dahil ito siya ngayon bihag na muli ng kanyang masamang step tito. Matapos makita ang kanyang sarili sa salamin ay tinungo niya ang pinto ng kwarto para sana lumabas ngunit nakalock ito mula sa labas ng pinto. Dahil sa pagka bigong makalabas nanghihina siyang nagtungo sa banyo at nag lock ng pinto. Naghanda siya ng maligamgam na tubig sa bathtub at matapos mahubad ang saplot ay inilublob niya ang kanyang sugatang katawan. Nakaramdam siya ng hapdi sa kanyang balat sanhi ng mga sugat at galos na natamo mula sa mga taong halang ang kaluluwa na nang bugbog sa kanya. Tiniis niya ang hapdi ng katawan, iniliyad niya ang kanyang ulo sa bathtub at marahang epinikit ang kanyang mga mata. Ramdam niya ang pagpatak ng kanyang luha na lumabas sa gilid ng kanyang mata, sa puntong ito kahit hindi man siya ligtas sa kamay ng kanyang step tito ay gusto muna niyang irelaks ang kanyang sarili. ***** Shariena's flashback……. "Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you……" boses iyon ng kanyang magulang at mga panauhin. Isang masigabong palakpakan ang umuugong sa hardin ng mansion matapos siyang kantahan ng kanyang magulang kasama ang mga bisitang dumalo sa kanyang ika pitong kaarawan. Malapad ang ngiti nya matapos mag wish at ihipan ang apoy sa kandila na nakatusok sa kulay pink na at bilog na cake, hawak ito ng kanyang ama. Maya maya lang ay may inabot na regalo sa kanya ang isa nilang katulong dito sa mansion. "Shariena may nagbigay ng regalo sayo." Nakangiting saad ng katulong sabay abot ng regalo. "Wow, thank you." Excited na binuksan ni Shariena ang regalo na ibinigay sa kanya. Ngunit malakas na tili at iyak ang narinig ng kanyang magulang ng tumilapon ang regalo at nag tatakbo siya sa loob ng mansyon, isi nubsob ang mukha sa couch habang umiiyak. Isang bungo ng tao at may mga uod pa ang laman ng kahon na iniregalo sa kanya. Kuyom ang mga kamao ng kanyang ama na kinausap ang katulong na nag abot sa bata ng regalo. End of flashback……… Tela takot si Sharien ng imulat ang kanyang mata at binaluktot ang katawan saka niyakap ang sarili. Nuon paman ay nakakatanggap na sila ng death ret, ngunit hindi nila malaman kung sino ang masamang tao na may galit sa kanila, ngunit kalaunan ay natuklasan din ng dalaga kung sino ang masamang tao na iyon. Ngunit huli na ang lahat dahil nasawi na ang kanyang mga magulang bago niya nabatid na ang tiyuhin niya pala ang masamang tao na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD