Chapter 5- Royal Knight

1989 Words
Griffin's SILVER and GOLD Castle Aleexar's POV "Kamahalan, kamahalan?" Mukhang wala na naman siyang balak umasikaso ngayon. Paikot-ikot ako sa labas nang pintuan ng kamahalan at wala pa ring indikasyon na pinapapasok niya ako. "Kamahalan!" malakas na ulit ko. "Mahal na Royal Knight, lumabas ang kamahalan kanina lamang." Napalingon ako sa nagsalita sa ‘king bandang likuran. "Dama, Sylvia... Lumabas ang Emperador?" Tumango-tango siya. Napansin ko ang bitbit niyang mga tela na naglalaman ng talaan ng mga babaeng maninilbihan sa palasyo. "Oo nga pala, panahon na para pumili ng mga babae mula sa noble family para manilbihan sa palasyo." "Tama ka, Mahal na Knight. Ito ang panahon na 'yong mga babaeng nasa noble class ay makakapasok sa palasyo bilang tagapagluto at tagasilbi.” Ang mga babaeng mula sa magandang pamilya ay nagiging tagapagluto sa palasyo at maaaring maging asawa ng Emperador. Naiiba sila sa mga naninilbihan kung handaan. Sila lang ang toka sa mga pagkain ng Emperador at kinikilala sila bilang ang mga babae ng Emperador na maaari niyang tawagin kung nanaisin niya sa kahit na anong paraan. Kung mapipili rin sila ng Emperador, tataas kaagad ang ranggo nila at maging nang pamilyang kinabibilangan ng mga ito. Ang mga babaeng ito ay nag-aral sa Griffin’s Special Class nang unibersidad. Hinayaan ko nang makalagpas si Dama Sylvia. Kailangan ko pang hanapin ang emperador at abala rin naman siya. Kagaya ng mga babaeng piniling manilbihan sa kastilyo, gano'n din kaming may mga bansag na Royal Knights. Mula kami sa may magaganda't mauunlad na pamumuhay na piniling magsilbi sa kastilyo. Isang malaking karangalan na maging bahagi ng kastilyo. Kami ang madadalas na kasama ng Emperador. May mga hukbo kaming hinahawakan at sasabak sa digmaan kung kinakailangan. Pero kompara sa ibang kawal, kami ang nakatoka sa kaligtasan nang Emperador higit kanino man. Kami ang madalas inaatasan ng Emperador sa pagpupugot ng ulo sa mga lumabag sa batas niyang itinakda. “Simula nang dumating si Princess Siana sa kastilyo tila nawalan na naman siya nang gana na harapin ang mga trabaho niya.” Napabuntong-hininga na lang ako. Naalala ko pa ang gabing natagpuan ko si Siana sa kagubatan. Kasama ako ni ama para mangaso sa edad na labing-dalawa. Kompara sa ibang mula sa noble family, mas mabilis akong kinakitaan nang talento sa sandata—pana at espada. Nang panahon na ‘yon ay nasa labing-walo na ang Emperador at nakasuot na siya nang maskara. Vampire age niya ay eighteen ayon sa kanya.  Siya ang pumalit sa ama niyang si Taurus Griffin. Pero dumating ang kamahalan sa panahon na nagkakagulo ang kaharian dahil sa naganap na pamamaslang sa pitong magkakapatid na Griffin na kilalang-kilala sa ‘ming lugar. Kaya ang Kingmaker nang hari ay nagsabing may isa pang anak ang hari at ito ay si Lucius na nasa kabilang bayan. Iyon din ang simula nang pagdating nang kamahalan sa ‘ming imperyo at maging hari. Maraming nagtataka sa kamahalan dahil kompara sa mga kapatid nito ay mas maitim daw ang awra nito, pero nalaman namin na ang dahilan no’n ay mula ito sa lahi ng mga bampira, dahil bampira ang ina nito. Ang mga haring nagnanais maging Emperador ay nawalan nang puwesto dahil ang mas batang Emperador ay may kakaibang awra at nakakakilabot ‘yon. Hindi ito mahilig sa digmaan pero nagawa nitong mapalakas ang sandatahan at maprotektahan ang buong lupain, kahit pa laganap ang pagbagsak ng iba’t ibang imperyo sa ilalim ng Zone 66 kung saan namumuno ang Emperador na si Neo na siyang sumasakop sa 66 na imperyo. Maraming pa ring tanong ang karamihan, isa na roon ay kung totoo ba talagang ‘Griffin’ ang kamahalan. Pero ano man ang pagtataka nila at ‘di paniniwala ay walang patutunguhan. Nasa ilalim na ang imperyo ni Lucius Gnaeus Demeus Griffin, at mawawala lang ito sa puwesto kung may makakatalo rito at nasisiguro kong ang matinding makakalaban lang nang kamahalan ay ang Emperador ng Zone 66. At sigurado ako na walang hari ay may kakayahang pabagsakin ang kamahalan. Sino man ang kumalaban sa kanya, nasisiguro kong kamatayan lang ang kauuwian nila. “Mahal na Royal Knight, madaling-madali ka.” Nabagalan ko ang paglalakad at nangitian ang nakasalubong kong datihang tagasilbi sa palasyo. “Pasensiya na, hinahanap ko ang kamahalan.” Hindi ko na siya hinintay sumagot.Tinalunton ko ang mahabang pasilyo. Kailangan kong makausap ang emperador. Bukod sa marami na siyang kahaharaping gawain, ito na rin ang panahon para kitain niya ang first palace princess na si Lyza Jewel. Isa kasi ang prinsesa na 'yon sa kandidatang karapat-dapat maging Reyna.  Hindi naman ako sa hindi sumusuporta kay Princess Siana para maging reyna ng imperyo, sadya lang na mas nahasa na ang unang prinsesa at mas marami na rin koneksiyon. Isa pa, may kakayanan naman ang Emperador na mag-asawa kahit pa nga lahat ng prinsesa! Kung sakali man kasi na maging si Princess Siana ang reyna, marami lang siyang pambabatikos na maririnig. At aminin man o hindi, mas malaki pa rin ang diperensiya na maging isang prinsesa ng 1st palace kesa sa 12th Palace. "Kamahalan!" Laking tuwa ko nang makita ko siyang nasa hardin lang. Lumapit ako sa kanya. Hindi niya 'ko pinansin na ugali na naman niya. Binabasa niya ang isang liham na maraming disenyo. "Kamahalan?" "Kaarawan na niya,” "Dito mo ipagdidiwang, kamahalan? May mga gusto ka bang dapat makita sa salo-salo?" "Hindi siya rito magpapatipon. Pero plano kong dalawa ang maging kaarawan ni Siana.” Nakita kong sumilay ang kanyang ngiti na bibihira, at dahil ‘yon sa liham na hawak niya. Isinara niya ang liham. "Ihanda mo na ang gagawin ko nang matapos ko kaagad bago ang araw ng kaarawan niya." “May kaarawan din ba siya sa 12th palace o sa eskuwelahan, kamahalan?” sinundan ko siya papasok ng kastilyo. “Sa unibersidad niya plano.” “Kung gano’n kamahalan, tama lang na may dalawang pagdiriwang siya dahil hindi kayo maaari sa eskuwelahan pumunta dahil isa ‘yon sa koda.” Huminto siya kaya natigilan din ako. Nilingon niya 'ko at nakita ko ang matiim niyang titig. Naramdaman ako ang pagtatayuan ng mga balahibo ko. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang ipahiwatig dahil muli na siyang dumiretso nang tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Palayo siya nang palayo na 'di ko magawang sundan. Naririnig ko ang lagutok ng ilalim ng sapatos niya na pahina nang pahina. “Kahit sabihin nilang hindi ka anak ng Haring Taurus, karapat-dapat kang maging lider ng imperyong ‘to. Iyon lang, dahil sa ‘yo maraming buhay ang nawala at naging sakripisyo.” Gumuhit ang ngiti ko, “Pero masyadong nakakapanindig-balahibo ang presensiya mo kamahalan, isa ‘yon sa dahilan bakit ako na walang planong maging isang Knight ay napasunod mo sa ‘yong mga hakbang.” Tiningnan ko lang ang papalayong Emperador. Labing anim na taon siya nang magkakilala kami. Nang makita ko pa lang siya, ibang-iba na ang kanyang tayo at maging titig at pananalita, para siyang isinilang at pinalaking prinsipe kahit ang sabi-sabi ay lumaki siyang naglalakbay—inaasahan nang lahat na ‘di siya kikilos bilang Emperador dahil mas lumaki siya sa paligid ng mga mersenaryo, pero nagkamali ang lahat dahil kumilos siya nang naaayos sa kanyang kinalalagyan at higit siyang may paninindigan sa mga salita niya kesa sa mga hari. Walong taon na iisang liham imbitasyon lang ang binabasa niya. Iyon ay ang liham lang mula sa 12th palace at sulat kamay ni Princess Louisiana na mas tinatawag na Princess Siana. Nadaanan ko ang pitong malalaking kuwadro ng mga ‘kapatid’ ng Emperador na mga Griffin. Sila ay pinaslang at ang nawalang bahagi sa kanilang katawan ay pare-parehong puso. Ang Emperador ang naghatid sa kanila sa kanilang libingan na matatagpuan sa sagradong lugar ng mga Griffin sa underground ng kastilyo na tanging mga miyembro lang ng pamilya Griffin ang naroon. Ang mga kasama ng Emperador ay ang mga nagbitbit sa mga ataul ng pitong magkakapatid at hindi na rin nakabalik pa dahil tradisyon ng pamilya na maging ang servant ng mga ito ay kasama. At ganoon ang relasyon na mayroon kami ng Emperador, kung mamamatay siya ay sasamahan ko siya, sa paniniwalang hanggang kabilang-buhay ay kakailanganin niya ako para pagsilbihan siya. Tradisyon na maaaring walang katotohanan dahil sino ba ang nakakaalam nang mayroon sa kabilang-buhay? Pero patuloy na nagaganap bilang pagpapakita nang katapatan at respeto. Naabutan ko ang Emperador sa kanyang upuan kung saan ang mga gawain niya ay sinisimulan na niya. Ang kamahalan ay masyadong pokus sa pagpapalago nang imperyo kaya naman binabasa nito ang bawat liham at pinapanagot ang mga gumagawa nang korapsiyon. Kilala siya bilang walang-awa at walang patawad na Emperador, kapag napatunayang nagkasala ay kamatayan kaagad ang kapalit no’n para ‘di pamarisan. Maging ang mga pinili niyang heneral ay malalakas at dumaan sa butas ng karayom para makaligtas sa inilaang pagsusuri ng kamahalan. Bilang isa sa dumanas no’n, alam na alam ko ang iba’t ibang emosyon na naramdaman ko—gutom, pagkadismaya, kawalan nang pag-asa, unti-unting pagkasira nang katinuan at ang mabuhay sa paligid nang mga bangkay nang kasamahan ang pinakamasaklap na mararanasan sa lugar na pinagdadalhan niya sa ‘min. Pero kung hindi dahil doon, wala ngayong kasing-tibay na sandatahan ang Griffin’s. Dito pumapasok ang salitang aanhin mo ang isang daang libong bilang ng kalahok sa sandatahan kung kaya naman silang pabagsakin nang isang daang miyembrong hinasa nang husto. “Tahimik ka ngayon,” Napakislot ako nang magsalita ang Emperador. “May naisip lang ako, kamahalan.” Bigla akong natawa. “Plano mo nang mag-asawa?” tanong niya. “Hindi, kamahalan!” mabilis kong sagot. “Mabuti kung gano’n, hindi rin kita planong pakawalan.” Namula ako. “Hindi ako natutuwa na namumula ka, Aleexar.” Matigas niyang aniya. Natawa ako nang alanganin. Pumasok sa bukas na bintana ang itim na pusa nang kamahalan na si Peter. Lumapit siya sa kamahalan at naupo sa bakanteng bahagi ng mahabang mesa. “Kamahalan, may naalala pala ako.” Hindi siya kumibo pero alam kong nakikinig siya kahit abala sa paglalagay ng kanyang sealed sa mga papel. “Iyong hinahanap mong si Shin Wolveus ay nalaman ko na nagpakita na sa Freed Market ayon sa paborito ninyong manggagawa ng sandata.” Natigilan ang kamahalan at tiningnan ako. “Sigurado ba siya?” “Paulit-ulit kong tinanong, kamahalan. Sabi niya, imposibleng ‘di niya makilala si Shin Wolveus dahil kahit may kamukha ito, nag-iisa itong itim ang buhok sa mga Wolveus. Pero mukhang marami ang nagbigay nang pabuya sa ulo niya dahil naging malaking usap-usapan ang pagbabalik niya.” “Pumunta ka sa Freed Market, gusto kong malaman mo mismo kung siya ba talaga ang hinahanap ko.” Nagtaka naman ako, “Pero kamahalan, hindi ko naman siya kilala?” Itinuro niya ang sarili, “Kapag naramdaman mo na may pagkakatulad o pagkakahawig kami maliban sa kulay ng mga mata siya ang hinahanap ko.” Napatindig ako at kaagad nag royal bow sa kanya. “Masusunod, kamahalan.” Hindi ko siya kailangang alalahanin. Kaya ng kamahalan ang sarili niya kahit wala kami. Isa pa, ako lang ang tanging pinagkakatiwalaan niya nang ganito. Alam ko na ang kamahalan ay maaaring hindi isang Griffin, pero pinagsisilbihan ko siya dahil pakiramdam ko ay nakatadhana ako para magsilbi sa kanya. At masyadong malakas ang kamahalan, hinahangaan ko siya at lalong higit na gusto kong lumaban kasama siya. At si Siana, ay isa sa kanyang posesyon. “Dalhin mo sa ‘kin ang batang matatagpuan mo sa kagubatan.” “Kamahalan?” Tinitigan ako nang kamahalan nang matiim. “Dalhin mo ang batang babae na matatagpuan mo sa ‘king harapan.” Parang alam na alam niyang may batang babae sa kagubatan at laking pagkabigla ko nga na habang naroon kami ni ama para magsanay kahit madilim na ay nakita ko si Siana na nasa walong taong gulang lang. Napakalaking-palaisipan kung bakit siya naroon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD