K1: Not a Lovely Princess
Being so lovely as me, it's kind of tiring.
“Princess, ayusin mo ang pag-upo!”
Iniayos ni Sonia ang binti ko na nakataas.
“Ikaw lang naman ang narito, Sonia.”
Inirapan ko si Sonia. Narito lang naman kami sa balkonahe ng silid ko at kami lang dalawa ang nakakakita ng mga ikinikilos ko habang kumakain.
Nakakapagod naman maging isang prinsesa. Nanghihina ako kapag ganitong linggo, imbis na makatulog ako nang mahaba-haba dahil walang pasok sa unibersidad, mas maaga pa akong kailangan na kumilos dahil sa princess-teaching at mga lessons sa mga instrument at kung ano-ano pa na dapat kong matutunan!
Hinila na niya ako nang matapos akong kumain.
"Princess, nasa ibaba na ang magtuturo sa 'yo sa—"
Sumalampak ako sa lapag.
"Ayoko nga, sabihin mo na lang sa kanya na masama ang pakiramdam ko." Sinimangutan ko siya.
"Marumi ang sahig!" Pilit niya akong itinatayo.
"Sonia, sige na bababa ako basta bigyan mo pa 'ko ng sampung minuto na umidlip—"
"Princess, hindi mo dapat pinaghihintay ang Maestra! Isa pa, baka may makakita sa 'yo na nakasalampak sa sahig. Ano na lang ang iisipin ng makakakita!"
"Sonia, tayo lang ang narito!"
"Kahit na! Kailangan mong masanay. Paano kung kunin ka na ng Emperador at sa kastilyo na patirahin. Paano ka makikisama roon kung ganito ka kumilos?"
Lalo akong sumimangot dahil nabanggit niya ang Emperador.
Naitayo niya na ako at kaagad pinagpagan ang dilaw kong kasuotan.
"Dalawampu't lima pa lamang ako pero parang sisenta na ang edad ko sa sobrang pagiging pasaway mo." Mariing aniya. "Princess, maglalabing-walo ka na. Isipin mo na anumang oras puwede kang ipatawag ng Emperador—"
"Ano bang pakialam ko sa Mad Dog na 'yon? Sino bang may sabi na gusto ko siyang makasama at ipatawag sa mala-horror house niyang kastilyo?!"
"Princess!" mas malakas ang boses ni Sonia. "Hindi mo puwedeng sabihin 'yan lalong higit sa harapan ng mga prinsesa na nakasasalamuha mo sa unibersidad! Ipahihiya mo ang ating hari sa pagiging matalas ng dila mo! Isipin mo na representatibo ka ng ating palasyo at ang paraan ng pagkilos mo ay magiging batayan nila sa pagpapalaki sa 'yo rito!"
Nakagat ko ang ibaba kong labi.
Alam ko na mahilig lang magsermon si Sonia. Pero sa punto na ito ay mukhang nagalit nga talaga siya.
Asong-ulol naman talaga siya!
"Halika na sa paliguan."
Hindi na ako pumalag pa. Pero inis na inis pa rin ako. Ayoko lang mas galitin pa si Sonia.
Lahat dito sa imperyo kilala ang Emperador bilang walang patawad, malupit, at walang puso! Wala rin siyang pakikipagkapwa sa ibang imperyo dahilan kaya hindi kami kabahagi ng anumang malalaking usapin sa New World. Pero kung tutuusin, mas maraming natutuwang hari sa bagay na 'yon dahil hindi rin nila gusto ng kampihan lalo at ang ganoong uri ng ugnayan ay nagreresulta ng malaking digmaan.
Ilang beses na ring may nagtangkang sumakop sa 'min pero magaling kumilatis ang Emperador ng mga Royal Guard at Great Knights. Ang mga Royal Guard ay mga kasa-kasama madalas ng Emperador, may angking husay sila sa pakikipaglaban at dugong Royal. Ang Great Knights, mula sila sa mga pangkaraniwang mamamayan na may angking husay, kalakasan, at kayang-kayang makipaglaban kahit walang sandata. Mas kilala sila bilang halimaw ng bayan.
Labingdalawang kaharian kaming nasasakop ng Emperador. Labing-dalawang hari na naaayon sa ranggo ang katulong niya sa pagdedesisyon at pagpapalago ng buong bayan ng Griffin's Silver and Gold.
At sa labingdalawang kaharian, ang ranggo namin ay huli—panglabing-dalawa kami.
Prinsesa ako mula sa 12th Palace.
Asawa ako ng Emperador sa edad na walong taong gulang.
Dapat ikatuwa ko ang bagay na 'yon 'di ba? Pero hindi ko magawang ikatuwa. Dahil kahit minsan, sa loob ng halos sampung taon, kahit paimbabaw na pagdalaw hindi niya ginawa sa 'kin. Nagiging katatawanan lang tuloy ako dahil sa kanya! Mas sumisikip din ang daigdig ko dahil sa pagiging kanyang asawa.
Nang makaayos na 'ko at makahanda ay nakasimangot pa rin naman ako.
"Princess, ipinatatawag ka ng hari."
Kasalukuyan akong sinusuklayan ni Sonia no'n ng dumungaw sa pintuan si Maria.
"Ihahatid ko na lang siya, Maria."
Tumango naman si Maria at umalis na.
Inihatid ako ni Sonia hanggang sa bukana lang nang trono ng ama kong hari. Siniguro ko na nakangiti na 'ko at masaya nang tingnan ng magbigay ako sa kanya ng isang Royal Bow.
"Kamahalan, narito na ako."
"Siana," nakangiti ang hari sa 'kin. Nasa mga mata niya ang tunay na kasiyahan.
"Malapit na ang kaarawan mo. Maganda naman ang takbo ng ating bayan. Ano ang kahilingan mo para sa araw na 'yon? Sisiguraduhin ko na ibibigay ko ang lahat ng makakaya ko, Siana."
Nagliwanag ang mukha ko sa narinig.
"Hindi ba kalabisan ang humiling ama?" Tinatambol ang puso ko sa pananabik.
Ama, ipilit mo na! Ilang taon na rin akong naiinggit sa ibang mga prinsesa tuwing kaarawan nila. Pero naiintindihan ko naman ang kakayanan natin bilang isang bayan, kaya hindi ko isinisisi 'yon sa 'yo.
"Gusto mo bang sa Griffin's University ka magdiwang?"
Namilog ang mga mata ko sa naging tanong niya. Napahalata ko yata ang sobra kong kasiyahan.
"Ama, maaari ba talaga 'yon?" nasa boses ko na ang labis na kasiyahan.
Tumango siya, "Hindi man kasingganda ng iba, pero sana magustuhan mo ang ibibigay ko para sa 'yo, anak."
Naiiyak na tumango ako.
"Ama, maraming salamat!"
Taon-taon may selebrasyon sa eskuwelahan ng Griffin's University—Prinsesa at mga Royal na pamilya ang nag-aaral sa lugar na 'yon. Pinaka-inaabangan sa lugar ang mga kaarawan ng prinsesa't prinsipe dahil araw 'yon na nagkakaroon ng malaking pagtitipon ang lahat. Madalas akong naiimbitahan at natatanong taon-taon kung magdiriwang na ba ako ng kaarawan, pero sa huli isang pag-iling at pilit na ngiti lang ang isusukli ko sa kawalan ng kakayahan magdaos nang isang malaking pagtitipon.
Nauunawaan ko naman ang aking ama, at ang bayan namin. Hindi magandang magdiwang ng kaarawan kung nasa estado ng paghihirap ang aming nasasakupan. Nakakaramdam lang talaga ako nang pagkainggit kung minsan, pero hindi ko naman ikinasasama iyon ng loob. Itinatanim ko sa isipan ko na kapag maganda na ang takbo ng agrikultura sa 'ming bayan, makakaranas din ako ng magandang pagdiriwang at mukhang ito na nga ang katuparan na hinihintay ko.
"Isa pa, baka sa susunod na taon wala ka na sa 'ting palasyo at kinuha ka na ng Emperador."
Nawala ang sobrang kasiyahan ko.
Ama, naniniwala ka ba talaga na may pakialam sa 'kin ang Emperador?
Ama, hindi niya ako gusto. Ikinahihiya niya siguro ako bilang babae niya dahil mula ako sa 12th palace.
Ama, 'wag ka nang umasa sa Mad Dog na 'yon, nakakasira lang siya ng mood!
Wala akong pakialam sa kanya, isa pa, nakamaskara nga siya 'di ba? Paniguradong mukhang halimaw ang lalaking 'yon tulad ng kanyang ugali!
"Ama, salamat sa magandang balita." Nginitian ko siya.
My father is a great King.
Hindi man kami mapunta sa mataas na puwesto ng mga palasyo, maipagmamalaki ko siya. Alam niya ang pinagdaraanan ng kanyang bayan at may puso siyang mapagmalasakit sa kanyang nasasakupan. Nakikinig siya sa mga hinaing sa kanyang paligid, kaya naman hindi rin siya nahihirapang ipatanggap sa tao kapag nasa estado kami ng paghihirap dahil sa mga peste na madalas na malaking problema ng bayan namin. Hindi ako hihiling ng ibang ama, maliban sa kanya. Maging ng ibang bayan maliban sa bayan na ito, kung may gusto man akong baguhin, iyong antas ng pamumuhay na nasisiguro ko na mapagtatagumpayan namin ni ama oras na makatapos na 'ko sa unibersidad.
**
"Uhmm! Ang sarap kumain kapag nasa silid ko." Hinimas-himas ko ang tiyan ko. Marami akong nakain. Iyong takam ko sa hapagkainan dahil kahit anong dami, hindi ko magawang kainin lahat o tikman man lang. Baka isipin nila patay-gutom akong prinsesa, 'di ba?
"Hindi ko alam saan mo inilalagay ang kinakain mo. Princess..." Tila gulat palagi si Sonia kapag lumalabas siya at pagbalik niya, taob lahat ng masasarap na pagkain na dinadala niya sa 'kin.
"H'wag ka munang mahiga--"
"I'm tired of eating. I need some rest." Walang pakialam na nahiga ako. This is heaven.
"Hindi mo 'yan dapat kasanayan. Alam mo naman na makakasama mo ang Empero--"
"Makakasama ng isang gabi at aanakan? Tapos lilipat naman sa iba at gano'n din?" Naupo ako at minasdan ko ang hitsura ni Sonia na tila laging nag-aalala.
"I am a princess. I'm a royalty. Pero babaeng kasiping lang naman ako sa Emperor. At sa dami nang magagandang prinsesa, hindi na niya ako maaalala. Hindi ko nga alam bakit suwerte ang tingin nila sa 'kin. Pakiramdam ko hindi. Parang dahil do'n wala na 'kong kalayaan. Kita mo nga, hindi kami nagkikita pero hindi ako p'wedeng lapitan nang kahit na sinong guwapong prinsipe!" Oo na, may hinanakit na 'ko.
Lumapit siya sa gilid ng kama ko at niyakap ako. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam na naman ako nang pagkamiss sa 'king ina. She died when I was eight, after two months of being married with the emperor.
"Princess, Siana."
Boses sa labas ang nagpapahid ng luha ko at nagpatayo Kay Sonia.
"Inaanyayahan ka ng hari sa bulwagan. May mensaheng dumating mula sa Royal Guard ng Emperador. Patawad sa istorbo. Pero ito ay napakahalagang usapin, mahal na prinsesa."
Kumabog ang dibdib ko. Anong klaseng usapin naman 'yon?
Galit ba siya sa 'min dahil hamak na kaunti lang ang kayang ibigay ng bayan namin kesa sa iba?
Aalisin na ba niya kami sa 12 palaces at may nahanap na siyang iba?
"Sonia." Tiningnan ko siya. Dama niya iyong takot ko.
"Magiging maayos ang lahat. Positibo lang, Mahal na prinsesa."
"How can I be positive in this situation, Sonia?" Humugot ako nang malalim na hininga bago tumayo.
Sandaling nag-ayos at nagbihis ako sa tulong ni Sonia. Pakiramdam ko lumalakad ako patungo sa puntod ko.
Madalas kapag may balita tungkol sa Emperador aligaga ang mga nasa palasyo. Hindi kasi ang Emperador na 'yon ang uri na namumuri. Walang kapuri-puri 'yon sa katawan, kaya asahan mo na kapag may balita na mula sa kanya, negatibo 'yon o imbitasyon! Pero hindi nga 'yon nagdiriwang ng kaarawan kaya imposibleng imbitasyon! Anti-social.
Iniwanan na 'ko ni Sonia nang nasa pintuan na kami ng bulwagan. Bumukas 'yon nang kusa at pumasok ako dala ang pagiging isang tunay na prinsesa.
Tumungo ako sa harapan ng hari. Nakatayo sa tabi niya ang Royal Guard ng Emperador. Sila lang ang may baluting pilak.
Kulay asul ang buhok niya at nakangiti kaagad ang pagbati niya.
"Magandang gabi, mahal na prinsesa. Paumanhin kung gabi na."
Alam ko naman na kapag naisipan ng Mad Dog na 'yon na mag-utos, walang oras na pinipili 'yon. P'weh!
"Wala iyon. Mas mahalaga ang bawat salita ng Emperador."
P'weh! Istorbo na pakaba pa 'yang emperador na 'yan. Hindi marunong ng Do's and Dont's, kulang sa edukasyong Royal!
Nangiti naman ang lalaki.
"Ako si Aleexar, mahal na prinsesa. Ako ang kanang-kamay ng Emperador. Naparito ako para ipagbigay-alam na handa ang kastilyo ng Griffin na ipagdiwang ang ikalabing-walong kaarawan ng mahal niyang asawa.
"Ha?Ano?!"
Tila ‘yon bombang sumabog sa ‘king harapan. Hindi lang sa ‘kin maging sa lahat nang nakarinig sa ‘ming palasyo!
Ipagdidiwang daw ng Emperador ang aking kaarawan? Isa ba ‘yong malaking kalokohan?
**
Pakiramdam ko nananakit ang ulo ko maya't maya. Hindi ko magawang ipasok at tanggapin na magkikita na kami ng Emperor.
Dapat matuwa ako 'di ba?
Pero demonyo ang haharapin ko. Sa dami ng k'wento sa kanya, imposible ng matuwa pa 'kong makita siya lalo na at puro about being an evil ruler niya ang naaalala ko tungkol sa kanya.
"Oh, Princess Siana, malapit na ang birthday natin, so, do you have plans?"
Mula sa pagkakatungo sa desk, nag-angat ako ng ulo.
Standing in front of me is none other than Phoebe Lapace, the crowned princess of 5th palace.
"Ah..."
Sabik akong ibalita na finally nagdiriwang na rin ako ng kaarawan sa eskuwelahan.
"Well, I'm having my birthday also, to be celebrated on your birth date. So, attend ka na lang sa 'kin. Don't worry, I'll include your name on my birthday." She smiled victoriously.
Unti-unting nawala ang ngiti ko.
No matter how bad I am inside the palace, sa lugar na 'to isa lamang akong prinsesa na pinagkakatuwaan dahil nga pinakamahirap ako sa paningin nila.
"Salamat na lang--" ngingiti sana ako pero nakapagsalita na uli siya.
"Kailangan mong dumalo. Or, finally may celebration ka ng magaganap?"
Iniwasan ko siya nang tingin. Ayos na sa 'kin na maliitin ako, kaya kong mag pretend na hindi ko 'yon napansin, naramdaman at lalong wala akong pakialam. Pero iba kasi itong sakit kapag pumapasok na ang ama ko sa usapan. He's not a failure king. He's one of the best king, a heart that knows his people's suffering and needs. And being his daughter, I need to understand him.
Matapos ang usapan na 'yon, pakiramdam ko naubos lahat ng lakas ko. Gusto ko na lang umuwi. Mas nakakaubos lakas pala si Princess Phoebe.
Hindi ko na nagawang ibalita sa iba ang planong party na inihanda ni ama. Kahit pa, may ilan naman akong kaibigan sa lugar na 'to. Kompara nga lang sa ibang princesses and princes, ako lang ang hiwalay sa grupo nila. Nasa iisang kwarto kami, pero wala akong malapit na kaibigan. Even the 11th palace, ayaw sa 'kin dahil nga mas napagkakaisahan kami ng iba. Mas pinili niyang maltratuhin siya as long as she has this fake belongingness.
Hindi ko lalo ibabalita ang tungkol sa plano ng Emperador, hindi ako makapaniwala, at hindi ako naniniwala. Mas magiging katatawanan lang ako kung hindi ‘yon magkakatotoo.
"Siana, hindi ka ba sasama?"
Umiling ako kay Prince Cleos ng 7th Palace.
"Hindi na naman?"
He looks disappointed pero iba siya. The 7th palace knows how to value everyone's existence. Even my father praise how Prince Cleos was raised.
Minsan, iniisip ko na sana may isip na 'ko noong pakasalan ko ang emperor. Baka naging magkaibigan pa kami ni Prince Cleos, kung hindi ako naging asawa ng Emperador.
Pero kahit ganon, hindi naman ako inirerespeto ng iba. Pinagtatawanan lang nila ako or iyong pakitang-tao lalo kapag ang usapan at tungkol sa pagdalaw sa 'kin ng Emperor and honestly, minsan naiisip ko na sana kahit ilang segundo lang dumalaw siya. Baka maiangat ko pa ang pride ko. Halatang-halata naman kasing inabandona ko ng Mad dog na 'yon!
Nanatili ako sa upuan ko habang kunwari abala sa paghahanap nang kung ano.
"Hindi ka sumasama sa tea party talaga."
Si Prince Guild na biglang tumuon ang palad sa mesa ko. Siya ang 4th Palace Prince.
Minsan lang umusap ang masungit na 'to mukhang galit pa kaagad sa 'kin. Iyong pula niyang buhok na nagpapaangat sa kanya.
"Ah, hindi na—”
"Sumama ka na kahit hindi mo gusto."
Nag-angat ako nang tingin sa kanya. Ako ba ang may 'di gusto o siya?
Namulsa siya. "Para hindi ako nag-iisang maiinis sa walang kuwentang tea party na 'yan." Tinalikuran na niya 'ko at sumunod na sa iba.
Pero lumingon pa siya nang nasa pintuan na.
"Dalian mo."
Not a prince charming type sabi nga ng ibang mga babae. Pero para sa 'kin, Ang 4th palace Prince ang tipo kong lalaki. Brusko at guwapo. Pero Ekis, bawal akong magkagusto sa kanya dahil kahit tumanda na 'ko, pag-aari ako at isang babae ni Mad dog!
Tumayo ako at balak mag exit nang abutan ko siyang nakasandal malapit sa pintuan.
"Prince Guild--"
"Tara na."
Hinawakan niya 'ko sa braso kaya hindi na 'ko nakaangal pa. Not a princely type, siya iyong hindi pang fairytale book na prince. Para siyang isang magiting na kabalyero na susuong sa digmaan at hindi makikipaglaban sa walang kuwentang bagay na gawain ng ibang mga prinsipe.