Chapter 3

1313 Words
Hindi ko man tiyak na magagawa ko ang aking trabaho ng walang palya ay gagawin ko na lamang ang lahat para magampanan ko ng maayos ang aking trabaho. Buhay ko ang nakataya dito. Malalim ang aking iniisip ng mahinto ako sa isang park. Naisip kong tingnan ang envelope sa loob ng aking bag, pinag-aralan ko ang bawat detalye ng target, maigi ko rin pinagmasdan ang litrato ng lalaki. Pinagmasdan ko ito hanggang sa mamemorya ko ang itsura nito. May edad na ito, at sa tantya ko ay nasa ika anim naputlimang taong gulang na ito at nag ngangalang Francis Villaruel. Sa Pampanga nakatira. Isang malaking hasyenda ang kinatitirikan ng mansyon nito at napapalibutan ng CCTV ang bawat sulok ng pader ng mansyon. Meron din itong ilang grupo ng mga tauhan na beynte kwatro oras nakabantay sa mansyon. Kaya napaka labong makalusot ako upang makapasok ng mansyon, pero kung ito ay lalabas sa lungga ay posible na magagawa ko ang aking misyon. Muli kong itinago ang papel sa aking bag at sumakay na ng motor saka pinaandar ito. Malayo ang iniisip ko habang nagmamaneho, kailangan kong maghanda sa panibagong misyon na aking haharapin, hindi ito madali kaya kailangan kong pag igihan ang pag eensayo. Naisipan kong pumunta sa gym na pag aari ng aking kaibigan dahil nais ko siyang kausapin. Bago ako tumuloy sa gym ay kumuha muna ako ng ilang damit na bihisan ko sa aking condo bago nagtungo sa gym. "O sir, welcome back. Akala ko ba ay nasa bakasyon ka?" Nagtatakang tanong sa akin ng isang trainor ng gym na lagi kong nakakausap, si Joe. "Nagbago isip ko ehh," nakangiti kong bero dito at nakipag aper ako bago nagtuloy sa loob. “Nandito ba siya?” Muli akong bumaling sa kanya. “Wala pa sir eh,” aniya. Pinulot ko ang dalawang dumbell na tig sampung kilo ang bigat bawat isa pagka lapag ko ng aking bag. Pag tayo ko ay may dumaan na babae sa aking harapan, may bitbit itong bag na may kalakihan. Seryoso ang mukha ng dumiritso ito sa locker room, sinundan ko pa ito ng tingin dahil pamilyar ang mukha ng babae, pilit kong inaaala kung saan ko ito nakita. Maya-maya ay bumalik ang babae, napapanganga ako sa kaseksihan nito. Nakatali ang lagpas balikat nitong buhok na blonde at nakasuot ito ng kulay itim na ligings at itim na bralet, itim din ang sapatos nito. Sumakay sa treadmill machine at nag umpisang naglakad, nakatingin lang ako dito habang kinikilala ang babae. Nang bigla kong naalala ang babaeng naka one night stand ko sa aking condo, siya nga ang babae na iyon. Napangiti ako at lumapit ako sa katabing treadmill at sumakay din, nagkunwaring maglakad ng mabagal. Saglit akong nakiramdam bago magsalita. "Hi, do you remember me?" Tanong ko sa babae. Ngunit hindi niya ako pinansin, tumatakbo na ito at pabilis ng pabilis ang pag takbo nito. Napangiti ako ng napansin ko na naka earpad pala ito, kaya pala hindi ako narinig. Maaaring hindi niya ako nakilala o kaya hindi siya maka alala dahil lasing ito noong gabing iyon. "Shariena...!!" Tili ng isang bakla na patakbong lumapit sa babae. Agad naman nag tanggal ng earpad ang dalaga at pinahinto ang treadmill, bumaba ito at nakipag yakapan sa bakla. "Bakit ang tagal mo bakla?" Tanong nito sa bakla at pinulot ang tumbler at uminom ng tubig. Nang mag angat ito ng ulo para uminom ay napalunok ako ng aking laway dahil sa kinis ng leeg nito. "Hay nako, alam mo naman ang parents ko strict," sambit ng bakla pagkatapos ay nagtatawanan sila. "Ikaw talaga.... nakuha mo pa talagang mag bero. Magbihis ka na nga para makapag pa sexy ka na," bahagya pa itong itinulak ng babae para umalis dahil nakasuot ito ng pang opisina na damit. Halatang kaka galing lang sa trabaho. "Teka.... hi pogi pwedeng pa himas." Sambit nito ng balingan ako. Akma na sana na lalapit ang bakla sa akin ngunit hinila ito ng dalaga. Siguro ay naakit ko ang bakla sa macho kong katawan, “Teka macho nga ba ako?” Napailing na lang ako sa aking naisip. Labas kasi ang abs ko at muscle sa aking suot na sando na kulay abo at itim na jagger pants. "Hoy, bakla mahiya ka naman sa tao. Bilisan mo na, magbibihis na lang lumalandi pa!" Muli nitong itinulak ang bakla at tumingin sa akin, nakita ko ang paglunok ng laway ng babae ng humarap ito sa akin. "Tulo mo lumalaway! Baklang to akala mo kung sinong malandi, ikaw rin naman!" Humagalpak ng tawa ang bakla saka kumaripas ng takbo bago pa ito mahampas ng dalaga. Bumalik sa treadmill ang dalaga at nag umpisa itong muling mag lakad sa treadmill ng dahan-dahan habang napapalingon sa gawi ko, nginingitian ko naman ito kapag nagtatama ang aming paningin. ****************** Kinabukasan ay bumalik ako ulit sa gym dahil hindi nakarating si Brandon kahapon, ngunit natuwa ako ng makita ko ulit ang babae sa gym. Mag isa lang ito at wala ang bakla nitong kaibigan. "Hi Shariena, hindi mo yata kasama ang kaibigan mo?" saad ko sa dalaga. Napatingin naman sa akin ang dalaga. “Ha? Ako ba ang tinatanong mo?” Tumango-tango ako habang nakangiti. "Paano mo naman nalaman ang pangalan ko?" Nagtataka niyang tanong sa akin. "Ah yun ba, narinig ko kasi kahapon na binanggit ng kaibigan mong bakla ang pangalan mo," tugon ko habang itinuturo pa ang kamay niya sa entrance ng gym. "Ah okay, may lakad lang si Dave, marami kasing raket yun." Saad niya kahit hindi ko naman tinanong kung nasaan ang kanyang kaibigang bakla. "Pwede ba magtanong?" Sambit ko habang bahagya akong lumapit sa dalaga. "Yes of course," agad naman siya sumang ayon. "Hindi mo ba ako natatandaan?" Tanong ko sa kanya. "What!? Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong nito sa akin. "Noong gabi na lasing na lasing ka, sa bar? Hindi mo yun natandaan?" Napa awang ang kanyang bibig habang namimilog ang mata na nakatingin sa akin. Maya-maya ay napansin ko ang pamumula ng kanyang pisngi. "You mean, that night? Ikaw…?!" Hindi makapaniwala na sambit niya. "Yes, I'm the one. I'm sorry …for that night, medyo naka inom din ako noon kaya di ako nakapag control sa aking sarili." Saad ko. "It's okay, ako naman ang nag umpisa," nahihiya nitong sambit. Nakayuko ang kanyang mukha, tela hindi ito makatingin ng diretso sa akin. "Ibig mong sabihin naalala mo yung gabing may nangyari sa atin pero hindi mo natandaan ang mukha ko?" Takang tanong ko sa dalaga. Tango lang ang naging sagot niya. "Really?! Paano mo nagawa ang bagay na yun, i mean bakit mo naman ginawa yun? Ang halikan ako bigla, lalaki ako. You know what I mean," Dugtong ko pang tanong sa kanya. "Gusto ko lang naman na libangin ang sarili ko,” aniya. “As in naglilibang ka lang?” Tumango-tango siya. “Saka nakipag pustahan kasi ako sa barkada ko," nahihiya nitong kwento sa akin. "Sabi nila.... kapag daw birhen pa ang isang babae ay hindi pa raw ganap na dalaga," kibit balikat nitong dugtong. "At naniwala ka naman?" Napapa iling kong tanong sa kanya, habang nakayuko siya at hindi makuhang tignan ako. "Paano kung doon ka nasama sa dalawang lalaki na gustong maka score sayo? Idi mas lalo kang napahamak!" Dugtong ko pa. "Hindi ko nga akalain na magagawa ko ang bagay na iyon, siguro dala na rin sa mga kinakaharap kong problema at lasing na rin ako nun," saad nito na tela may lungkot na naramdaman. "Hindi naman yun solusyon sa problema, kahit anong problema pa iyon hindi mo dapat isa-alang-alang ang katawan mo para lang mapatunayan mo na ganap ka ng dalaga.” Sambit ko. Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya. “Tulad ko na uhaw rin sa s*x, paano kung masamang tao ako o ang naka-siping mo nang gabing iyon at gawan ka ng masama?" Dagdag ko pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD