VHA-Chapter 10

1100 Words
"Okay kalang ba?" Tanong ni Vincent kay Shariena habang nagpapahinga sila sa ilalim ng puno. "Masakit na ang paa ko." Sambit nito na hinihilot hilot pa ang paa. "Konting tiis nalang at makakalabas din tayo dito sa gubat." Saad ni Vincent na lumapit sa dalaga para tulungan itong hilutin ang paa. Hanggang sa nakatulog si Shariena sa masarap na hilot ni Vincent sa paa nito. Si Vincent ay nagmamasid masid sa paligid baka may mabangis na hayop o kaya naman ay mahanap sila ng mga kalaban na humahabol sa kanila. "Siguro naman ay hindi na kami makikita ng mga iyon dahil sa napaka layo na namin sa kanila." Sambit niya sa sarili at tumabi sa dalaga, marahan niyang ipinikit ang kanyang mata para mahimbing dahil narin dahil sa pagod sa kakatakbo sanhi ng pag takas nila sa kalabang humahabol sa kanila. Nagising si Vincent sa malamig na bagay na nakadikit sa kanyang bewang. "Shariena! Wake up..!!" Sigaw niya sa dalaga habang hawak ang isang kahoy at itinutok ito sa malaking ahas na sinlaki ng braso ng isang taong bata, na lumapit sa kanila habang mahimbing silang natutulog winawasiwas niya ang kahoy sa ahas para makalayo ang dalaga. Buti na lang ay maliwanag na kaya kitang kita niya ang ahas, ng makalayo na ang dalaga sa ahas ay pinaghahampas niya ito gamit ang matigas na kahoy hanggang sa hindi na gumalaw ang ahas. "Vince nauuhaw na ako." Ani ni Shariena habang naglalakad sila sa gubat at naghahanap ng daan para makalabas ng gubat. Halos apat na oras na sila naglalakad sa paghahanap ng daan palabas ng gubat. "Mukhang malapit na tayo makalabas, tiisin mo muna." Sambit niya. Naaawa na siya sa dalaga dahil alam niyang gutom at pagod na ito. Wala silang kahit anong gamit na bitbit kundi ang mga sarili lang nila. Nakahinga sila ng maluwag ng maka kita na sila ng isang kalsada. Tama rin ng pag apak nila sa kalsada ay may dumaan na maliit na truck na walang laman kaya pinara ito ni Vincent at nakisakay sila, pumayag naman ang driver ng truck dahil sakto naman na papunta ito ng bayan. "Kailangan natin makabalik sa hotel." Sambit ni Shariena. Balak nilang makabalik sa hotel na inalisan nila dahil iniwan duon ang kanilang mga gamit ang cellphone at ang isang bagay na importanti kay Shariena ang laptop na naglalaman ng mga documents at ang ATM card. "Okay sige, pero kailangan pa rin natin matiyak kung walang nagbabantay na kalaban duon sa labas at loob ng hotel. "Gusto ko nang maligo, nangangati na ang katawan ko at makapag bihis." Ani nito na ipinagpag pa ang suot na t-shirt na ngayon ay hindi na puti bagkus ay naging brown na sa dumi ng kumapit dito. Habang si Vincent ay pasimling ngumiti ng makita ang kanyang brief na ipinasuot niya ng nakaraang gabi sa dalaga. "Bagay sayo." Sambit niya at inginuso pa ang bibig sa suot na brief ng dalaga at parang nagpipigil ng tumawa. Nagyuko naman ng ulo ang dalaga na napatingin sa baba at nakita ang brief na suot niya, ngayon lang nito napansin na brief pala ang ipinasuot sa kanya ni Vincent. Kaya naman ay napahagalpak ito ng tawa, habang si Vincent na kanina pa nagpipigil ng tawa ay humagalpak narin ng tawa. Ngunit napahinto ng pagtawa si Shariena at inginuso ang bibig saka tumalikod sa kanya, kaya huminto siya sa pagtawa dahil baka nag tampo na ang dalaga. Makalipas ang ilang oras ay nakarating na ang truck sa bayan na kanilang sinakyan. Pagbaba nila ay nagmamasid masid muna si Vincent sa paligid baka may makakita sa kanila na mga kalaban. Nang matiyak na ligtas ang paligid nila ay hinawakan na niya ang kamay ng dalaga at naghanap muna sila ng damit o kahit anong pwede maipantakip sa dibdib ng dalaga dahil sa manipis lang ang suot nitong t-shirt kaya kitang kita ang malusog nitong dibdib na tumatalbog talbog pa tuwing naglalakad sila. Malayo pa ang nilakad nila dahil malayo ang bayan sa dagat kaya naman ay sa pagod ni Shariena ay napa upo muna siya sa gilid ng kalsada dahil narin sa pananakit ng kanyang paa at wala pa itong suot kahit na tsinelas man lang. Samantalang si Vincent ay may suot na sapatos. "Baka naman naaawa kana sa akin, ipahiram mo naman ang sapatos mo." Sambit nito sa kanya at napatingin nman siya sa paa niya. Ngayon lang niya napagtanto na naka sapatos pala siya at naka paa lang ang dalaga. Imbis na tanggalin ang sapatos ay yumuko siya ng patalikod sa harap ng dalaga. "Sakay ka sa likod ko." Ani niya. "Ayoko mapapagod kalang." Saad nito. "Kaya kitang buhatin, sige na pumatong ka na sa likod ko." Sambit niya at tinapik tapik niya pa ang kanyang magkabilang balikat. "Ayoko!" Pag mamatigas nitong sambit. Wala siyang nagawa kundi hubarin ang sapatos niya at ibinigay ito sa dalaga. Mabilis naman na sinuot ni Shariena ang sapatos at pagkatapos ay tumayo, napapangiti naman si Vincent dahil nag mukhang McDonald's ang itsura ng dalaga dahil masyadong malaki at mahaba rito ang sapatos niya. Nauna na siyang naglakad habang nakasunod sa kanya ang dalaga na parang robot kung maglakad at naka nguso pa. Imbis na bumilis ang lakad nila ay mas lalo lang bumagal dahil sa paisa isang hakbang ni Shariena. Hinayaan lang niya ito kung hanggang saan ang pagtitiis sa malaking sapatos na suot nito. Pasipol sipol siya na naglalakad at medyo binilisan pa niya ang kanyang paghakbang para sadyang maiwan ang dalaga ngunit nililingon lingon niya naman ito kung nakasunod ba sa kanya. Ngunit ng muli niyang paglingon ay nawala sa paningin niya ang dalaga kaya tumakbo siya pabalik para hanapin ang dalaga, napahampas naman siya sa hangin ng makita na nasa gilid ng kalsada na madamo ang dalaga at nakayuko. "Anong ginagawa mo, pina kaba mo ako." Sambit niya at hinilot pa ang kanyang sintido. "Umiihi, ang bilis mo kasi maglakad eh." Ani nito. "Ang akala ko ay kinuha kana ng mga kalaban, bakit kasi hindi mo ako tinawag.!" Sambit niya at tumalikod sa dalaga para tingnan ang paligid baka may dumaan na tao. "Tapos na ako.!" Saad nito at itinaas na ang suot na brief saka inayos ang malaking t-shirt. Paglapit nito sa kanya ay tinanggal ang suot na sapatos at ibinigay sa kanya. "Ohh ayoko na nito, ang bigat kasi. Bakit kasi ang laki at ang haba niyan." Sambit nito at inginuso pa ang bibig at tinuturo ang paa nito gamit ang bibig. "Sinabi ko na kasi sayo." Ani niya at isinuot na ang sapatos saka muling yumoko para pasakayin sa likod niya ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD