Chapter 8: Necklace

1738 Words

** Pakiramdam ko sasabog ang puso ko nang maghiwalay ang labi namin. May kakaibang pakiramdam ang pagdantay nang labi niya sa 'kin. Gusto kong kumalma pero hindi ko magawa, para akong malulusaw ano mang oras sa kanyang harapan. "Kam—" Gusto kong tumakbo at magtago dahil iyon ang unang halik na naranasan ko sa buong eighteen years ng existence ng buhay ko pero hindi ko nagawa dahil namangha ako nang mapansin ko na nakabaling na siya sa ibang lugar. Lumakad ako para mas mapalapit sa kanya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong iangat ang palad ko patungo sa maskara niya. "Bakit kailangan mo 'tong isuot kung wala ka namang kapintasan sa hitsura, kamahalan?" hindi ko mapigil itanong. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay kong humaplos sa maskara niya. Pinagkatitigan niya 'ko nang husto.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD