"Mommy, ang cute nila." Wika ni Martina at lumapit ito sa akin habang nakaupo ako. "Yes! Kasing cute mo Martina" Sabi ko sabay akbay sa bata. "Uminom ka muna ng tubig." Turan ni Derick na lumapit rin sa akin na may bitbit na dalawang bote ng mineral. "Thank You!". "Paano mo natutunan ang ginawa mo sa kabayo?" "Ummm... napapanood ko lang." Nakauwi na sila donya Marlyn at kasama si Martina dahil gabi. Naiwan ako sa pastolan kasama sina Tatay Rod. Nakatitig sa akin si Derick habang nakaupo ito ito sa aking harapan na para bang may hinahanap sa aking mga mata. "Yes?" I asked him. "Nakausap ko si doktora Deocampo." Panimula niya. "Then, what she said?" Tanong ko. "She said, ang ginawa mo raw ay pang-professional doctor." Tugon niya at nanatili pa ring nakatitig sa aking mga mata. "