Nakaupo ang kamahalan sa kanyang trono at may hawak na kopita na iniikot-ikot niya kaya gumagalaw ang pulang likido sa loob no'n.
Nakamaskara ang Emperador pero imposibleng hindi ko mapansin ang magkaibang kulay niyang mga mata. Ruby and Emerald jewelled like eyes. Itim na itim ang kanyang buhok. Nakaikom ang manipis at mapula niyang labi.
“Louisiana, Princess.”
Pakiramdam ko nilublob ako sa nagyeyelong tubig saka iniahon nang mabilisan sa pagkakarinig ng kanyang boses.
"Mad Dog—"
Unti-unting nanlaki ang mata ko sa salitang dapat lang sa isipan ko pero nasabi ko nang malakas!
Kamatayan ko na ba?!
D-did I called him Mad dog?!
Exit! Nasaan ang exit?!
"Ah, kamahalan... mali ka lang nang intindi." Alanganin akong nangiti habang nag royal bow ako. Abot-abot ang kaba ko dahil nakatitig siya sa 'kin habang sa itaas ng trono niya naro'n ang magka-krus na espada. Anong malay ko kung chopchopin niya 'ko? Tapos iuwi niya 'ko na nasa malaking kahon na may ribbon?
Hindi pa rin siya kumikibo. Pipi ba ang kamahalan?
Nag-angat ako nang tingin sa kanya. Gusto kong mapabulalas sa kaguwapuhang natatanaw ko. Peste, may pa-maskara pa siya pero wala naman pala talagang dapat itago! Ano 'yon pa misteryoso effect lang? Pero baka may malaki siyang pilat sa mukha?
"Higit kang maganda ngayon, Siana."
Halos lumabas ang puso ko sa sinabi niya. Oo, walang emosyon 'yon nang kasiyahan na parang-plain lang pero iba 'yong dating ng lamig ng boses niya parang binabalot no'n ang puso ko sa malamig at magandang paraan.
Narinig ko ang paglalakad niya kaya naman 'di ko mapigilang mag-angat nang mukha. Matangkad talaga siya at nagsusumigaw ang lakas ng kanyang presensiya.
"Sumunod ka."
Umayos ako nang tayo at mararahan ang mga hakbang ko para sundan siya. Alam ko na hindi ko siya p'wedeng lapitan kung hindi niya sasabihin. At pinakamalapit na ang sampung hakbang na pagitan namin sa isa't isa.
Ano ang pakiramdam nang isang katulad niya?
Kung tutuusin hindi ko siya ganoon kakilala. Para lang siyang tauhan sa isang kuwento na nagpapasalin-salin sa bibig nang marami. Hindi mo p'wedeng ituring na lahat 'yon ay katotohanan.
"Hindi ka na gano'n kadaldal?"
Natigilan ako sa naging tanong niya. Nagpatuloy siya sa paglalakad pero hindi ko na nagawa. Bigla parang gusto kong malaman kung ano talaga ang pinagsimulan ng k'wento naming dalawa.
"Kamahalan, nasa pagdadalaga na 'ko kaya marahil may pagbabago." Gusto kong mangiwi dahil alam kong may kadaldalan pa rin ako.
Hindi naman siya sumagot.. Tahimik na lang akong sumunod sa kanya. Maging ang likuran niya masyadong lalaking-lalaki ang dating.
Nakarating kami sa bahagi ng isang hardin kung saan naro'n ang dalawang itim na pusa na may mga bell. Nakatingin sila sa 'kin na tila may isip. Kusa silang umalis nang tiningnan ng Emperador. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang makarating kami sa isang punong narra na may sapin nang naro'n.
"Kamahalan," nagtataka man ay sumunod ako sa kanya nang maupo siya at tapikin niya ang tabi niyon.
Napakabango ng mga bulaklak. Napakasariwa nang hangin. Napakaganda ng hardin sa Imperyo. Hindi mo aasahan 'yon sa isang itim na kastilyo.
"May isang taong nagsabi sa 'kin noon na magiging maganda ang pakiramdam ko kung mapalilibutan ako nang iba't ibang kulay ng mga bulaklak."
Hindi ko mapigil titigan siya.
Bakit parang naiiba siya sa naririnig kong Emperador? Bakit parang may espasyo siya sa puso niyang dinadala?
"Kamahalan, sa mga bulaklak din ako madalas tumitingin kapag hindi maganda ang pakiramdam ko. Pareho siguro kami ng taong 'yon. Kung sakali, iyon din ang sasabihin ko sa 'yo." Hindi ko mapigil ang ngiti.
Nang lingunin ko siya hindi ko alam kung tumalon ba ang puso ko dahil nakatitig siya sa 'kin. Mahirap kapain ang emosyon niya. Para lang kasi siyang nagsasalitang de-makina. Para rin siyang may iisang ekspresyon na matiim tumitig.
Muntik na 'kong mapatayo nang humiga siya sa mga binti ko. Alam ko na asawa ko siya pero unang beses na may lalaking nahiga sa mga hita ko. Kahit pa sabihing naro'n ang tela ng bestida ko.
Kinuha niya ang palad ko at ipinatong 'yon sa mga mata niya.
"Ilang taon ka na, Siana?"
"Maglalabing-walo, kamahalan."
Hindi ko maiwasang titigan ang mapupula niyang labi. Hindi ko napigil ang isang palad ko na damahin ang buhok niyang matingkad ang pagkakaitim. Napakalambot niyon. Ang mamula-mula niyang kutis, tila napakakinis no'n. Ngayon, hindi ko tuloy mapaniwalaan na nakikibahagi siya sa mga digmaan.
"Naalala mo pa ba ang mga sinabi mo noon sa 'kin sa ikalabing-walong taong gulang mo?"
Hindi ako nakakibo. Wala 'kong maalala. Pero kailangan kong sumagot nang,
“H-hindi ko na maalala, kamahalan.”
Hindi ko alam kung may mahalaga pa ba sa pangako na 'yon?
Kung ang pangako ko sa kanya ay ibibigay ko sa kanya ang sarili ko, mangyayari naman 'yon kung nanaisin niya dahil asawa niya 'ko at responsibilidad kong bigyan siya ng anak.
"Mahaba pa ang dalawang taon, hindi ba natin p'wedeng bawasan 'yon?"
Iyong mag-ano ba kami? Ganoon na ba katigang ang Emperador? Imposible! Napakaraming babae siyang pagpipilian.
Nakatulog na ba siya?
Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang itago ang mukha niya. Pero hindi niya itinatago sa 'kin. Parang gusto ko tuloy malaman kung anong pagsasama ang naganap sa 'min noong bata ako. Pakiramdam ko lang ba 'to na pinagkakatiwalaan niya 'ko?
**
Kasama ko si Aleexar sa karwahe na magdadala sa 'kin pabalik. Napakaraming regalo ng kamahalan na nasa kasunod na karwahe na normal naman na ginagawa sa isang asawa nitong babalik sa palasyo na pinanggalingan nito.
"Masayang-masaya ang kamahalan na makita ka uli, prinsesa."
Napatitig ako sa kanya dahil ngiting-ngiti siya.
"Masayang-masaya?" Hindi ko mapigil kuwestiyunin ang salitang binitiwan niya. Paano ko masasabing masayang-masaya siya kung tinulugan lang ako ng Emperador?
Wala naman siyang bayolenteng reaksiyon pero nanatili siyang tahimik. Halos sampung minuto siyang nakahiga sa binti ko habang hawak niya ang palad ko na tumatakip sa mga mata niya. Sa mga minutong 'yon nag-isip lang ako nang nag-isip. At matapos nga 'yon, naglakad kami saglit bago bumalik sa silid niya at tawagin si Aleexar. Hindi siya sumabay sa 'kin sa pagkain kaya hindi ko alam kung nagkaro'n ba siya ng dismaya sa naging sagot ko na sana mas pinag-isipan ko bago ako nagsalita. Isa pa rin siyang Emperador, hindi ako dapat sumagot nang gano'n.
"Princess, masayang-masaya siya." Sabi ni Aleexar.
"Gaano ka na katagal sa tabi ng kamahalan?" hindi ko mapigil itanong.
Nakita ko ang pagkabigla sa kanya pero kaagad nakabawi at nangiti, "Princess, bago pa siya tumungtong sa trono at maging isang makapangyarihang nilalang nasa tabi na niya ako. Madalas hindi ako pinaniniwalaan kung reaksiyon ng kamahalan ang ipaliliwanag ko kaya hindi ako nagtataka sa pagtataka mo. Pero sabihin na nating nauunawaan ko siya kahit sa imposible pang paraan."
Hindi ko mapigil ang pag-awang nang labi ko na kaagad ko ring itinikom.
Pero hindi ko pa rin mapaniwalaan ang 'masaya' pakiramdam ko, sinasabi lang 'yon ni Aleexar para pagaanin ang loob ko.
"I-ibig bang sabihin bago kami ikasal, a-alam mo ang tungkol sa 'min?" mukhang siya ang mapagtatanungan ko.
Nakita ko ang pagtataka sa kanya, "Princess, ako ang nakatagpo sa 'yo sa kagubatan."
Kagubatan? Anong sinasabi niya? Naligaw ba 'ko minsan?
"Princess, nakalimutan mo na ba ang nangyari noon?"
Nagulat ako sa naging tanong niya na halos lumabas ang puso ko. "H-hindi. G-gusto ko lang marinig uli ang k'wento ng kabataan ko." Pilit akong ngumiti. "Sana maimbitihan akong muli nang kamahalan." Iyon ang lumabas sa labi ko na magpapabago nang usapan namin.
Itong kasinungalingan na 'to ang napaninindigan ko.
Pakiramdam ko may malaki akong kasalanang itinatago ngayon.
Hindi ko tuloy alam kung paano ko makikilala ang kamahalan sa labi ni Aleexar na mas nakakakilala sa kanya. Dahil baka mahuli lang ako na walang nalalaman sa nakaraan. Hindi ko alam kung bakit nalimutan ko ang kabataan ko. Pero sabi ng mediko, pangkaraniwan lang 'yon na kapag lumalaki ay nalilimutan na ang kabataan lalo kung hindi naman dapat tumatak sa isipan ang alaala.
Ibig sabihin ba, hindi katatatak-tatak ang pangyayari sa pagitan naming ng Emperador?
"Princess," tawag sa 'kin ni Aleexar nang malapit na kami sa palasyo namin.
Nang harapin ko siya mula sa pagkakatingin sa labas nang bintana, ang sumalubong sa 'kin ay ang isang pulang kahon na may lasong itim.
"Personal na regalo ng kamahalan sa 'yo. Sa kanya 'to nanggaling."
Hindi ko mapigil pagkatitigan ang kahon na 'yon. Hindi ko alam kung bakit may kalungkutan akong naramdaman. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kanina rin, habang tahimik siya, at nag-iisip ako, sa dibdib ko, naro'n ang pakiramdam nang kalungkutan...
"Maligayang kaarawan, Princess, Siana."
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Para saan ang mga luhang bumabagsak sa mga mata ko.
"T-thank you." Tinanggap ko 'yon nang walang pagdadalawang-isip.
"Princess, bukas ang kastilyo sa pagbisita mo. Hindi mo kailangan nang kasulatan o ano man para makapasok sa kastilyo ng Emperador."
Alam kong hindi 'yon p'wede. Kahit asawa ng Emperador ay nangangailangan nang kasulatan bago makapasok sa lugar na 'yon.
Hindi ko na nagawang magtanong dahil bumaba na si Aleexar at noon ko lang napansin na nasa palasyo na kami nang 12th palace.