VHA-Chapter 15

1287 Words
"Kailangan nating daanan ang pamilya mo! Ituro mo kung saan ang daan ng bahay mo kuya." Saad ni Shariena sa lalaking kasama niya sa sasakyan. "Rey, nalang po ma'am." Ayae niya sana tanggapin ang alok ng dalaga pero iniisip din niya ang kaligtasan ng kanyang pamilya. Kaya agad niya ng itinuro ang daan. "Duon po ma'am, diritso mo lang po yang daan at kanan po kayo, nasa ikatlong bahay po ang aking bahay." Dugtong pa nito. "Okay, pagdating natin duon ay diritso muna sila ipasakay sa sasakyan. Ako na bahala sa mga gamit niyo kuya Rey." "Opo ma'am. Sobrang salamat po talaga utang na lòob ko po ito sayo." kahit papano ay hindi na rin siya nagsisisi na tinulungan ang babae dahil marunong din itong magbalik ng utang na loob. "Mas malaki ang utang na loob ko sayo kuya, kaya hayaan mong matulungan din kita." Mabilis na lumipas ang ilang minuto at nakarating na sila sa tapat ng bahay ng lalaki. Mabilis naman na kumilos ang lalaki at ilang segundo lang ay kasama na nito na lumabas ng bahay ang kanyang dalawang anak at asawa. Dalawa ang anak nito na nasa sampo at pito ang mga edad at isang babaeng matanda na sa palagay ni Shariena ay magulang ni Rey. "Sumakay na kayo bilis." Pagmamadali niyang utossa mga ito. Agad naman na pinaandar niya ang sasakyan ng matiyak na maayos na naka upo ang mga ito. "Saan po tayo pupunta papa?" Tanong ng isang batang babae. "Shhh… Mamaya ay sasabihin ni papa ha? Umupo lang kayo ng maayos at mahaba ang lalakbayin natin okay?" Sambit nito sa anak. Tumango na lang din naman ang batang babae at nanahimik na lang, ngunit mababakas ang pag aalala ng mukha ng babaeng sa palagay ni Shariena ay asawa ni Rey. Kitang kita niya kasi ito mula sa maliit na salamin na nasa harap niya. Kasalukuyan na nilang binabaybay ang kahabaan ng kalsada palabas ng pampanga para makarating sila ng maynila, dahil doon sa lungsod ay mahihirapan ang mga tauhan ni Francis na mahanap sila. Nakatulog na ang dalawang bata na tahimik lang mula kanina sa byahe. Dumaan muna sila sa isang gasolinahan para magpakarga ng gasolina dahil makukulangan na sila sa gas. Mabuti nalang at may isang maliit na convenience store sa tabi ng gas station at nakapamili na siya ng pwede nilang makain dahil tiyak na nagugutom narin ang mga kasama niya sa sasakyan. Mabuti na lamang ay naisipan ng dalaga na kunin ang pera na matagal ng nakatago sa isang maliit na money bolt, sa loob ng kanyang kwarto duon sa mansion halos nasa isang daang libo din iyon. At malaki ang pasasalamat niya na hindi ito nakita ni Francis. "Kuya halika bilis, kunin mo ang makaka kain ng mga bata at si lola, sama muna pati sa inyo." Agad naman na kumilos si Rey. Matapos mag bayad ay patakbo silang bumalik sa sasakyan at mabilis na pina andar na ulit ang sasakyan. Ilang oras pa ang lumipas at naalala ni Shariena ang lugar ng binata noong araw na nilisan niya ang gusali ng gabing may nangyari sa kanila ng binata, at pati ang numero ng condo unit ng binata ay nasaulo rin niya. Malakas na kinatok ni Shariena ang pinto ng condo ng binata ngunit parang walang nakakarinig sa malakas na katok na iyon. "Vincent?!" Sigaw niya mula sa labas ng pinto ng naturang kwarto kasabay ng malakas na katok. "Maam baka po walang tao." Ani ni Rey sa kanya. Nagdesisyon na lamang sila na lisanin ang lugar na iyon dahil bigo silang makita ang binata, para na rin maghanap ng ibang pwedeng tuluyan. Samantalang hindi na muna babalik si Shariena sa kanyang penthouse dahil baka ikapahamak lang nila lahat kung magbabalik pa siya doon, dahil alam na rin ni Francis ang lugar na iyon. Napadpad sila sa lugar ng tondo at nakahanap sila ng maliit na bahay na kanilang mauupahan at sama sama sila lahat duon. Masaya rin naman ang dalaga dahil parang nakahanap siya ng pamilya sa pagkakataon na iyon, naging masaya ang paninirahan nila. Nakapag hanap buhay na si Rey at ang asawa nito, umupa sila ng pwesto sa palengke gamit ang pera ni Shariena upang panimula, habang nasa bahay lang ang dalaga at ang mga anak ng mag asawa pati na rin ang matanda na ina ni Rey. Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan, ngayon ay malaki na ang tiyan ni Shariena na nasa ika anim na buwan na ang ipinagbubuntis nito. Kahit nahihirapan sila sa ganoong buhay at maingat sa mga galaw ay nanatiling masaya at ligtas naman sila sa araw araw na kinakaharap sa hamon ng buhay. ************ Habamg si Vincent ay walang kamalay malay na naka alis na pala ng mansion ang dalaga. Hindi pa rin ito sumusuko na pag aralan ang buong paligid sa naturang mansyon. Dahil nawalan siya ng contact sa dalaga kaya hindi niya alam kung kamusta na ba ito sa loob ng mansyon at sa kamay ng kalaban na si Francis. Kumuha siya ng ilan sa mga tauhan ni Don Hugo, para makasama niya sa araw na iyon, para lusubin ang mansion ni Francis. Kasalukiyang nagtatago si Vincent at ng mga kasama nito sa isang madilim na parte ng pader at bawat isa ay may sari sariling lugar na pinostihan. Nauna siyang umakyat ng pader, ngunit sa kanyang pag akyat ay may nakita siyang tatlong lalaki na nag uusap usap sa baba, rinig niya kung ano ang mga pinag uusapan ng mga ito. "Tiyak kong papatayin yan si Rey pag nahanap sila ni boss." Sambit ng isang lalaki na may hawak na mahabang baril. "Oo pare, akalain mo ba naman na ang tapang para itakas ang babaeng bihag ni boss." Sambit rin ng isa na ganun din ang hawak. Dahil sa narinig ay suminyas na siya sa mga kasama niya na mag back up. "At hanggang ngayon pare hindi mahanap hanap, pitong buwan na pre! aba matindi ang lugar na pinagtaguan nila." Sabi naman ng isang lalaking napapa halakhak pa. Halos hindi makapaniwala si Vincent na pitong buwan na palang nakalaya ang babae, ngunit bakit hindi manlang siya nito binalikan. "Maswerte siya kamo pare sa ngayon, dahil tiyak kapag nakita siya ni boss baka balatan siya ng buhay." Saka nag halakhakan ang mga ito at nai pipilig pa ang ulo ng isa. Pagkarinig niya sa mga lalaking iyon ay agad siya nag bigay ng pangalawang hudyat sa mga kasamahan niya na umatras na. Ngunit mayroong isang lalaki na kasamahan niya na nahulog ang suot na maliit na head microphone. Kaya naman ay nung nakita ito ng kalaban ay mabilis na pinaputukan ng baril. Umugong ang ingay ng palitan ng putok ng baril sa gabing iyon, sa huli ay dalawa ang napatay sa kanyang mga kasamahan. Umuwi si Vincent na puno ng lungkot dahil sa dalawang kasamahan na nasawi at ang pag asang makita niya ang babae na ngayon ay nagtatago sa kung saan, para makatakas sa tiyuhin na si Francis. Alam niyang nahihirapan na ang babae sa sitwasyon nito, ngunit bigo siyang matulungan ito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito makita. Labis man ang pangungulila niya sa dalaga na natutunan na niyang mahalin ay wala siyang magawa kundi ay hintayin ang araw na makita niya pa rin ito. King ang mga tauhan ni Francis na napakarami ay bigo na mahanap ang babae, siya pa kaya na nag iisa lang. Ngunit hindi pa rin siya sumuko sa kabila ng lahat. Maaga siyang kumilos kinabukasan para maghanda sa sarili upang hanapin ang dalaga sa kahit saang lugar. Sakay ng kanyang motor ay binabaybay niya ang kalsada at palinga linga sa paligid baka sakaling makita niya ang dalaga sa lugar kung saan nadadaanan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD