Tawa nang tawa si Martina dahil nag-enjoy siya habang kiniliti ako ng kaniyang Daddy. "Aaah! Tama na Deri—Aaah!" Pagsisigaw na hindi ko na alam ang aking gagawin. dahil sobra akong kiniliti ni Derick. Mula sa bintana ng malaking mahay ay nakatanaw at nakamasid lang pala sa amin si donya Marlyn. "I'm so happy anak dahil unti-unti ka ng bumalik sa dati. Thank you so much Kaye." Mag-isang sabi ni donya Marlyn. Sobra akong hinihingal nang ihinto ni Derick ang kaniyang ginagawa sa akin. "Let's go inside para makapagkape muna tayo." Yaya ni Derick sa akin. "Let's go Mommy Kaye..." sabad naman ni Martina habang hinila niya ako. "Okay!" Nakangiti kong tugon at sumama ako. "Hi, Ma." Bati ni Derick sa kaniyang ina at kasalukuyan itong bumaba ng hagdan. "Hi, Son." Tugon niya. "Good after