Chapter 4

1378 Words
"Ohm, bakit ikaw? Hindi ka rin naman mabait a, pinatulan mo nga ako e. Kung mabait ka talaga, idi sana hindi mo ako dinala sa condo mo," singhal niya sa akin. "Idi sana kung hindi kita dinala sa condo ko at hinayaan kita doon sa dalawang lalake na yun, idi na rape ka na," giit ko sa kanya. Bigla na lamang akong hinampas sa balikat sabay tinapunan ako ng masamang tingin. Samantalang ako ay na0ahagikgik na lang sa mukha niyang di maipinta. Pero cute siya kapag galit. "Bakit ka ba nandito.... sinusundan mo ba ako?" Kunot ang kanyang noo habang nakapamewang at nakataas pa ang isa niyang kilay habang nagtatanong sa akin. "Para malaman mo, regular costumer na ako sa gym na ito. Kilala ko rin ang may-ari nitong Gym. Nagkataon lang na nakita kita rito kahapon." Paliwanag ko sa kanya, ngunit ang totoo niyan ay bestfriend ko ang may ari ng gym na ito. “Eh ikaw, bakit ka nandito?” Dagdag ko pa. "May nag rekominda kasi sa 'kin na dito raw magandang pag insayuhan, ang sabi.... magaling daw ang isang trainor dito. Hinihintay ko lang na ma meet ang lalakeng mag t-train sa akin. Pero mamaya pa daw darating." Saad niya. "Bakit ka naman mag i-ensayo? Sasabak ka ba sa giyera?" Pabiro kong tanong sa kanya. "Parang ganun na rin," kibit balikat niyang saad. "Hinahanda ko lang ang aking sarili. Para.... sakaling makatagpo ko ang taong nagpapatay sa magulang ko, e may laban na ako," dagdag pa niya habang seryuso ang mukha at tila malalim ang iniiisip. Bahagya pa nitong itinikom ang kamao na at umiigting ang panga. "Seryuso pala ang problema mo, bakit dinamay mo pa ang katawan mo? Bweno gusto mo ba na sabay na tayong mag insayo? Parang pareho kasi tayo ng pakay. May mas alam akong lugar para pag insayuhan, interisado ka ba?" Wika ko sa kanya. Agad naman siyang sumangayon sa akin. Porsigido yata itong matuto para maihanda ang sarili. Dinala ko siya sa isang warehouse sa cavite, malawak ang loob nito at mayroong mga gym equipment. Ito ay tagong lugar, at tanging siya pa lamang ang dinala ko rito sa aking secret place. "Sayo ba ang lugar na ito?" Tanong niya sa akin habang iniikot ang paningin sa loob ng wearhouse. Tumango naman ako. "Yes, dito ako laging nag eensayo pag may misyon ako." Bigla na lamang siyang napatingin sa akin na kunot ang noo. "Bakit nagpupunta ka pa sa gym?" Usal niya. "Tulad mo hinihintay ko rin si Brandon. Ang taong tinutukoy mo ay si Brandon, siya ang magtuturo sayo para mag ensayo. May importanteng pakay ako sa kanya doon ko siya hinihintay." Sagot ko. "Ano ba ang trabaho mo at ano ang misyon mo?" Magkasunod nitong tanong. Napaisip ako kung sasabihin ko ba sa kanya o mananatili na lang itong lihim sa akin. Ngunit magaan ang loob ko sa kanya at nais ko rin sabihin kung ano ang meron sa pagkatao ko. "Baka katakutan mo ako kung sasabihin ko sayo ang tunay kong pagkatao." Seryoso akong tumingin sa kanya bago nagsalita. "Kung magiging katulad mo ako, bakit naman ako matatakot sayo?" Pabero nitong sagot sa akin. Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa gitna ng pag i-ensayuhan namin, sa gitna ng malapad at kwadradong carpet. Tumayo ako at may kinuha akong brown envelope sa aking bag, naglalaman ito ng detalye ng taong misyon kong patayin. Ibinigay ko ito sa kanya para makita niya, agad naman niya ito kinuha at nagtataka na binuksan ang envelope para tingnan ang laman. "Ano ito?" Tanong niya habang binubuksan ang envelope. "Isa akong hitman at siya ang huli kong misyon na binigay ng aking amo bago ako tumiwalag sa trabaho ko." Saad ko. SHARINA'S POV Nang buksan ko ang envelope ay agad kong kinuha ang laman nito, ngunit nagulat ako ng makita ko ang nilalaman nito. Hindi ako makapaniwala sa lalaking nakikita ko sa litrato, ngunit sa huli ay ikinatuwa ko ito at napa ngisi pa ako. "Kilala mo ba siya?" May kahulugang tanong niya sa akin. "Yes, personally. Actually, siya rin ang taong gusto kong pag higantihan. Ngayon alam ko na kung ano ang dahilan bakit niya kami ipinapatay, masyerte lang akong nakaligtas. Pero nadali niya ang mga magulang ko. Hindi ako titigil hangga't hindi ako makapag higante sa taong pumatay sa aking magulang," gigil kong sambit at matalim ang aking mata habang kinukusot ang litrato ni Francis. Tila tumaas ang aking dugo ng makita ko ang mukha ni Francis sa litrato. Galit na galit ako sa lalaking nasa litrato. Hindi ko akalain na iisang tao lang pala ang pakay namin ni Vincent upang puksain. Maya-maya ay niyaya niya ako sa likod ng warehouse. Sa gilid ng pader ay may mga lata na nakatayo binigay niya sa akin ang baril at itinuro ang mga lata na nagsisilbing target. Agad ko naman itong binaril ngunit hindi tinamaan ang lata, napatingin ako sa kanya at kita ko siyang nagtakip ng bibig na tila nagpipigil ng tawa. “Kalma ka lang tsaka hindi ganyan ang tamang paghawak ng baril.” Aniya. Lumapit siya sa akin, hinawakan niya ang aking kamay mula sa aking likuran at hinawakan niya rin ang aking isang kamay at kinulong niya ito ng kanyang palad habang hawak ang baril at tinutok ito sa target. Mayamaya ay ipinutok ang baril sa target at tumalsik ang isang lata dahil tinamaan ito ng bala. "Relax, nanginginig ang kamay mo," bulong niya sa akin. Talagang nanginginig ang kamay ko na patayin si Francis, naisip ko. Ngunit tela mas nanginig ang buo kong katawan dahil kuryenting bumalot sa akin at tila may kung anong pumintig sa gitnang parte ng aking katawan. "A-Ahm, a-ako na lang, hindi kasi ako komportable na nasa likod kita," nauutal kong sambit. Paano ba naman eh magkadikit na magkadikit ang aming katawan, ramdam na ramdam ko ang matigas na bagay na parang tumutusok sa aking puwet. "Oh! Sorry,” aniya at bahagya na siyang lumayo sa akin. “Hhmmmm!” Tikhim ko. Tumabi siya sa akin at tinuro ang lata na nagsisilbing target. "Sige subukan mo ulit targetin ang isang lata," utos niya sa akin habang tinuturo ang isang lata. Inangat ko naman ang dalawa kong kamay habang hawak pa rin ang baril at tinutok ko ito sa target tsaka ko pinutok ang baril. Napangiti ako ng tamaan ko ang isang lata, napapalakpak naman siya na tila humanga sa akin. "Sige go, magsanay ka para gumaling ka mag asinta ng kalaban," utos pa niya sa akin. ***VINCENT*** Hindi ko maintindihan kung paano ko nagawa na turuang bumaril si Shariena kahit alam kong masama iyon. Naisip ko na lamang na mabuti na rin yun para may self defence siya kung sakaling dumating ang araw na iyon. Ilang minuto ang lumipas at kasalukuyan kaming nagpapahinga sa isang medyo mahaba na bangko dito sa loob ng warehouse, nang maalala ko na bago pala kami tumuloy dito ay dumaan muna ako sa isang convenience store para bumili ng beer in can. Tumayo ako para kunin sa bag ang beer, hinugot ko sa bag ang anim na perasong beer na naka supot at may kasama itong dalawang klase ng potato chips. Inilapag ko ito sa bilog na mesa na gawa sa kahoy. "Beer? Let's pass the time while resting," alok ko kay Shariena. Bigla siyang nag angat ng ulo at tumingin sa akin at umiling habang nakangiti. "Uhmm, it looks like you need a strong plea before you can get me to drink that," saad niya sa akin. Bigla naman akong napahilot sa aking sintido, hindi ko naalala na mga branded whisky pala ang iniinom niya. Nai-kwento niya pala sa akin na isa siyang heridera, lumaki siya na mayaman na lahat ng luho ay nakukuha niya, binibigay ang lahat ng kanyang magulang, kaya naman hindi ito sanay sa mga mumurahing pagkain at inumin, tulad ng beer. Ayon sa kanya. "Sorry, but just try it, you might like it, the beer is okay. The only problem is that it is not cold anymore," saad ko. Pagka sambit ko ay kumuha ako ng isang latang beer at binuksan ko ito, sumirit pa ang laman dahil siguro naalog ito kaya naman ay napailag siya ng bahagya dahil medyo natalsikan siya ng beer. "Oops.. I’m sorry,” natatawa akong napatingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD