PHOEBE'S POV Nang dumating ang Emperor akala ko ay dahil 'yon kay Liza. Nainggit ako kay Liza pero natuwa rin dahil makikita ko kung gaano pagsasakluban nang langit at lupa si Siana. "Naaawa lang siguro sa kanya ang Emperor," bulong ko nang makitang nagsara ang balkonahe para mapagsarili ang Emperor at si Siana. Tiningnan ko si Liza at nakita kong titig na titig siya sa saradong pintuan nang balkonahe. Halos lahat hindi na makapagsaya dahil naging abala sila sa mahihinang pag-uusap patungkol sa pagdating ng Emperor at kung gaano kapalad si Siana para sa araw na 'to. Parang iyong mga taon na ginugol ko para inisin at maliitin si Siana ay nabura lang nang isang gabing 'to. Inikot ko ang paningin ko at maging ang ibang prinsipe, hindi man sila nag-uusap ay nakapokus sa sara