Nagtulog-tulugan ako para hindi makaramdam ng pagka-boring dito sa likod. Habang nakapikit ako ay mukha ni Derick ang aking nakikita at sabawat nilang tawanan ay kirot naman ang aking naramdaman. I think, I felt jealous. "Stop it Kaye! Wala kang karapatang magselos dahil hindi mo siya nobyo. Stop it! Huwag kang magpantasya hindi ka niya gusto forget him!" I whispered to myself. Hanggang sa dumating kami sa isang sports complex kung saan gaganapin ang karera. Hawak ko si Martina habang paakyat kami sa mataas na hagdanan at si Derick naman ay inalalayan si doktora Deocampo. "Gago talaga! Buti pa ang matanda ay inalalayan samantala ang kaniyang anak ay hindi! Tsee!" bulong ko sa aking sarili at inis na inis sa ako sa kanilang dalawa. Magkatabi sila sa pag-upo at magkatabi naman kami ni Ma