The Emperor's Wife Alam ko na hindi ko lang 'to pakiramdam. Literal na lahat ng tugtog at ingay ng paligid ay huminto. Maging ang paghinga nang halos lahat ay sandaling nabitin. Baka mga Royal Knights lang ang dumating para bigyan ako ng regalo sa araw na 'to... Dala lang nila ang karwahe ng Emperador... Sa isang iglap marami nang Royal Knights ang nasa paligid namin. Gumawa sila nang kabilaang hanay saka itinaas ang mga espada na dala-dala kasunod ang pagku-krus no'n. They did the Royal stunt--ibig sabihin maaaring emperador talaga ang papasok? Iniikot ko ang paningin ko sa mga tao at nahiya ako nang makitang lahat sila'y nakatungo na at naka-royal bow. Nakakahiya! Sa pagharap ko pinagkatunguhan ko ang ulo ko. Baka sabihin nila hindi ako naturuan nang maayos ni ama. Kabadong-kab