Chapter 2

1447 Words
Napapahawak ang babae sa magkabilang dulo ng unan dahil sa malakas at mabilis na aking pag ulos at umaalog-alog pa ang dalawang dibdib nito. Maya-maya lang ay nilabasan na ako, hindi ko ito pinutok sa loob bagkus ay nilabas ko ang aking alaga at sa tiyan ng babae ko inilabas ang aking katas. Marami pa akong dapat na ayusin sa buhay bago ang pagkakaroon ng anak. Nang masimot ang aking katas ay kumuha ako ng tessue at pinunasan ko ang kanyang tiyan, saka ko binagsak ang aking pagod na katawan sa kama at bahagyang pumikit ng nakangiti. Maya-maya ay tumagilid ako at tiningnan ang tela naghahabol ng hininga na babae. Nakapikit lang siya ngunit alam kong pagod din siya sa aming kakatapos lang na sagupaan. Excited akong magising siya kinabukasan para tanungin kong ano ang kanyang pangalan. Tinitigan ko lang ang kanyang nakakaakit na mukha habang nakatagilid ako ng higa at nakaharap sa kanya. Hindi ko lubos maisip ang nangyari ngayon, saya ang nararamdaman ko ngayon gabing ito. "Thank you for this wonderful night.... miss. . ." pabulong kong sambit sa kanya. Naalala ko na hindi ko pala alam ang kanyang pangalan. Napa-iling na lang akong napangiti sabay marahan ko siyang hinalikan sa noo. Maya-maya ay bumangon ako para hanapin ang kanyang panty na basta ko na lamang tinapon sa kung saan kanina. Nang makita ko ito ay agad kong isinuot sa kanya saka hinila ko ang kumot at tinakpan ang hubad na katawan ng dalaga. Bumaba ako sa kama at nagtungo sa banyo upang maglinis ng katawan. Ilang minuto akong nakatapat sa umaagos na tubig sa shower. Nag-iisip kung ano ang gagawin sa nangyari. Lasing ang babae ng dinala ko dito sa condo at hindi ko siya kilala pero may nangyari sa amin. Pero napa-isip ako.... mas maigi na rin ang nangyari kaysa naman sa dalawang lalaki siya mapunta, tiyak na mapapahamak pa siya sa kamay ng dalawang lalaki na halatang may masamang binabalak. Iwinaglit ko sa aking isipan iyon, bagkus na mag isip ng kung ano-ano ay tinuloy ko na lang ang aking pag-ligo. Pagkatapos kong maligo ay binalutan ko ng tuwalya ang aking hubad na katawan bago lumabas ng banyo. Ngunit bigla akong nagulat ng pagka-labas ko ng banyo ay wala na ang babae sa kama. Agad-agad akong nag tungo sa pinto baka sakaling kakalabas lang niya pero wala na ito. Mabilis na may nangyari sa amin kasing bilis ng paglisan niya sa aking kwarto. Balak ko pa sana na kilalanin siya, malaman ang kanyang pangalan kapag sakaling mahimasmasan na ito sa kalasingan pero bigla na lamang siyang nawala at walang ibang iniwang bakas sa kwarto na ito kundi ang binigay na kaligayahan sa akin. Bigo akong bumalik sa aking unit at isinara ang pinto. Nagsuot ako ng boxer shorts at hindi na ako nagsuot ng pang itaas na damit, pagkatapos ay umupo ako sa upuan na nasa gilid ng dingding na salamin ng aking condo. Nasa ika 20th na palapag ang aking condo, mula rito ay kita ko ang nagkikislapang ilaw ng mga gusali. Kumuha ako ng sigarilyo na nakapatong sa isang bilog na maliit na mesa na may kataasan at sinindihan ko ito. Isang malalim na higop ang ginawa ko sa sigarilyo bago ako bumuga ng maraming usok. Sumagi na naman sa isip ko ang babae, iniisip kung paano ko hahanapin ang babae. Ang babaeng na kaulayaw ko kanina lanh, hindi na siya mawala sa aking isipan. **************** Isang linggo ang nakaraan. Nagising ako dahil sa ingay ng aking cellphone, sanhi ng kung sino mang tumatawag. Pupungay-pungay ang aking mata at napapahikab pa ako ng damputin ko ang aking cellphone sa side table ng aking kama. Nanlalabo pa ang aking mata ng tingnan ko kung sino ang tumatawag kaya bahagya kong kinusot ang aking mata para maibsan ang panlalabo nito. Hindi naka rehistro ang numero sa aking cell phone, duda akong sinagot ito. "Hello. . .?" Saad ko ng sagutin ang tawag at itipat ko ito sa aking tainga. "Vin, pinapatawag ka ni boss," tugon ng lalaki sa kabilang linya. Agad kong nahulaan ang boses ng lalaki, isa pala ito sa mga kasamahan ko sa trabaho kay boss Hugo. "Copy," tipid kong sagot. Pinutol ko ang tawag at ibinalik ang cellphone sa pinaglalagyan nito kanina. Napilitan na akong bumangon at nag desisyon na maligo. Nang matapos ay nagbihis lang ako ng kupas na maong at itim na t-shirt saka pinulot ang helmet na itim. Naglakad ako papunta sa harap ng salamin at kinuha ko ang kulay itim na leder jacket na nakasabit sa gilid ng salamin saka isinuot, nang matiyak kong okey na ang aking itsura ay kinuha ko ang aking cellphone at susi ng motor na dukati saka lumabas ng condo. Ilang oras akong naglakbay sa matrapik na kalsada bago ako nakarating sa mansyon ni boss Hugo. "Si boss?" Agad kong tanong sa guwardiya na nag bukas ng gate sa akin. "Nasa loob, kanina ka pa hinihintay," tugon ng guwardiya. May tatlong minuto pa ang layo mula sa gate hanggang sa makarating ng mansion. Pagbaba ko sa motor ay agad akong pumasok sa mansyon, pagpasok ko pa lamang ay nakita ko na ang nag u-umpukan sa sala. Ang mga tauhan ni Don Hugo Branson na abala sa paglaklak ng beer na naka bote. Huminto ako sa harap nila para tanungin sila. "Oh, nandiyan ka na pala." saad ng isang lalaki na siyang tumawag sa akin kanina. "Asan si boss?" Tanong ko. "Nasa opisina," sagot naman ng isang lalaking nakatayo, matapos bumuga ng usok ng sigarilyo. "Ang aga ng beer ah," turan ko bago ako nagtungo sa opisina ni amo. "Boss, pinatawag mo raw ako?" sambit ko sa lalaking nakaupo sa swivel chair ngunit nakatalikod dito sa opisina ng aking amo. Tumayo ito at humarap sa akin. "Vincent, good to see you. Umupo ka. Siya nga pala, may ibibigay akong misyon sayo," wika niya matapos ilapag sa mesa ang isang brown envelope matapos itong kunin sa drawer ng kanyang office table. "Hindi ba maaga pa para sa susunod kong misyon? Hindi pa tapos ang aking bakasyon boss." Sambit ko, ngunit kinuha ko rin ang envelope saka binuksan ito. "I know, hindi mo ba naaalala ang sinabi mo sa 'kin bago ka umalis dito sa mansion noong matapos mo ang huli mong misyon?” Aniya at lumapit sa akin. Nag salin siya ng alak sa baso. “Sabi mo isang misyon na lang ang tatanggapin mo at titiwalag ka na.” Dagdag pa niya at sumimsim ng alak. “Mabait akong amo Vincent, at hindi ako tulad ng iba na pumapatay ng tauhan kapag gusto na nitong tumiwalag sa aking binuong organisasyon.” Giit pa niya. "Nasa loob niyan ang huli mong misyon." tinuro niya ang envelope na ipinatong nito sa office table. "Pag nagawa mo yan ng walang palya ay bibigyan kita ng bunos, malaya kang makakaalis sa organisasyong ito," patuloy niya at tumalikod bago uminom ng alak. Alam kong mabait na amo si Hugo, pero wala akong pinagkakatiwalaan. Ang mga katulad ni Hugo ay pweding maging tuso. "Mabigat ba ang taong ito, kaya ito ang inatas mo sa 'kin na aking huling misyon?" Tanong ko matapos kong usisain ang detalye ng target. Muli ko rin binalik sa loob ng envelope ang papel at inilapag ko muli sa mesa. "Exactly. Siya ang pinaka matinik at malaking sindikato all around the world. Wala pang nakaka tibag sa grupo niya, alam kong kaya mo siya may tiwala ako sayo Vincent. Oras na nagawa mo iyong huling misyon, pangako.... hindi kita bibiguin sa iaalok ko sayo. Fifty million at malaya kang aalis sa pagiging hitman." May naramdaman akong tuwa sa sinabi niya. Ngunit hindi ako dapat na makampante. Matagal ko ng gusto na mag bagong buhay, magulo ang buhay sa uri ng aking trabaho. Bawat misyon ay hindi ko tiyak na makakaligtas ako, wala akong freedom. Palagi akong nagtatago sa mga alagad ng batas. Ilang minuto pa kaming nag usap at sa huli ay tinanggap ko rin ang kanyang alok. Nilapitan niya ako at bahagyang tinapik ang aking kanang balikat. Matapos ay pinulot ko ulit ang envelope sa mesa at walang imik na nilisan ang opisina ni Hugo. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang makalabas ako ng mansyon, hindi ko na pinansin ang aking mga kasamahan kahit na tinatawag ako. Hindi ako friendly na tao, pili lang ang mga taong pinakisasamahan ko. Habang nasa byahe ay nag iisip ako kung anong mangyayari sa akin kung sakaling mabigo ako sa aking huling misyon. May pinangako sa akin si Hugo ngunit alam kong tuso ang aking amo, tiyak na ipapa patay din ako ni Hugo kapag pumalya ako o kahit magawa ko ng maayos ang aking trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD