VHA-Chapter 14

1208 Words
Bago pa man sila maka akyat ng hagdan ay himirit pa bg lalaki sa amo nito. "Pero boss na……" Naputol ang sasabihin nito ng muling magsalita ang matanda. "Ibabalik mo siya o ikaw ang mauunang bubulagta na duguan sa inyong dalawa!" Sigaw ni Francis na ikinabahala naman ng lalaki. Kaya imbis na makalabas siya ng mansion ay ibinalik siyang muli sa kwarto nito. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod. "Bwesit na matanda na iyon!" Gigil na kinuha niya ang unan sa kama at ibinato ito sa malaking salamin na nasa harapan niya ngayon. Problemado siya kung paanong paraan na naman ang pwede niyang gawin para makatakas lang sa puder ng matandang pangit na nga pangit pa ugali at higit sa lahat ay maitim ang budhi. "Ano na ang gagawin ko ngayon?" Sambit niya sa sarili at kanina pa hindi mapakali. Panay ang paroo't parito niya sa loob ng kanyang kwarto at minsan pay sumisilip sa dingding na salamin na ang natatanaw sa labas ay ang infinity pool at ang malawak na hardin ng biglang may naalala siya mula sa nakaraan. ********** Shariena's flashback…. "Mommy, mommy, look at what I did, is it looking good?" Sambit niya sa kanyang ina at ipinakita ang iginuhit niya sa sketch pad. "Wow, baby you're so good. Have you shown that to your daddy?" Saad ng kanyang ina bago siya tumayo at tumakbo palapit sa ama niyang kasalukuyang nagbabasa ng dyaryo habang humihigop ng tea at nakaupo sa Garden metal table na may apat na upuan. "Daddy, look?" Anya at ipinakita ang sketch pad. "Wow baby, are these our family pictures?" Taong sa kanya ng kanyang ama na may malapad na ngiti. "Yes daddy, this is you, this is mommy and me." Tinuro pa niya ang kanyang sarili sa huling sinabi. "We are a happy family forever." Dugtong pa niya at itinaas pa ng dalawang kamay sa tuwa. End of flashback……… Iyon ang alaala mula sa nakaraan noong anim na taon pa lamang siya, masaya silang magkakasamang pamilya. Nagba bonding palagi sa malawak na hardin na natatanaw niya. Kahit saang sulok ng mansyon na ito ay puro magagandang ala-ala ang nakaraan nila ng kanyang magulang, ngunit ibang-iba na ngayon. Kahit saang sulok ng buong ligar na ito ay puro tauhan ni Francis ang makikita at may mga bitbit na baril, mahaba man at maikli ay laging alarma ang mga ito. Hindi na niya namalayang mabilis na nag lalandas ang kanyang mga luha sa pisngi, pinahid niya ito ng kanyang palad. Sana kung hindi lang sila ipina patay ni Francis ay masaya pa sana sila hanggang ngayon. Isang batang napakalambing sa magulang na lumaki si Shariena kaya hanggang ngayon ay hindi niya pa rin maiwasan na laging naaalala ang mga nakaraan nila ng yumao niyang magulang. Habang nagpapahid siya ng kanyang luha ay natanaw niya mula sa kinatatayuan niya si Francis na sumakay sa kotse at kasama ang iba nitong mga tauhan na sakay sa ibang sasakyan na lumabas sa gate ng mansyon. Agad siyang nakaisip ng paraan para sa gagawing pag takas, malakas na kinatok niya ang pinto ng kanyang kwarto. "Kuya! Pakiusap palabasin mo ako dito!" Sigaw niya habang kinakatok ng malakas ang pinto ng kwarto mula sa loob. "Kuya!" Muli niyang sigaw at malakas niya paring kina katok ang pinto. Samantalang sa labas ng pinto ay hindi mapakali si Rey ang lalaking tumulong sa kanya ng nagdaang araw. Nagdadalawang isip ito kung pagbubuksan ba ang dalaga o hindi dahil iniisip niya na malalagot siya sa kanyang boss na maaari niyang ika pahamak, kung sakaling pakakawalan niya ang babae. Kinukusot kusot nito ang kanyang kamay at atras abante na ilalapit ang kamay sa seradura ng pinto. "Kuya, alam kong andyan ka sa labas.. Nakikiusap ako pag buksan muna ako ng pinto, gusto ko lang magpunta ng hospital. Maawa ka na kuya please…." Pagmamakaawa niya sa lalaki na hindi niya batid kung sino, dahil anino lang ng paa ang nakikita niya mula sa maliit na siwang sa ilalim ng pinto. Maya Maya lang ay nagbukas na ang pinto. "Ma'am mala lagot po ako kay boss." Anito. "Ako bahala sayo kuya, basta kailangan kong maka alis dito sa mansyon, sumama ka sa akin, ipa pangako ko sayo na maliligtas ka. Kailangan ko lang na maka alis dito please kuya, alang alang nalang sa magiging anak ko." Pagmamakaawa niya sa lalaking kausap. Si Rey. Si Rey ay matagal ng tauhan ni Francis, simula noong nagdadalaga pa lamang si Shariena ay nakikita na niya ang lalaking si Rey na kasa kasama ni Francis, noon pa man ay nakikitaan na ito ng kabutihan ng loob. Sa palagay nga ng dalaga ay napipilitan lamang ito na magtrabaho sa kanyang tiyuhin dahil na rin sa matinding pangangailangan para mabuhay ang pamilya nito. "Halika ka ma'am, bilisan mo lang." Nagsuot muna siya ng nakuha niyang hoody jacket mula sa kabinet bago lumabas ng kwarto at itinaklob ang hood sa ulo. Maingat ang galaw nila na nakalabas ng mansion na walang nakakakita na ibang mga tauhan, ngunit alam nila na kitang kita sila sa mga cctv na nakapaligid sa bawat sulok ng mansion at sa labas ng mansion. Bago paman sila makalabas ng mansion ay kinuntiyaba ni Rey ang isang tauhan na nagbabantay sa gate ng mansion na kunwari ay hindi sila nakita at napansin dahil nakatulog ito habang nag babantay. "Mag i ingat ka ho ma'am, gumayak kana po at babalik na ako sa loob." Anito, ng pinapaalis na ang dalaga. Kasalukuyan silang nasa isang sulok ng pader na hindi kita kung sakali man ay may paparating na sasakyan at papasok ng gate sa mansion. "Hindi kuya, sumama ka sa akin. Tiyak ko kasi na pag nalaman ng damuhong Frances na iyon na ikaw ang tumulong sa akin ay natitiyak kong mapapahamak ka o mas ipapa patay ka niya." Saad niya sa lalaki. "Ako na ho ang bahala sa sarili ko ma'am ang importante ay makalayo ka rito." Sambit nito na pilit na siyang itinataboy. "Kuya makinig ka sa akin, magtulungan tayo. Tutulungan din kita dahil utang kona ang buhay ko sayo. Please kuya sumama kana sa akin." Pakiusap ng dalaga sa lalaki. Nagdalawang isip pa muli ang lalaki bago ito mag desisyon na sumama sa dalaga. Sa hindi kalayuan ay may isang maliit na kubo, pumasok roon si Shariena at may isang bagay sa gitna ng kubo na natatakpan ng malapad na tela. Binuksan ito ng dalaga at bumungad sa kanila ang isang puting kotse. May kinuha pa ang dalaga sa ilalim ng sasakyan bago binuksan ang sasakyan at binuhay ang makina. "Kuya pumasok kana!" Ani ng dalaga. Nag maayos ng nakasakay ang lalaki sa kanyang tabi ay agad na pinaandar na ang kotse. Nawalan na ng pakialam ang dalaga ng pinilit nitong ilabas ang kotse mula sa kubo, wasak ang munting kubo ng pinaatras nito ang sasakyan at biglang ini liko saka mabilis na pinaharurot. May katagalan narin kaya medyo marupok narin ang kubo kaya mabilis itong nabuwal. Noong unang tumakas si Shariena sa mansyon ay binili niya ang kotse na ito, at sinadya niyang pagawaan ng isang maliit na kubo para masilungan lang ng sasakyan. Sa puntong iyon ay naging matalino siya dahil na gamit niya ito sa pagkakataon na iyon para makalayo sa lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD