Chapter 6- 18th Day

2031 Words
'18th’  SIANA   Sana naman hindi maging papansin ngayon si Phoebe. Pero dahil imposible 'yong malditang 'yon tumahimik na mas excited pa sa 'kin sa kaarawan ko, hiling ko na sana lagnatin na lang siya kahit ngayon lang para 'di siya gaanong dumaldal. “Princess, napakaganda mo.” Puno nang admirasyon ang mukha ni Sonia habang pinagmamasdan ako. “Tama, walang makakalamang sa ‘yo!” eksaheradang sabi ni Maria. "Salamat, Sonia, Maria.” Ngiting-ngiti ako. "Ano bang malay natin kung dumating ang Emperador." Umiling ako. "Hindi ba nabalita na hindi siya nakipagkilala sa 1st palace princess, isipin mo 'yon pinakamahalaga nang prinsesa hindi pa niya nasipot. Ano pa 'ko?" "Pero asawa ka naman niya--" Nawala ang ngiti ko. "Sonia, ayokong umasa. Mabibigo lang ako. Kung pupunta siya, oh, edi pupunta siya. Pero kung hindi, okay lang din naiintindihan ko. Isa pa, mahihirapan lang akong kumilos kung naroon siya. Kung anong pagpapanggap na sa kahinhinan ang ginagawa ko sa eskuwelahan, ano pa kung siya na ang kaharap ko 'di ba?" Nilakipan ko 'yon ng masayang tono. Si ama ang abala sa eskuwelahan ngayon. Kaya naman ang karwaheng sinasakyan ko na puno nang bulaklak ay nagpangiti at nagpasaya sa 'kin. Alam ko na ginawa ni ama lahat para sa 'kin at higit pa sa iniisip kong kasiyahan ang naibigay niya. Buong biyahe patungo sa eskuwelahan ay kabadong-kabado ako. Masaya ako dahil matagal ko 'tong ginustong maranasan. Pero kabado ako na may marinig pa 'kong masama sa bibig ng iba. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin na nasa loob ng karwahe. Maliit lamang iyon pero sapat para makita ko ang hitsura ko.  Nakaipon ang buhok ko at may ilang nakalawit na mga maliliit na buhok ko at ang princess crown ko na puno nang puting diamante. Mahaba ang kasuotan kong itim. Simple 'yon at halos itago ang braso ko't binti--konserbatibo ang kamahalan. Alam kong magiging usapan ang kulay na 'to kaya sinabi kong haluan nila ang damit nila ng itim. Iyon pa nga lang ang sinabi ko nawirduhan na si Phoebe. Pero nakasulat naman sa malaking announcement board na itim ang kasuotan ko para walang magkamaling magsuot nang tulad nang akin. Isang uri ng respeto sa ‘min ang ‘di pagtulad sa buong kulay nang kasuotan ng may kaarawan lalo at isa ‘tong prinsesa. Pero maaari silang maghalo ng kulay sa kanilang kasuotan ng itim. Pero sa t'wing maiisip ko na mula 'to sa kamahalan, kahit ayokong matuwa, hindi talaga mapigil iyong ngiti ko. Siya kaya ang pumili nito? Sabi ni Sonia, ang kamahalan ang pumili nito dahil kung mga tagasilbi lang nito ay hindi iyon pipili ng itim. Huminga ako nang malalim nang matanaw ko ang nagliliwanag sa 'di na kalayuan ang eskuwelahan kung saan magaganap ang kaarawan ko. Sa araw na 'to, hindi na ako ang extra, ako na ang bida. Dinaanan lang ang harapan ng eskuwelahan ng karwahe namin. Sa likurang bahagi ako daraan. Nang ganap na makapasok sa isang silid ako muling inayusan. "Salamat, Maria.” Nagngitian silang lahat sa 'kin at tumungo. Si Maria at ang apat na kasama niya. Habang si Sonia ay ngiting-ngiti na inilalagay nang marahan ang hikaw sa tainga ko. Batong itim iyon na regalo ni ama sa akin para raw bumagay sa kasuotan ko ngayon. "Napakaganda mo, princess." Puno nang admirasyon na sabi ni Sonia. Nangiti ako sa papuri niya. "Bagay na bagay talaga kayo ng emperador, princess... Itim kung itim." Napatitig ako kay Sonia dahil gusto kong malaman kung positibo ba 'yon o negatibo. Mula 'yon sa isang babaeng kasama ni Maria, si Imelda. "Oo nga pala, naging tagasilbi ka sa palasyo ng Emperador." Sabi ng isa pa. "Oo, kaya alam ko na paborito niyang kulay ang itim! Bukod sa paborito niyang oras ang kadiliman." May pagmamalaki sa boses nito. "Ang kamahalan, ang dahilan bakit minsan kalahati ng palasyo kung malalim na ang gabi ay patay ang ilaw." Nakahinga ako nang maluwag. Paborito niya naman pa lang kulay. Nangiti ako dahil mukhang tama si Sonia, ang kamahalan ang pumili ng kasuotan na 'to para sa akin. Pero may kalungkutan din dahil mas alam nang iba ang bagay na 'yon kesa sa 'kin. Dapat pala naging tagasilbi na lang ako ng palasyo nang mas marami akong malaman sa kanya! Mababaliw ako sa kamahalan! Laging iba-iba ang ipinararamdam sa 'kin, nakakahilo na! Nakarinig kami ng tatlong katok bago ang boses ng isa sa Maestra ng eskuwelahan. "Princess, handa ka na ba? Lahat ay naghihintay na sa 'yo." Huminga ako nang malalim. "Handa na 'ko, salamat, Maestra." Inalalayan ako ni Sonia na tumayo. Sinipat ko pa nang sandali ang sarili ko sa salamin. Napakaganda ko talaga. Marami pa talagang prinsipe ang mabibingwit nitong ganda ko, e. Nakita ko si ama sa labas kaya nangiti ako. Puti ang kasuotan niya na pinasadya pa niyang ipagawa para ihawig ang disenyo sa suot ko. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan. "Napakaganda mo, Siana." "Alam ko 'yon, ama." Natatawang sagot ko. Masaya kaming lumakad. Sa gilid namin naroon ang mga Knights ng palasyo namin para magbigay respeto Kumakabog ang dibdib ko dahil narinig ko na ang marahang tunog ng piano na sinabayan ng malamyos na tunog ng violin--napakagandang musika. Tiningnan ko si ama nang nasa tuktok na kami ng hagdanan. "Salamat." Bulong ko na alam ko na kahit 'di niya marinig, buka pa lang ng labi ko, sapat na para maunawaan niya. Hinarap ko na ang mahabang hagdanan. Ilang beses kong pinangarap na lumakad dito na ako ang may-ari ng selebrasyon. Ilang kaarawan ko na ang laman ng imahinasyon ko ay lumakad dito at maging pokus ng atensiyon ng lahat. Iyong sa araw na 'to, magaganda lang ang maririnig ko sa kanila. Ganoon kasi talaga. Kapag ikaw ang may kaarawan, ikaw ang pinakamaganda. Iyon ang paniniwala ko dahil sa t'wing nasa umpukan ako at mayroon may kaarawan at bumababa sa hagdanan, lahat puro magaganda lang ang sinasabi. Lahat humahanga. Iyong ngiti ko na puno nang kasiyahan ay unti-unting napalitan ng kakaibang damdamin. Lahat halos nang kababaihan, itim ang suot. May ngisi sa labi ng mga kasamahan ni Phoebe na royalty. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko. Parang sinasabi nila na kapareho ko sila ng kulay at mas maganda ang kasuotan nila kesa sa 'kin. Nagmukhang sila ang mas may ari ng araw na 'to kesa sa 'kin. Mas lumamang ang disappointment ng iba nang makita ako na inaasahan siguro nila na mas higit dapat ako. Sa sobrang disappointment gusto nang bumagsak ng mga luha ko. "Ama, salamat..." Napakaganda. Hindi ko aakalain na ganito ako bibigyang kaarawan ni ama. Hindi niya ako hinayaang mapahiya. Sadya lang na ganoon yata kaayaw sa 'kin nang marami. "Natutuwa ako na nagustuhan mo, anak." Nang tingnan ko siya'y pareho kaming pinamumugtuan ng mata. Sa paningin ni ama, walang masama sa kasuotan ng iba. Pero sa akin, alam ko na bilang respeto sa kaarawan ng isang prinsesa, nararapat na magsuot sila nang hindi kakulay na kakulay ng kasuotan ko. Kailangan na iyong kulay na 'yon ay para lamang sa kanya. Pero sa oras na ito, inangkin nila maging ang araw na dapat ay sa akin. Hindi ko alam kung may iba pa bang may magandang motibo naman sa araw na ito, balot na 'ko nang negatibong damdamin. Pero pagtatakpan ko 'to at ibubuhos pag mag-isa na lang ako. Gusto kong ipakita kay ama, kung gaano ko kagusto ang araw na ito. At masaya ako dahil alam ko na may isang taong pinakanagmamahal sa 'kin. Sa bawat pag-ikot ko sa unang sayaw kay ama, nakikita ko na maraming hindi nakapokus. Ibang-iba sa kaarawan ng ibang prinsesa. May sarili silang mga usapan. Nang magawi ang atensiyon ko kay Phoebe, ngiting wagi siya at may pagtawa pa sa kausap niya. Pakiramdam ko ay napagkaisahan ako nang husto. Naningkit ang mata ko. Huling pagtitimpi ko na 'to sa 'yo, Phoebe. Kung may dahilan man siguro sila para kainisan ako, alam ko nang dahil iyon sa Emperador. Ako ang asawa niya at titulado. Isang mababang uri ng prinsesa. Nang matapos ang unang sayaw ay nagkaro'n na nang sayawan ang karamihan. "Wala man ang emperador sa araw na 'to, sigurado akong lubos siyang mamamangha sa 'ting prinsesa, Siana." Wika nang tagapagsalita. Nagkaroon nang bulungan. Ngiti kung biglang tatama sa 'kin ang paningin nila. Hindi ako magpapatalo. Hindi ko ipapakitang talunan ako. Hindi ko hahayaan na mas maging masaya sila. "Siana," si Phoebe na lumapit sa 'kin. Nasa umpukan na si ama ng mga haring nakadalo na lima lang ang bilang. Wala ro'n ang pinakamatataas na hari. Kaya siguro wala rin si Princess Lyza. "Wala si Princess Lyza?" Gusto kong ibahin ang usapan. Alam ko na may ibabanat na naman si Phoebe. Kesa naman ibuka na naman nang bibig niya ang emperador. "Hindi maganda ang pakiramdam ng kambal niya. Pero hindi naman iyon ang dahilan sa tingin ko." Tiningnan niya ang ibang prinsesa. Tumango-tango ang iba habang curious na katulad ko ang iba. "Ayon sa 'king ama, kinita na ng emperador si Princess Lyza, at kandidata siya bilang reyna." Malakas ang pagkakabanggit niya dahilan para makuha ang atensiyon ng marami sa 'ming mga kaeskuwela. "Totoo ba 'yan, Princess Phoebe?" "Inaasahan ko na pero nagulat pa rin ako!" "Kaya siguro hindi siya nakarating. Dahil abala siya sa kamahalan!" "Nalaman ko rin sa 'king ama na napakaganda niya nang dumating sa kastilyo. Lahat halos nasabing karapat-dapat siyang maging reyna!" Tagumpay ka. Tagumpay ka. Masaya ka ba? Masaya ka ba? Paulit-ulit kong kinagat ang labi ko. Itinaas ang paningin ko para pigilin ang luha ko. Nang mapatingin ako kay ama ay nakangiti siya habang kimakawayan ako sa 'di kalayuan. Simpleng tango at ngiti lang ang ibinigay ko. Hindi ko na kasi kayang magpanggap pa. Dahil kahit pala anong bihasa ko ro'n, may pagkakataon pa rin na dapat kong aminin na talo ako. Bumukas ang pintuan at iniluwa no'n si Princess Lyza at ang mga Knights na palasyo nila. Nakaramdam ako nang panliliit dahil sa gintong kulay ng kasuotan niya na kumikinang pa. Napakaganda niya sa oras na ito. Tahimik ang paligid. Lahat humahanga lalo nang ngumiti pa siya. Itong reaksiyon na ito ang inaasahan ko sa pagbaba ko kanina sa hagdanan. Pero kay Princess Lyza, sa pintuan lang siya dumaan at walang paglalakad na mahabang naganap pero lahat namangha na at halos 'di na makaimik. Tama si Phoebe. Tama sila... Kahit kailan hindi ako magiging karapat-dapat sa emperador. Dahil ang katulad ni Liza ang nararapat para sa kanya. "Siana!" Masayang lumapit si Lyza sa 'kin. "Happy Birthday. Gusto kitang puntahan. Pinilit ko." Nasa mukha niya ang sinseridad. "Masaya ako na nakahabol ako. Hay! Akala ko talaga hindi ako makakaabot." Napakaganda nang ngiti niya. Nakakasilaw ang hitsura niya. "Lyza, ikuwento mo sa 'min ang tungkol sa pagkikita ninyo ng Emperador! Excited kaming malaman kung kailan ang kasal ninyo!" Agaw atensiyon si Phoebe. "H-huh?" Tiningnan ako ni Lyza. "P'wede bang sa ibang araw na lang?" Nakita kong nahihiya siya. "Pero hindi na kami makapaghihintay!" "Oo nga, hindi na!" "A-ano kasi," pulang-pula at hiyang-hiya ang hitsura niya. Napakaraming mata ang nasa kanya. Maraming kalalakihan ang makikitaan nang panghihinayang dahil magiging pag-aari na rin ng emperador ang pinakamagandang prinsesa at pinakamaunlad din na bahagi ng Griffin's Silver and Gold Empire. "Princess, Siana..." Tiningnan ko kung sino ang lalaking nagsalita. Fourth Prince... "Maaari ba kitang isayaw?" Napakaguwapo niya sa puting kasuotan na may rosas sa bahagi ng bulsa. Pakiramdam ko sinasagip niya 'ko mula sa mga kababaihan. Binigyan ko siya nang isang ngiti. Salamat sa pagsagip, mahal na prinsipe. Iaabot ko na sana ang palad ko sa kanya nang bumukas nang pinakamalaki ang pintuan. Maingay na trumpeta ang pumailanlang sa itaas na bahagi ng paaralan. Bago ang isang anunsiyo na umalingawngaw sa buong gusali. "Itigil ang tugtugin at lahat ay inaanyayahang tumayo para magbigay respeto sa mahal na Emperador Larius Gnaeus Demeus Griffin III." “E-Emperador?!” halos lahat iyon ang reaksiyon. Narinig ko ang tugtugin na para lang sa Emperador, ang trumpeta sa kanyang pagdating! Kumakabog ang dibdib ko, para akong pinanghinaan ng tuhod. Nagkamali ba ang anunsiyo? Baka si Aleexar ang dumating sakay ang isa sa karwahe ng kastilyo. Pero ano ‘tong nararamdaman kong puwang na nagnanais na Emperador ang dumating?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD