Chapter 4

1029 Words
"Vanissa... Vanissa! Where are you?! Please come back... want you!" Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang boses ng isang lalaking nagsisigaw at umiiyak. "Kawawa naman, siguro siya ang husband na sinabi ni manong driver sa akin." Wika kong mag-isa. Napatingin ako sa aking relo alas-dos pa lang ng madaling-araw, dahil antok na antok pa ako kaya muli akong pumikit. Gumising ako ng alas-kuwatro para makaligo ng maaga at i-ready ang sarili at buti na lang ay nakatulog ako kahit papano. Isinuot ko ang uniporme na bigay sa akin nagustuhan ko naman ito dahil overall at medyo malaki. Tamang-tama ala-singko ay may kumatok sa pinto agad ko naman itong binuksan. "Magandang umaga! Ikaw ba ang bagong pastolero?" tanong ng may edad na lalaki. "Magandang umaga rin po. Opo... ako nga." tugon ko. "Handa kana ba?" "Opo!" "Tayo na..." yaya niya. Pagkatapos ay lumabas na ako para sasama kay Tatay. "Sandali... hindi ka ba binigyan ng bota ni Nanay Pableta mo?" "Ay... hindi po Tay." "Hmmm... baka nakalimutan, sandali may isa ako doon, iyon na lang muna ang gagamitin mo." sabi niya at nagtungo sa kanilang kubo. Nang bumalik siya ay dala na niya ang bota at isinuot ko naman ito agad pagkatapos ay nagtuloy na kami. "Tawagin mo na lang akong Tatay Rod." turan rito habang kasalukuyan kaming naglalakad sa damuhan. "Kayr po ang pangalan ko Tay." sabi ko. "Kayr, ang una nating gawin ngayon ay pakawalan ang mga hayop sa kanilang kulungan para makakain sila ng damo." Saad ni Tatay at tinandaan ko ang sinabii niya. "Wow!" bulong ko. Dahil nang binuksan ni tatay ang pinto ay dali-daling nagsilabasan ang mga malalaking baka. "Kailangan ala-singko ng hapon ay nasa loob na ang mga baka." Bilin ni Tatay Rod sa akin. "Okay po Tay." Ang sunod naming binuksan ay ang kulungan na mga kambing, ang ganda nilang pagmasdan dahil ang dami nito at ibat-ibang kulay. Ang huli naming pinuntahan ay ang 'Livery Stable' at napahanga na naman ako dahil ang gaganda ng kulay ng mga kabayo. "Ito ang pagkain ng mga kabayo Kayr." Turo ni tatay sa akin. "Okay po Tay..." tugon ko. "Nakita mo 'yang kulay itim na kabayo?" "Opo Tay." "Ingatan mong  mabuti 'yan dahil paborito 'yan ni sir Derick. Mag-iingat ka rin sapagkat napakamaldito niyan." Paliwanag ni Tatay. Nakaramdam naman ako ng konting takot dahil sa sinabi niya at pinagmasdang mabuti ko rin ang mga mata nito ay parang maldito nga at tila nangangamo. Lihim kong binilang ang mga kabayo at nasa sampu ang mga ito. "Tay, dito lang ba ang mga ito?" tanong ko. "Minsan nilalabas ang mga iyan, pangkarera kasi 'yan ni sir Derick." "Maliban dito Tay, ano pa ang aking gagawin?" "Minsan, kapag ting-ani ng palay tinutulungan natin sila." "Ano po ang gagawin natin sa palay?" "Ibibilad sa araw, minsan may mga gawain din tayo ng pakonti-konti diyan sa mansion." Tugon niya sa aking mga katanungan. "Maraming salamat Tay." "Tagasaan ka ba Kayr?" "Taga Maynila ako Tay." "Oh! Bakit ka napadpad dito? May kamag-anak ka ba sa lugar na ito?" "Wala po Tay... masyadong magulo sa Maynila kaya naghanap ako ng tahimik na lugar, nakakasawa kasi ang magulong paligid." pahayag ko. "Halika Kayr, ituturo ko sa'yo kung saan ang kumpayan." turan niya at lumabas kami. "Tay, ano po 'yang kumpay?" Inosente kong tanong. "Iyan ang kinakain ng mga kabayo, ang tawag niyan ay kumpay." Paliwanag niya sa akin. "I see." Maikli kong tugon. Tinuruan ako ni Tatay Rod kung  paano gumamit ng gulok at kung paano tagain  ang  kumpay. Dahil pursigido ako sa aking mga ginagawa ay mabilis akong natututo at ang lahat ay aking tinatandaan. Sa simula ay tagalang nahihirapan ako subalit nang kalaunan ay unti-unti na akong nasasanay. Maghapon kami ni Tatay Rod sa pagpapastol kaya nang makauwi kami sa aming mga kubo ay pagod agad ang aking naramdaman "Ito ang buhay ng mahirap. I'm greatful dahil ipinanganak ako na mayaman 'YES' mayaman nga kami pero bakit may kulang?" Bulong ko habang nakaupo sa bamboo chair. Dahil sa sobra kong pagod ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa aking kinaupuan. Nagising na lamang ako banda alas-diyes. Hindi na rin ako kumain dahil tinatamad na ako. Nag-shower lang ako saglit at pagkatapos ay humiga na sa aking papag. Kinabukasan ay maaga akong nagising upang maagang makapagsimula sa aking trabaho. Kasalukuyan kong isinuot ang aking bota nang may kumatok sa labas ng pinto. Dali-dali ko naman itong binuksan. "Magandang umaga Kayr." Bati ni Tatay Rod. "Magandang umaga rin po Tay." "Kayr, ikaw na muna ang bahala sa mga hayop, may inuutos si donya sa bayan." aniya. "Ah... sige po Tay." Nakangiti kong tugon, but deep inside I felt nervous. Dahil ang dami pa naman ng mga hayop na aking babantayan. "Meron ka bang ipapadala?" "Opo! Meron Tay. Baka puwedeng magpapabili ng kutson kahit manipis lang." "Sige..." turan niya. Dali-dali naman akong pumasok sa kuwarto para kumuha ng pera. Pagkaalis ni Tatay Rod, ay umalis na rin ako. Medyo kinabahan ako ng konti dahil ako lang mag-isa. Ang una kong binuksan ay ang kulungan ng mga baka. "Oh...GOD!" Napatakbo ako ng mabilis nang matapos kong buksan ang kulungan sapagkat halos sabay-sabay silang nagsilabasan ang laki pa naman ng mga ito. Pagkatapos ay ang kulungan naman ng mga kambing at tupa. "Magpakabait kayo sa labas ha... maawa kayo sa akin dahil ako lang mag-isa." Nakangiti kong sabi sa mga hayop. "Meeee!" Para naman akong naintindihan dahil sumagot ito. "Good! Dahil naintindihan ninyo ako, sige...kumain kayo at magpakabusog." Sabi ko ulit. Ang huli kong pinuntahan ay ang kulungan ng mga kabayo. "Magandang umaga sa lahat! Gutom na ba kayo?" Tanong ko sa kanila. At nag-iingay naman ang mga ito. "Ow?! Naintindihan niyo rin ako?" tanong ko sabay bigay ng kumpay. Tiningnan ko ang itim na kabayo at napansin kong medyo malungkot ito. Maingat akong lumapit dahil sabi ni tatay maldito daw ito. "Bakit ka malungkot? Namiss mo ba ang amo mo? Pasensyahan mo muna ha kasi nagluluksa pa siya e..." sabi ko at sinubuan ko siya sa kaniyang pagkain. Pagkatapos ko silang asikasuhin ay nagpunta naman ako sa kumpayan, kahit papaano'y nakayanan ko ang hirap sa aking ginagawa at nalabanan ko ang isang araw na magbibilad sa sa ilalim ng init. Sumapit ang hapon at muli ko silang ibinalik sa kulungan at buti na lang ay matatalino ang mga hayop dito dahil madaling mapasunod. Nang maisarado ko na ang kanilang kulungan ay ibinalik ko ang susi sa lalagyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD