Chapter 4: Enough

3201 Words
"Hindi ko na s'ya maintindihan, Kate! Tatlong araw ka ng nasa condo n'ya pero bakit ganyan pa rin ang trato n'ya sa'yo?" Huminga ako ng malalim at bahagyang inilayo ang cellphone sa tainga dahil sa pagsigaw n'ya sa kabilang linya. It's my personal problem with Race. I want it only with the two of us. Halos hindi ko lamang talaga kayanin. I need someone to talk to bago ako bigla na lamang sumabog. Race is acting so different to me. Normal naman s'ya makitungo sa mga kaybigan n'ya. Pero hindi ko rin maintindihan kung bakit para akong hanging sa kanya. He let me stay with him but then he won't talk to me. We talk when needed but not with an important things. What's the sense of being together if we can't reach out to each other? "He's just busy with works," I said to Andrea and to myself. Iyon ang madalas kong sinasabi sa sarili ko. Maybe he's just too busy to notice me. Too busy to talk to me. Too busy to make me feel that I'm still important to him. Ngunit sa tuwing naaalala ko si daddy. He's often busy too. But he can always find time so we can have bondings together. Why not Race too? "Yeah, paniwalain mo ang sarili mo." Andrea scoffed. Bumuntong hininga ako at sumulyap sa bintana ng taxi. I'm on my way to Race's office again. To bring him lunch, again. To try my luck to talk to him, again. Sa condo naman kase ay lagi s'yang nagkukulong sa kwarto. He's silent all the time whenever we eat dinner outside. Pagkatapos noon ay wala na. He's gone for work the next day. "I need to go now. Bye." pagod na sinabi ko bago ibinaba ang tawag. I'm maybe tired but not to Race. Nakakainis man kung minsan dahil hindi ko na mantindihan ang dahilan n'ya, still he has his reason and I need to understand him. Kahit pa mahirap s'yang unawain dahil hindi ko naman alam ang dahilan n'ya. Ang receptionist ay nginitian lamang ako. She's escorting one of a posible costumer in each of the displayed car. Sa likuran n'ya ay isang lalaking nakasunod lang sa kanila. The first time I went in here, it didn't end well. Kahapon naman ay tila nagulat pa si Race na bumalik ako para pagdalhan s'ya ulit ng lunch. Inuwi n'ya ang lalagyan ng mga pagkain sa condo ng wala ng laman. Kaya naisip kong ipagpatuloy. If he's really that busy, he shouldn't be skipping meals then. I knocked twice to his office door again. Binuksan ko iyon at narinig agad ang pagsigaw ni Race. "What do you mean they don't agree?" "Von, I can't blame them if they don't want to help that greedy man." sagot naman ni Grey, na ngayon ay nakaupo sa swivel chair behind the desk next to Race's. So that desk is his. I know I shouldn't be here for now. Medyo napaaga lamang naman ako ng ilang minuto. Pero mukhang mahalaga ang pinag-uusapan nila. Iniisip ko pa kung aalis muna ako at babalik na lamang ng mapansin ako ni Grey. Nagtaas s'ya ng kamay sa akin at ngumisi. "Kate! Tipid akong ngumiti sa kanya at nagpasyang tumuloy na tutal ay nakita na rin nila ako. Sinarado ko ang pinto sa likuran ko ng tahimik. Race moved unsteadily on his seat and glanced on his watch. Hindi pa man ako nakakahakbang palayo sa pinto ay natigilan na ako. Humigpit ang paghawak ko sa paperbag na dala at diretso ang tingin sa babaeng nakaupo sa harapan ng desk ni Race. "Is that a lunch again? Ang aga naman." sigaw ni Grey at nagkibit balikat. Huminga ako ng malalim at wala ng magawa kundi ang lumapit doon. My head is low, I don't want to see their eyes. Pero hindi ko maiwasan. Habang lumalapit ay mas lalo kong tinitigan si Kayla. Her hair is in a high pony and wearing a white corporate dress. Ang isang kilay ay nakataas sa akin. "I-I'm sorry to interfere." mahinang sinabi ko. "I just brought your--" "Put it on the table and go." mariing sinabi ni Race. Nawala ang ngisi ni Grey dahil doon. Si Kayla naman ay umiwas ng tingin sa akin at yumuko. I nodded to no one since Race isn't looking at me. Tahimik ko iyong inilagay sa long table. Sandali ko silang pinanood bago tinalikuran. I have so many questions in mind. Mga tanong na kahit isatinig ko ay alam kong hindi masasagot. Ano ba ako rito? Bakit ganito? Bakit parang wala lamang talaga ako? "I'm sorry," sabi ko sa lalaking nabunggo ko. I'm already in the lobby of this building ng mabunggo ko s'ya. My mind is too preoccupied with the thoughts of Race and Kayla still being together, na hindi ko napapansin ang nilalakaran ko. "It's fine." the man said. "Ayos ka lang?" Tumango ako at nag-angat ng tingin sa kanya. Umawang ang bibig n'ya sa gulat samantalang ako ay tinitigan lang s'ya. "Kate?" "Roger," mahinang sinabi ko. He changed alot. Siguro nga ay marami na talagang nagbago sa loob ng limang taon. "Mas gumanda ka na ngayon." nakangiting sinabi n'ya, hindi pa rin makapaniwala. Uminit ang pisngi ko dahil doon. Hindi na ako nagsalita at tipid na lamang na ngumiti. "Hindi ko alam na nakabalik ka na nang bansa. Anong ginagawa mo rito?" "Mahigit dalawang linggo na ako rito. And I'm here because," I can't find the right words. Madali lamang naman na sabihin na nagdala ako ng pagkain. Hindi ko lamang maintindihan kung bakit napakahirap noong bigkasin. "You're still with Sir Von?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong n'ya. Muli ko s'yang pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Hindi ko namalayan na s'ya iyong lalaki kaninang kasama ng receptionist. The look in his eyes is asking me as if why. Why I'm still with Race or something. Tila ba nakakapagtaka na nandito ako ngayon. Or something like hindi na dapat. "You're working here?" I asked him instead. "Yes, almost four years now. Ikaw, kumusta ka na? Hindi ko talaga alam na babalik ka pa." Even I. Hindi ko rin alam na babalik pa ako rito. Some force so strong pulled me back here. Ngayong nandito na ay hindi ko na alam kung nasaan na ang napakaraming dahilan ko dati para bumalik dito. That encounter with Roger didn't last long. He's busy with his works. Pagkatapos noon ay dumaan ako sa paborito kong coffee shop malapit sa condo. I just bought a shake and go back to the condo. Ngayon ay nagkukulong na lamang ako sa kwarto. I guess everyone's really busy with their works. Ako lamang itong hindi. I really needed to find a job para na rin may pagkaabalahan. It's already night an I'm all fresh from the bath when I heard the front door opened. Itinigil ko ang pagsusuklay at hinarap si Race na pumasok. Nakatayo ako roon ngunit hindi man lang n'ya ako binalingan. Dumiretso s'ya sa kusina. Sinundan ko s'ya na na ngayon ay umiinom ng tubig. "Race can we talk?" "No," malamig na sagot n'ya at inilagay sa sink ang baso. "Race," I tried again. Tinalikuran n'ya ako at dumiretso sa kwartong tinutulugan n'ya. Hindi na ako nagtangkang sundan pa s'ya dahil alam kong ila-lock n'ya iyon. Kahit naman kapag wala s'ya rito ay nakalock ang kwartong iyon. The key is always in his pocket. Tulala ako sa sala habang malalim  na nag-iisip. Siguro naman ay may karapatan akong magtanong ng tungkol sa kanilang dalawa ni Kayla. Hindi ko na kase talaga maintindihan ang ginagawa n'ya sa akin. O kung anong gusto n'yang mangyari sa amin. Mabilis akong tumayo ng bumukas ang pinto. Lumabas si Race na ngayon ay bagong paligo. Wearing his blue v-neck shirt and a jeans, he walks passed me. "Where are you going?" mahinang tanong ko. "I'll order a food for your dinner." "Hindi ka na naman ba rito matutulog?" tanong ko, pilit na pinipigilan ang sariling mainis. He looked at me with that cold eyes of him... but didn't speak any words. Napabuntong hininga na lamang ako ng tuluyan s'yang umalis. Alam ko namang hindi s'ya rito natutulog. Ngayon ko lamang s'ya naabutan na umalis ng ganitong oras. Ang akala ko ay mapipigilan ko s'ya pero hindi rin pala. It's already ten in the evening when my phone rang on the side of my bed. Kumakalam ang sikmura ko pero hindi ko magawang kainin ang in-order n'yang pagkain. "Andrea," inaantok na sagot ko. "Oh God Kate! Hindi na talaga s'ya magbabago!" Umupo ako sa kama dahil sa pagsigaw n'ya at sa galit sa tono ng kanyang boses. Halata rin na umiinom s'ya. I can even hear the music in her background. "Who?" "Von!" she shouted furiously annoyed. Narinig ko ang kalmadong boses ni Aston na tila pinipigilan s'ya. "What? He's really an asshole!" "Andrea ano bang sinasabi mo?" "I'll tell you tomorrow! Damn him!" Kinagat ko ang labi ko. It's about Race. Something bad happened kaya s'ya ganyang kagalit ngayon. At mas lalong hindi ako makakatulog sa kakaisip noon. "I want to know now." "Tomorrow Kate." "Now Andrea." pagpupumilit ko. "Please. Hindi na rin naman ako makakatulog ng maayos ngayon." Tumayo na ako sa kama at dumiretso sa walk-in closet. Nang umo-o s'ya ay agad na akong naghanap ng damit na pwedeng suotin sa bar. I don't have anymore dress. Ito lamang din ang mga ginagamit ko noon sa New York. Less conservative but I'm used to this. My phone beeps for a new message. Hindi ko na iyon tiningnan dahil alam kong iyon ang address na sinend ni Andrea kung nasaang bar sila ngayon. The taxi halts in front of the said bar. Sa labas pa lamang ay dinig na ang ingay sa loob. Masyadong maraming tao na nahirapan akong hanapin si Andrea. "Kate!" her voice echoed. Kumaway s'ya sa akin at agad akong lumapit. Bumagal ang paglakad ko ng mapansing sila lamang dalawa ni Aston ang nandoon. Umupo ako sa kabilang sofa at mabilis s'yang humiwalay kay Aston upang tumabi sa akin. "I thought you two prefer drinking at home instead of in a bar?" tanong ko sa kanila. Aston just shook his head. Ganoon din si Andrea ngunit mapait s'yang ngumiti. "Where's Race?" tanong ko dahil iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ako nandito. Umirap sa akin si Andrea at kinuha ang baso sa harapan. Nang makitang tubig lang iyon ay si Aston naman ang inirapan n'ya. She looks so tipsy to even drink more. "Not here. Magkasama kami kaninang lahat. It's Aven's idea pero hindi na kayo inimbitahan pang dalawa ni Von dahil alam naming hindi pa kayo nagkakaayos. But Benz called him. Talaga bang ikaw lang ang mag isang natutulog doon sa unit n'ya?" Nagkibit balikat lang ako at umiwas ng tingin. "God! Mali talaga na bumalik ka pa! Ang akala namin ay babalik na s'ya sa dati dahil nand'yan ka na, pero hindi! Kate, he's playing with you!" Kumirot ang puso ko dahil doon. Pero hindi ako nagpadala sa sakit na nararamdaman ko. "Andrea what are you saying? Race is busy with work. He's probably sleeping in the hotel." "In the hotel!" she mocked me, she's really tipsy. Ni hindi na n'ya napapansin ang pagtawag sa kanya ni Aston upang pigilan. "Alam mo na hindi na s'ya natutulog sa unit n'ya! Well, Kate, he's definitely not sleeping in the hotel right now. He came into the bar, alone. Tinatanong kita sa kanya pero hindi s'ya sumasagot. And now he's with some other girl! Making out in front of us? Damn him!" "Andrea I said enough," Aston warned, ngayon ay nakaupo na sa tabi n'ya. "She's drunk, Kate. We need to go home." "No! Hindi ko iiwan dito ang kaybigan ko!" Andrea shouted. Mas maingay pa rin ang mga boom boxes kaya hindi masyadong pansin ang pagsigaw n'ya. Mataman ko silang tiningnan bago dinungaw ang baso sa table. Ngunit wala ng kahit anong alak. I need something to drink now. "Where are they then?" malamig na tanong ko. I want to be numb as long as I can't feel the pain. "Where is he?" Andrea suddenly looks sober, pilit na dinidilat ang mga namumungay na mga mata. "Kate, you don't have to be there. You don't have to see it. Malay ba natin kung noon pa pala nilang lahat alam ang tungkol doon? It's been so long since we go out in a bar with them." "Andrea you're drunk. Hindi iyon hahayaan ng mga kaybigan ko." Matalim na tiningnan ni Andrea si Aston. "Really? But Race is your friend, pero nagagawa n'ya iyon sa kaybigan ko." Mariin akong pumikit. Ayaw ko namang madamay pa sila sa problemang ito. Ayaw kong pati sila ay mag-away pa. "Please bring me with him.And Aston, you can send her home after." "Ihahatid ka lamang namin." ani ni Andrea at tumayo. Agad naman s'yang inalalayan ni Aston. "I can't take seeing him tonight. I slapped him in the face that's why." Umawang ang bibig ko sa gulat pero hindi na nakapagsalita ng lumabas sila ng bar. Andrea slapped Race? "Dito na lang kami, Kate. She needs to rest." Aston jerked his chin to the now sleeping Andrea in the front seat. Marahan akong tumango sa kanya bago inayos ang sarili. "Salamat. Naramdaman ko ang lamig sa black backless and low neck dress na suot ko. The guard looked me up and down. Sinulyapan n'ya si Aston at saka lamang ako pinapasok ng tanguan s'ya nito. The familiar smell of the bar attacks my nostrils. Ganito rin sa New York. May ilang bagay lang na pinagkaiba. And I don't have enough time to decipher the differences. "Hi Miss," a guy whispered to me. Mabilis kong hinawakan ang braso n'ya bago pa iyon tuluyang pumulupot sa baywang ko. Tipid akong ngumiti. I'm used with this kind of guy in New York kaya alam ko na rin kung paano sila ihandle. "I'm with someone." Nagtaas ang kilay n'ya sa akin. He looked over my shoulder and to the entrance. I sighed. Siguro ay nakita n'ya na mag isa lamang akong dumating. "You're alone babe." Ngumiwi ako dahil doon. Sinubukan kong lumingon sa paligid upang hanapin sila Race but this guy is blocking my sight. "Excuse me please?" I sighed. I have so many issues to solve for going here. I'm not here for some fun. Bigla tuloy na hindi ko na alam kung anong gagawin sa mga lalaking katulad n'ya rito sa bar. "Tell me, who's with you?" nagtaas s'ya ng kilay. Umatras ako ng magsimula na s'yang gumiling sa harapan ko. "Race," I told him. Mas lalong tumaas ang kilay n'ya. "I'm looking for him. Von, I mean." Tumigil s'ya sa pagbanggit ng pangalan ni Race as Von. Siguro ay kilala n'ya? "Von Neumann?" Marahan akong tumango. Mabilis s'yang umatras palayo sa akin at itinaas ang dalawang kamay. Luminga s'ya sa paligid bago umiling sa akin. "I'm sorry. Their table is over there." Nagtataka ko s'yang pinanood na lumayo sa akin hanggang sa nawala sa dagat ng mga tao. Nagkibit balikat na lamang ako bago pumunta sa direksyon na tinuro n'ya. Malayo pa lang ay natanaw ko na. Andrea is right. Sa sobrang tama ng mga sinabi n'ya ay nakakapanghina. Especially that I'm seeing it now after my eyes. Ngunit kahit nanghihina ay naglakas loob akong lumapit doon. Another man put his arms around my waist. Isang beses ko s'yang nilingon bago itinuro ang table nila Race. And that's enough for him to leave me alone. Huminga ako ng malalim at taas noong lumapit sa kanila. My eyes zeroed in on the two on the sofa. Race's eyes were closed, his head is leaning on the sofa, one arm around the girl beside him. "Kate?" Benz called me breathlessly. Hindi ko s'ya sinulyapan pero alam kong hindi s'ya sa akin nakatingin. They are all looking at Race now. Kaming lahat ay pinanood s'yang nagmulat ng mga mata. Our eyes met. Mabilis n'yang inalis ang kanyang braso sa babaeng katabi bago umupo ng maayos. My eyes then landed on the girl. Ilang beses ko s'yang tiningnan. Bahagyang nagsalubong ang kilay ko sa kanya. Klein. Paano nangyari ito? "Kate!" Grey called me. "Hi!" tipid at pilit akong ngumiti sa kanila bago umupo sa espasyo sa sofa'ng inuupuan ni Grey. "Hindi namin alam na pupunta ka." ani Grey, nagbalik-balik ang tingin sa amin ni Race. Samatalang si Benz at Aven ay hindi na makatingin ng diretso ngayon sa akin. "Andrea called me." malamig na sinabi ko at sinulyapan si Race. Salubong ang kilay n'ya habang tinititigan ako. Nang nagtama ang paningin namin ay agad s'yang umiwas at kumuha ng alak sa table. Dinungaw ko rin ang table nila at nakita ang iba't ibang alak. Mabilis kong kinuha ang isang bote at muling sinalinan ang basong ginamit ni Race. Pinanood nila ako hanggang sa ubusin ko ang laman ng nasa baso. But still, the strong taste of the alcohol didn't help me with the pain I am feeling inside. Another shot at wala pa ring kumibo sa kanila. Nakaapat na akong baso ng tuwid akong tumayo at hinarap si Klein. "So," I cleared my throat. Hindi dapat ako magmukhang mahina rito! "How are you, Klein?" She moves uncomfortably to her seat. She knows she shouldn't be here! "Very fine." "Magkakilala kayo?" tanong ni Benz. "We're schoolmates before." sagot ko, watching Race. "Isang beses kaming nagkasagutan before because of my issue with Kayla and Race. All I know, she's just jealous of me because of his boyfriend Ren. Kayo pa ba?" "W-We're done." she stuttered. Liar. "So rivals kayo?" bahagyang tumawa si Grey, pero alam kong ramdam na n'ya ang tens'yon. "Yes." I said, nagtaas ako ng kilay kay Klein. "Alam n'ya kaseng kaya kong agawin sa kanya ang boyfriend n'ya kung gugustuhin ko..." Race looks at me dangerously. Tinitigan ko rin s'ya. Taas noo kong ininom ang isa pang tagay bago tumayo. I can't take it. Ganito pala kasakit. Nasa harapan ko ang taong mahal ko na may kasamang iba. Ang mas masakit ay tila hindi n'ya pansin ang sakit na nararamdaman ko. "Because I really can. I know I can get every man I want. Kasama ka na roon Race..." Ngayon ay umiwas s'ya ng tingin. "... Aalis ako ngayon. It's either sasama ka sa akin at iiwan silang lahat dito o hahayaan mo akong umalis na mag isa." He looks up at me and smirks. "Then go... alone." Kinuyom ko ang kamao ko ng maramdaman ang kirot ng dibdib ko. Bukod sa pag-iwan ko sa kanya noon, ano pang ginawa ko para gawin n'ya ito sa akin? This is my last straw. Kung hindi na n'ya ako mahal, hahayaan n'ya akong umalis. "Yes," I said. "And I will take the first man with me to your condo. Make your night, as I'm going to make mine as well." His head snapped fast up at me. Sa dilim ng tingin n'ya ay muntik ko ng bawiin ang mga sinabi ko. But no, it's his choice to make. I'll let this one to him now. S'ya na ang magsasabi kung dapat pa ba namin itong ituloy. Because I guess, I've finally had enough.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD