VHA-Chapter 11

1309 Words
Makaraan ang ilang oras ay nakabalik na sila ng hotel na ligtas, cellphone na lang ang natira sa mga importanteng gamit ni Shariena maliban sa mga damit na nagkalat sa sahig. Ang laptop at ang mga cards na naglalaman ng mga documents sa negosyo at pera sa bangko ay wala na, malamang sa malamang ay nakuha na ito ng sakim niyang tiyuhin. "s**t!" bulalas ng dalaga. Habang si Vincent ay halatang nagiisip ng malalim kung paano ang gagawin niya para mabawi ang nawalang mga importanting bagay sa dalaga. "Hindi ko pwedeng hayaan na lang na makuha niya ang lahat ng pinaghirapan ng magulang ko." Singhal ni Shariena habang hilot ang sintido at hindi mapakali, paroo't parito ang kanyang lakad sa loob ng kwarto nila dito sa hotel, iniisip kung anong pwedeng gawin para mabawi ang mga ninakaw ng sakim niyang tiyuhin. "Mababawi mo ang mga iyon Shariena, ang importante ngayon ay ligtas ka." saad ng binata na kanina pa umiigting ang panga sa galit ngunit nahihilo na sa kaka sunod ng tingin sa dalaga. Ipinagsawalang bahala na lamang niya ang pagkahilo dahil siya man ay problemado sa nangyari. "Kailangan na nating makabalik sa maynila." Saad ng babae at may tinawagan sa telepono ngunit wala itong makontak. Naghanap pa ito sa cellphone ng ibang pwedeng makontak para masundo sila ng chopper pero walang makontak. Wala silang nagawa kundi ang gumawa ng ibang paraan kung paano makabalik ng maynila. _________________ Pagkarating sa maynila ay naghiwalay silang dalawa dahil may importanteng lakad si Vincent matapos maihatid ng ligtas si Shariena sa penthouse nito. "Naihanda mo naba ang lahat ng mga kailangan ko?" Tanong ni Vincent sa kausap niyang si Brandon ang may ari ng gym na pinag iinsayuhan niya. "Komplito nayan lahat." Anito na inilatag sa lamesa ang isang malaki at mabigat na kulay itim na bag na naglalaman ng mga iba't ibang klase ng mataas na kalibre ng baril, mga bala at granada. Kasalukuyan silang nasa isang maliit na bar na walang ibang tao maliban sa kanilang dalawa at ang bartender na siyang may ari ng bar ay kaibigan ni Vincent. Kinuha niya ang bag at ibinaba ito sa sahig at nag salin ng alak sa baso at nilagok. Maya Maya ay may dumating na dalawang maangas na lalaki at lumapit ito sa kanya, agad naman tumabi si Brandon sa gilid ng hilahin siya ng isang lalaki. "Nabahag naba ang buntot mo kaya hindi mo na patay si Francis, ha... Vin-?" Sambit ng isang lalaki na nakangisi pa. "Paano mo nalaman ang lugar na ito?" Kalmado niyang tanong sa lalaki. "Hindi mo na dapat malaman kung paano." maangas na sagot nito. "Nang dahil sa babae, muntik kapa maunahan ng Francis na iyon. Sabihin mo lang at ako na ang gagawa ng trabaho mo sa kanya." Dugtong pa nito at naglabas ng isang stick ng sigarilyo mula sa paketi na hinugot sa bulsa. "Hindi mo kailangang mangialam sa misyon ko. May sari sarili tayong misyon." Kalmado parin siyang sumagot, ayaw niya ng gulo kaya umiiwas siya sa anumang mangyayari ngayon. "Okay sige... ganito na lang. Hindi ko pakiki alaman ang misyon mo, pero ibalato mo sakin ang babaeng kasama mo at magiging ligtas ka sa lugar na ito." Saad nito sa kanya na mas ngumisi pa na parang asong nauulol at nag hithit ng sigarilyo matapos itong sindihan. Napatayo si Vincent sa narinig mula sa lalaki, tela namula ang kanyang dulo ng taenga at nagsagi ang kanyang mga ngipin. Gigil siyang lumapit sa lalaki at igting ang panga na nagbanta dito. "Subukan mo siyang pakialaman at dadanak ang dugo mo dito sa loob ng bar na ito." Habang hawak ang kwelyo ng lalaki, at pinaspasan pa ito matapos bitawan na tela may duming tinanggal sa kwelyo nito. "Hinahamon ka yata pare." Singit ng isa pang lalaki na nasa tabi ng lalaking kausap niya. "Magkaka subukan yata tayo kung hanggang saan ang lakas at tapang mo Vin." Saad sa kanya ng lalaki na naka ngisi parin. "Subukan mo!" Kuyom ang kamao niyang sambit sa lalaki at matalim ang mata na nakatitig sa lalaki matapos mag panting ang tainga sa narinig mula rito. Ramdam niya na uma akma ng bumunot ng baril ang lalaking kausap niya dahil sa maingat nitong galaw ay mas mabilis ang mata niya na napansin ito. Isang mabilis na pag ilag ang ginawa niya ng akma na siyang babarilin ng lalaki. Sabay ang malakas na pagsipa niya sa isa pang lalaki na kasamahan nito dahil nakita niyang bubunot narin ito ng baril mula sa bewang, ng tumilapon ang lalaki ay akma na naman siya nito babarilin ng kausap niya kanina pero dahil mabilis ang galaw niya ay nasipa niya ang kamao ng lalaki dahilan upang tumilapon ang baril at sabay susuntukin siya pero mas mabilis siyang umilag. Pagyuko niya ay malakas niyang nasuntok sa tiyan ang lalaki, at sunod sunod pa na suntok ang natamo ng lalaki sa kanya bago ito natumba. Habang ang isa ay nakatayo na mula sa pagkatilapon nito sanhi ng malakas niyang sipa. Nagpapahid ito ng dugo sa bunganga na lumapit sa kanya ngunit mabilis parin niya itong nasipa at muli na naman tumilapon ang lalaki ng baluktot ang katawan at tumama pa ito sa lamesita sanhi ng pag kalat ng mga lamesa at upuan sa bar. At muli niyang nilapitan ang isang lalaki na kausap niya kanina. "Wag mong subukang galawin ang pag aari ko at hindi lang yan ang matatamo mo sa akin, sisiguraduhin ko sayo na hindi ka sisikatan ng araw kapag ginalaw mo siya!" Nag tatagis-bagang niyang sambit sa lalaki na matalim ang mata na nakatitig sa kanya, habang kuyom parin ang kamao. Matapos ay parang relax lang ang katawan na bumalik sa kinauupuan niya kanina at muling nagsalin ng alak sa baso saka nilagok ito. Nakita niyang bumangon ang dalawang lalaki na hawak ang mga parti ng katawan na masakit at mabilis na nilisan ang naturang bar. "Pasensya kana brandon." Sambit niya sa kaibigan. "May mga asungot kasi na dumating." Dugtong pa niya. "Okay lang yun, pero ang galing mo dun Vin." Ani nito na parang ikinatuwa pa ang nangyari. Habang ang bar tender ay relax lang na nakaupo sa counter ng bar at parang nanuod lang ng action movie sa tv. "Kailangan kong paghandaan ang lahat, mukhang nadagdagan ang kalaban ko." Saad niya at akma na sanang dadamputin ang bag na naglalaman ng mga malalakas na sandata ng biglang may tumawag sa kanyang cellphone na numero ngunit hindi naka rehistro. "Kung inaakala mo na ligtas ang babaeng pinagtatanggol mo ay nagkakamali ka!" Bungad na sambit ng lalaki sa kabilang linya ng masagot na niya ito. "Sino ka!" Tanong niya sa kausap sa kabilang linya ngunit hindi ito nakasagot ng may sumigaw na boses babae. "Shariena?" Malakas ang kabog ng kanyang dibdib, bigla siyang nagalala sa dalaga. "Wag mo ako alalahanin Vincent! Mapapahamak kalang!" Rinig niyang sigaw ng babae sa kabilang linya. Hindi na siya nakapag salita, dahil sa gulat na nabihag muli si Shariena sa hindi niya kilala na lalaking tumawag sa kanya. Ngunit sumagi sa isip niya na siguro ay mabilis na nakapag utos ang dalawang lalaking nabugbog niya kanina. Biglang naputol ang tawag. Tahimik niyang inilapag ang cellphone sa lamesita at tumitig sa kawalan ng igting ang panga at kuyom ang kamao sa galit. Nagiisip ng malalim kung saan niya hahagilapin ang babaeng lihim na niyang minahal. Pina kuha niya sa lalaking bartender ang alak at baso sa lamesita at nag sindi ng sigarilyo at humithit bago niya inilatag rito ang bag saka inilabas ang mga baril at pinaglalagyan niya ng mga bala ang mga magasin nito. Iniisip niya baka kumampi kay Francis ang dalawang lalaki na matagal ng naiinggit sa kanyang pwesto bilang magaling na hitman. At baka nasundan sila kanina ng maihatid niya ang dalaga sa penthouse nito kaya mabilis na nalaman ang lugar ni Shariena.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD