Chapter 2- My husband is a Mad Dog!

2825 Words
Binitiwan na 'ko ni Prince Guild nang magkasabay na kaming maglakad. Nang makalabas kami kung saan naroon ang mga karwahe mula sa first palace na kambal na babae't lalaki. Napakayaman talaga nila! At sila halos ang nakakasalamuha ng Emperor. Disgusto ang nakita ko sa ibang nakasama ko sa karwahe. The sixth and Ninth. Buti na lang ang kaharap ko ay si Prince Guild. Hindi ako out of place kasi hindi lang ako ang mag-isang tahimik. Pasimple ko siyang tinitigan. Ang ganda talaga ng pula niyang buhok na tinatangay ng hangin. Iyong pagkakatingin niya sa bintana, masarap maging laman ng isang pinta. Ano kayang tumatakbo sa isipan niya? Ano kaya ang tingin niya sa 'kin? Ano kayang makapagpapangiti sa kanya? Nagulat ako nang bigla siyang napalingon. Pakiramdam ko lahat ng dugo ko pumunta sa mukha ko. Nakakahiya! "Mahangin..." alanganin akong natawa. Tumango siya at ibinalik ang tingin sa labas kaya naman nakahinga ako nang maayos. Hindi ko na uli siya pinagkatitigan. Ayokong magkaro'n ng maling interpretasyon ang iba sa 'kin.  Ang tea party ay naganap sa hardin ng First palace. Ang pinakamalaking palasyo, mayamang lupain, mararangyang mga tao, at higit sa lahat sila ang higit na pinagkakatiwalaan ng Emperador. "Natutuwa ako na nakasama ka." Tiningnan ko si Princess Lyza nang first palace. She looks lovely and sincere plus her golden eyes that match her golden curly hair. She's really a princess that is made of Gold. Nginitian ko siya, "Thank you," I gave her my most sincere smile. Siya ang nakatapat ko. Wala ang kakambal niya dahil masama raw ang pakiramdam nito.  Gusto ko na rin kaagad matapos ang tea party na 'to. Kagaya nang inaasahan ko, achievement ng palasyo, mga magaganap, encounter kay mad dog na wala akong interes. Kumain na lang ako nang kumain ng iba't ibang cakes. Magdaldalan sila hanggang magutom sila.  "Princess Lyza, hindi ba dumalaw ang emperor dito?" Tuwa at mataas ang enerhiyang tanong ni Princess Phoebe. "Ahm.." tila nahihiya pa si Princess Lyza. "Oo, pumunta siya rito." "Nakapag-usap kayo?" Sabay-sabay ba tanong ng mga kababaihan, maliban sa 'kin. Bigla parang may bumara sa lalamunan ko. Marahang tumango ang prinsesa. "Anong hitsura niya?!" Umiling si Princess Lyza pero naro'n ang ngiti. "Nakamaskara siya--" Kasi pangit siyang Emperor! Kasing bulok ng ugali niya! Tila nanghinayang silang pansamantala dahil wala pa rin siyang malinaw na hitsura. Pero maya-maya tanungan na naman sila nang tanungan.  Shame on me. Asawa pero walang koneksiyon sa Emperor. Kahit anino nga niya hindi ko na nakita. Wala na 'kong kaideya-ideya sa kanya. "Hindi pa ba niya hinihingi ang kamay mo?" Napainom ako bigla. Bakit kinakabahan ako? Malamang first in line nga dapat si Princess Lyza kesa sa 'kin.  "Actually--" Pabitin naman 'tong si Lyza!  "Secret." Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi sa sagot ni Princess Lyza. Pero kung tutuusin, malaki talaga ang tiyansa na maging isa rin siya sa babae ng Emperor. At hindi lang basta babae, may vibe siya nang pagiging isang Queen.   ** "Hindi ka ba nagugutom, princess?" Tiningnan ko si Sonia bago ko minasdan ang pagkain na nilalaro ko lang pala. "Nabusog ako sa First Palace." Pagsisinungaling ko. Paano naman ako mabubusog? Ang titipid nilang kumain at mas marami pa atang tsaa na 'di ko gusto ang nilantakan nila. Hindi ko magawang kumain nang kasing dami nang kinakain ko sa palasyo namin. But then, hindi talaga ako gutom, walang gana akong nararamdaman sa katawan ko. Nagpahinga na 'ko matapos kong maglinis ng katawan at magbihis ng manipis na pantulog. "Hindi pa naman nakikita ni Princess Lyza ang mukha ng Emperor, hindi ba?" Ako ba? "Alam ko, nakita ko na ang mukha niya pero hindi ko na matandaan. Hindi ko alam kung maganda ba o hindi ang hitsura niya. Pero sabi ng ama kong hari na maging sila hindi nila alam ang hitsura ng Emperor. Hindi kaya, hindi ko naman talaga nakita noon ang mukha niya? Ipinikit ko ang mga mata ko para alalahanin ang kabataan ko. Pero wala talaga 'kong maalala kundi ang likuran lang ng Emperor at ang masaya kong hitsura habang tumatakbo ako para habulin siya. Iniisip ko na hindi naman siya masamang tao talaga. Pero sa dami nang kasamaang ginawa niya, hindi na 'ko bata para maniwala lang sa ngiti ko noon. Madaling paniwalain ang bata. At hindi na 'ko bata. Isa pa, kung sakali man na mabuti siya noon, nagbabago naman ang tao sa paglipas ng mga taon. Ipinikit ko na ang mga mata ko para matulog na. Ayoko nang mag-isip pa. Alam ko na wala naman akong halaga sa kanya, at ang ikinasasama ng loob ko ay naging mag-asawa kami dahil lang sa batang-isip ko na pinatulan naman niya. Dahil do'n, hindi na 'ko p'wedeng magkagusto sa iba. Sayang, kung hindi man prinsipe, maraming mayayamang lalaki ang magkakagusto sa 'kin o isang kabalyero. Hindi sana ako naitali sa isang lalaking nakamaskara. ** "Argh!" Inis na bumangon ako nang makarinig ako nang nakaiinis na tunog ng bell. "Sonia!" inis na sigaw ko habang hindi ko pa naimumulat ang mata ko. Nakatulog na ba 'ko nang higit isang oras? Kainis. "Princess, nakahanda na ang paliguan mo." May pagmamadali sa boses ni Sonia. Inis na nagmulat ako nang mga mata. At napanganga na lang ako nang sumalubong sa 'kin ang sampu pang maid servants na sabay-sabay tumungo sa harapan ko. "A-anong meron?" "Princess, ito ang araw na hinihingi ng Emperor ang presensiya mo sa kanyang kastilyo." Si Sonia. "A-ano?!" hindi ko napigilang ibulalas 'yon. "Princess—" Teka. Mukhang masamang panaginip 'to. Humiga akong muli at itinaas ang kumot ko. Concentrate. Makakatulog ka at imbis na itong masamang balita ang mapapanaginipan mo, Siana, mapapanaginipan mo ang ibang prinsipe. O kaya, makukuha ka nang isang guwapong pirata at mag-sail kayo sa karagatan na matagal mo nang pangarap na maging uri ng adventure ng buhay mo— "Princess!" No. It can't be! Itinayo na nila 'ko nang kusa. Nanghihinang sumunod ako. Napakabango ko dahil sa hinalo nilang likido sa tubig na tila ba isang honeymoon ang pupuntahan ko at sisinghutin ako nang husto ng Emperor kung makapagpaligo sa 'kin nang mamahaling likidong pampaligo na malaking halaga ang katumbas. Lahat nang maid servant ay may kanya-kanyang gawain. Isa na ro'n ang ayusan ako. Mabusisi kahit ang pagpupusod nila sa buhok ko para maging malinis at makita nang maayos ng Emperor ang mukha ko. Maging ang kasuotan ko ay ito na yatang pinakamaraming brilyante na naisuot ko. "Natutuwa nang husto ang hari dahil ipinatawag ka na nang Emperor," naiiyak na ani Sonia na may pagpunas pa nang luha ng panyo niya. Ngumiti na lang ako kahit pilit. Kung tutuusin, impiyerno man sa 'kin ang makita siya at makaharap dahil alam kong pakitang-tao lang 'tong pag-iimbita niya sa 'kin. Pero ang balitang ito naman sa buong kaharian namin ay isang malaking kagalakan dahil hindi na ako isang palamuting babae niya. Siguro pagkatapos nito, ang susunod naming pagkikita ay kung balak niya na 'kong sipingan. Napakarami nang nagpapakitang-loob sa 'kin sa eskuwelahan pero kinakaya ko naman. Ano pa 'tong lalaking 'to? Nang makalabas ako suot ang old rose na kausotan ko napalilibutan ng mga puting mamahaling bato ay nasa magkabilang gilid na ang mga Royal Guard ng kastilyo kaya halos lumabas ang puso ko sa kaba. Totoong patungo nga talaga 'ko sa Griffin's Silver and Gold Castle. Nasa baluti nila sa kaliwang dibdib sa bahagi ng puso ang emblem ng kastilyo. Sabay-sabay silang tumungo bilang paggalang. "Princess, Siana. Ikinagagalak naming ihatid ka sa kastilyo. Kung may ninanais ka, ipagbigay alam mo kaagad sa 'min para kaagad naming matugunan ang pangangailangan mo." Isang Heneral ang nagsalita. Lumaki akong prinsesa kaya kakayanin ko 'to! Fighting! Nauna na 'kong maglakad sa red carpet ng palasyo namin. Iyong kaba ko tila nilalamon na 'ko. I'm facing that mad dog soonest! Nginitian ko ang hari matapos kong magbigay nang isang Royal bow sa kanya. "Ama, napakaligaya ko na inimbitahan ako nang Emperador. Ikukuwento ko sa 'yo lahat nang p'wedeng ikuwento sa pagbabalik ko." Tumango siya matapos akong yakapin at bulungan nang pagpapala't pagmamahal. Hindi ko mapigil ang pag-iinit ng mga mata. Alam kong masayang-masaya ang ama ko. Hanggang sa karwahe na kinalalagyan ko, tinatanaw ko lang ang palasyo naming palayo nang palayo. Maging ang mga nadaraanan ng karwahe, magsasaka, pangkaraniwang tao, o ano pa mang antas na mayro'n sa pamayanan namin ay kaagad tumutungo sa pagdaan ng karwahe na kinalalagyan ko. At sa t'wing makalalagpas na ang karwahe at mag-aangat sila nang ulo, makikita ko agad ang ngiti nila. Gano'n kabilis ang balita. Ilang oras kong minasdan ang mga daanan hanggang pumasok kami sa mas mabilis na daanan na lahat ng palasyong konektado sa kastilyo ng Emperor ay mayro'n. Mapupuno't damuhan ang daanan. May mga bulaklak din na iba't ibang kulay ang isinasayaw nang hangin. Parang napakasarap magpahinga sa lugar na 'to. Ilang oras pa at narating na namin ang pintuan patungo sa Imperyo ng Emperor. Tila may naghahabulang daga sa dibdib ko. Hindi ako mapakali. Dahil sa pagbukas nang pintuan malayo pa ang kastilyo niya pero nagyayabang na 'yon at halos malula ako sa laki. Ilang palasyo namin ang katumbas no'n? Dalawampu? At ang itim na kulay niyon ang nakadagdag ng takot sa 'kin. Parang pumapares kasi 'yon sa mga nalalaman ko ngayon sa kanya. Kaagad napalingon ang mga tao sa bayan na 'yon ng dumating ang karwaheng kinalalagyan ko. Tumungo sila bilang paggalang. Pero hindi ko makita ang sincerity sa kanila. Binabalikan ko nang tingin sila mula sa likurang babasaging bintana ng karwahe at nakita ko ang disgusto sa mga mukha nila. 12th Palace. Ano bang aasahan ko? Isa lang akong mababang-uri ng prinsesa. Lalo na sa lugar na 'to na karamihan ay mga dugong Royal. Huminga ako nang malalim. Mas mahalaga sa 'kin ang kasiyahan na nakita ko kay ama at sa mga nasasakupan namin dahil sa pesteng mapagpanggap na imbitasyon na 'to. P'wede kayang iliko na uli nila 'ko pabalik? Halos mabingi ako sa tugtog ng mga trumpeta. Kaloka! "The 12th Princess is now entering the Griffin's Silver and Gold Castle!" "Kailangan talaga may pagganyan sila?" "Princess," Hindi ko namalayan na huminto na nang bigla 'yong bumukas. Para 'kong nakakita nang halimaw sa gulat kahit pa ang guwapong mukha ng blue haired na si Aleexar ang sumalubong sa 'kin. Nangiti siya. "Kamahalan," inilahad niya ang kamay sa 'kin na may puting gloves. Huminga uli ako nang malalim bago iniabot ang palad kong may white gloves din. Marahan akong bumaba. Kahit gustong-gusto ko nang talunin ang karwahe pababa. Napakahirap maging mahinhin pero hinihingi ng kasuotan at sitwasyon kaya tiis-ganda. Inaasahan ko na makikita ko na ang Emperor nang pumasok kami sa kastilyo niya na baka tuldok na lang ako kung titingnan sa malayo. Pero walang nakaupo sa trono niyang yari sa ginto't mga brilyante. "Nasa pribadong trono ang kamahalan, prinsesa.” Oo, alam ko ay may paborito siyang trono sa isang silid. Hindi ko alam kung bakit tila may kurot sa puso ko na ‘di ko kaagad siya nakita. Hindi siya nag-abalang salubungin ako. At ipinatawag niya 'ko pero nagpapahinga naman siya. "Gano'n ba? Maaari naman akong bumalik sa ibang araw." Pilit kong ngiti. Mas gusto ko naman umuwi kesa makita siya, 'no! "Dadalhin kita sa pribado niyang trono, prinsesa.” Iyong ngiti ni Aleexar mapagkakatiwalaan mo. Pero iyong amo niya ang hindi. Mukhang nakalimutan nga niyang pupunta 'ko. O' iyong pagpapapunta sa 'kin ay suhestiyon lang ng tagapayo niya. Umakyat kami sa gintong hagdanan na nagsusumigaw sa kayamanan at kaginhaawan nang imperyo niya. Walang-wala ang palasyo namin sa yaman na mayro'n siya kaya hindi na nakapagtataka na hindi ako magustuhan nang marami para sa kanya. Pero hindi ko naman hinihinging maging isang Reyna. Alam kong malabo at hindi ako karapat-dapat. Hindi naman ako ilusyunada. Napahinto ako nang maalala ko ang sarili kong nakatungtong din sa gitnang parte na 'to ng hagdanan. At may hawak akong maskara. Sa ilusyon ko nakita kong umakyat ang batang bersiyon ko sa hagdanan nang may pagtataka at pag-aalala. Nakalimutan kong kasama ko si Aleexar at madali kong sinundan ang batang bersiyon ko sa hagdanan. Mabibilis ang mga hakbang ko dahil mabibilis ang hakbang niya at baka hindi ko na siya maabutan pa. Nang makarating ako sa dulo ay nakita kong tumatakbo siya sa pasilyo na ginawa ko rin para sundan siya. Tumigil siya sa isang silid. "Kamahalan." Napaigtad ako nang may humawak sa braso ko. Nang lingunin ko, si Aleexar 'yon na may pag-aalala. "Alam mo pa rin ang silid ng kamahalan, Princess..." Nagulat ako sa sinabi niya. Nilingon ko ang pintuan na hinintuan ko. Wala na ro'n ang batang bersiyon ko. Parte ba nang alaala ko ang nakita ko? "Kamahalan. Narito na si Princess, Siana." Si Aleexar 'yon. Kinabahan ako dahil ilang saglit na lang makikita ko na siya. Pero walang sumagot na kahit 'Ha' o 'O' man lang! “Kamahalan!” Inilagay ko ang buong happiness at sweetness na inimbak ko sa boses na inilabas ko para batiin ang kamahalan na nasa loob ng kanyang silid. Very nice, Princess Siana. For sure, kinikilabutan na ang Emperador sa sobrang katuwaan niyang marinig ang kanyang asawang inabandona. Naka-royal bow ako sa tapat nang malaking pintuan kung saan naroon ang pribadong silid at trono ng kamahalan. Nangangalay na ako sa royal bow na pinaninindigan ko pero wala pa ring nagbubukas. Hindi naman ako nagmamadali. Isang minuto. Dalawang minuto. Limang minuto. Napalunok na 'ko nang lumipas pa ang sampung minuto. Nangangawit na ako sa pagkakatungo with attitude of royalty, pero wala pa ring nagbubukas ng pintuan! Mad dog nga talaga ang Emperador! Ano bang akala niya porque siya ang Emperador ay puwede niya akong ganituhin?! “Princess, ipagpaumanhin mo, baka nagpapahinga na ang kamahalan.” Nag-aalala ag hitsura ng Royal Guard na siya ring sumundo sa ‘kin sa ‘ming palasyo para sabihing ipinatatawag ako ng Emperador. Pagod naman pala siya bakit pa niya ako ipinatawag?! So, plano niya lang akong gawing mukhang tanga rito, gano'n ba?! “Ganon ba?” pilit akong ngumiti at dumiretso ng tayo, “Siguro nga, nakakapagod din naman ang gawain ng kamahalan. Marami pa namang ibang pagkakataon.” Wala nang ibang pagkakataon! Huwag niya akong matawag-tawag sa susunod! Nakakapagod? Sa pagkakaalam ko ang gawain lang ng Emperador ay mag utos nang mag-utos! “Princess, salamat at naiintindihan—" Sabay kaming napalingon ni Aleexar sa pintuan dahil dahan-dahan ‘yong bumubukas at ang creak niyon ay nagpapatriple nang kabog nang dibdib ko. Nabigla kami nang bumukas ang mataas, malapad at matigas na pintuan sa 'ming harapan! Bigla parang nalunok ko ang aking dila. Pinanlamigan ako ng pakiramdam. Parang gusto ko na lang tumakbo habang palaki nang palaki ang bukas nang pintuan. Hihimatayin yata ako nang wala sa oras. Halos walong taon na rin ang nakararaan ng magpakasal kami. Sampung taong gulang ako at wala pang muwang sa naganap na araw na iyon. Hindi ko na rin alam kung ano ang hitsura ng Emperador. Hindi ko na natatandaan kung paano kami nagkatagpo at maging ang kasal na naganap sa pagitan namin, hindi na rin gaanong malinaw sa 'king alaala. Pero may ilan pa rin namang piraso ng alaala na nakikita ko, kagaya nang nauuna siyang maglakad sa harapan ko at alam kong nakasunod ako sa kanyang bawat hakbang. Sa punto na ito, parang hindi ko naman siya gustong makita. Kilalang-kilala siya bilang Emperador na ang salita ay hindi nababali at kahit gaano kaimposible, kailangan 'yong maganap. Sabihin pang ilipat ang bundok sa kabilang bayan, kung gugustuhin nito ay paniguradong gagawin ng lahat ang paraan para lang maganap 'yon. Matapos naming ikasal, hindi na kami nagkita pa. Ito pa lang ang una naming pagkikita uli matapos ang halos walong taon. Sa panahon na lumipas, wala akong natanggap na pangungumusta sa kanya, maliban sa mga regalo na paniguradong ang mga tagasilbi niya lang ang gumagawa. Hindi rin pala labas at mapagdiwang ang Emperador kaya kung may nakakasalamuha man ito, iyong mga nasa loob lang ng kastilyo at mga hari na pinapupunta nito. Ang alam ko guwapo siya sa paningin ko noon. Pero matang-bata pa ako no'n, ano kung bakulaw na pala siya ngayon?! Tinatambol ang dibdib ko. Unang sumalubong sa 'kin ang mahabang pulang carpet na may ginto sa gilid. Mahaba ang daanan patungo sa trono ng kamahalan. Parang kakapusin ako nang hininga nang diretsuhin ko ang aking paningin patungo sa kanyang kinauupuan. Napalunok ako nang makita ko ang kanyang trono na nababalot ng mga obsidian na bato. Kung ang mga hari ay mahilig umupo sa ginto at maging ang mga disenyo’t kasuotan ay gustong mga nagkikinangan, ibahin ang Emperador, madalas siyang nakaitim katulad ngayon. May itim siyang balabal habang nakaupo sa itim niyang trono kung saan sa kanyang ibaba naroon ang isang Leon—balak niya kaya akong ipakain doon? Wala siyang suot na korona pero mas kapansin-pansin pa rin ang mga mata niyang luntian ang kanan at ruby naman ang kaliwa. Emperor Larius Gnaeus Demeus Griffin III! Ang malupit na Emperador ng Griffin's Silver and Gold!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD