"A... ganon ba?" anito
"Opo." turan ko.
"Kawawa 'yung sinapit ng pamilyang Down. Nabalitaan mo ba 'yun?" Tanong ng driver.
"Wala po manong, hindi kasi ako tagarito bakit anong bang nangyari?" Tanong ko dahil naingganyo ako sa kaniyang kuwento.
"Car accident ang nangyari, nawalan ng break ang trak at tamang-tama naman na ang sasakyan ng mga Down ang nakasalubong. Nakaligtas ang mag-ama pero ang asawa ay hindi nakaligtas ang masaklap pa ay nasama sa pagsabog ng kanilang kotse." Mahabng kuwento ng driver.
Bigla naman akong kinilabutan sa aking narinig. "Ang saklap naman manong." babi ko.
"Dito na tayo sir." aniya.
"Salamat po!" Tugon ko sabay abot sa aking bayad.
"Hihintayin po ba kita sir?" He asked.
"Sige manong." saad ko, baka kasi hindi ako matanggap
Kumatok ako sa malaking gate at agad namang sumilip ang guwardiya.
"Ano po ang atin?" tanong niya agad.
"Good morning! Nakita ko kasi ito mag-apply sana ako." turan ko.
"Pasok po kayo." Saad ng guwardiya sabay tawag niya sa telepono.
"Sumunod po kayo sa akin." aniya, nang matapos silang mag-usap sa kabilang linya.
Sumama naman ako at natanto ko na sobrang lawak pala ang loob at napakagandang lugar. Ang akala ko'y simpleng lugar lang pero sobrang ganda talaga.
"I am sure na mag-enjoy ako dito and I was hoping na matanggap ako." Bulong ko sa aking sarili.
"Sir, umupo ka muna, hintayin mo si Donya Marlyn, at lalabas na 'yon." Pahayag rito.
"Sige po... salamat." tugon ko.
Mga ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas na ang isang matandang babae. Tumayo ako bilang pagbibigay galang rito.
"Magandang araw ma'am." bati ko.
"Magandang araw rin sa'yo. Please sit down."
"Thank you ma'am." tugon ko at muling umupo.
"So... ikaw ang nag-apply bilang Pastolero?" She asked.
"Yes ma'am."
"Kaya mo bang gawin ang lahat ng gawain dito?" Seryoso niyang tanong.
"Kaya po ma'am... kung tuturuan lang ako sa dapat kong gawin dito." sagot ko.
"Actually... may mga kasama ka naman dito at hindi naman mahirap ang mga gawain." sabi niya.
"Kahit mahirap po ma'am... susubukan kong kayanin." turan ko.
"Good! Anyway, ano pala ang pangalan mo?"
"My name is Kayr Cordova, ma'am." Pagsisinungaling ko.
"I am Marlyn Down... sana pagbutihin mo ang mga gawain dito." aniya.
"Opo ma'am! Makakaasa po kayo sa akin."
"Mabuti naman kung ganoon. Tanggap ka na."
"Sobrang thank you po ma'am." Masaya kong saad.
Natanggap ako sa Hacienda at sobra-sobra ang aking tuwa. Pinasamahan ako ni Donya Marlyn sa katulong na may edad na rin at hinatid niya ako sa magiging tahanan ko.
"Ito ang magiging tahanan mo." turan ng kasambahay.
Isa itong kubo pero maganda at may kalakihan naman may sariling banyo, kusina, kuwarto at sala. Malapit-lapit lang ito sa mansion sa magkabilang gilid naman ay mga kubo rin katulad ng design sa akin. Tantiya ko nito ay mga tahanan ito ng mga trabahador.
"Salamat po!" Nakangiti kong sabi sa ginang.
"Nanay na lang ang itawag mo sa akin at ako pala ang mayordoma dito." Pakilala niya.
"Sige po Nay. Ako naman po si Kayr."
"Kayr, kapag may kailangan ka ay ipagsabi mo lang agad sa akin. Libre ka sa lahat dito. Sa isnag buwan ay meron kang isang sakong bigas at meron ring ulam." Pahayag niya.
"Okay po Nay... maraming salamat."
"OH MY GOD!" bulalas ko, dahil naalala ko ang driver na naghihintay pala ito sa labas tiningnan ko ang aking relo.
"OH NO! Almost one hour na pala si manong sa labas!" Nag-panic ako dahil nakakahiya kay manong, patakbo akong nagtungo sa labasan at bitbit ko ang isang libo.
"Guard, nandiyan pa ba ang taxi sa labas?" tanong ko nang makalapit ako.
"Yes sir!"
"Puntahan ko muna saglit guard, iabot ko lang itong aking bayad."
"Sige po."
"Manong, pasensiya na po kayo ha medyo natagalan ang aming pag-uusap." Nahihiya kong sabi sa may edad na driver.
"Okay lang po sir. Natanggap po ba kayo?"
"Opo!"
"Mabuti naman kung ganoon sir."
" Thank you manong. Hito pala ang dagdag bayad ko, diyan na po iyan." Sabay abot ko sa isang libo.
"Naku! Masyadong malaki ito sir... limang daan na lang po." Sabi niya at natuwa naman ako sapagkat hindi ito abusadong driver.
"Sa'yo na po iyan manong, hihingin ko pala ang phone number mo para may kontak ako kapag nagpupunta ako sa bayan."
"Ay! sige po sir!" Isinulat niya ang numero sa isang maliit na papel sabay abot niya sa akin.
"Thank you po!" I said with a smiled.
"Welcome sir!" Tugon naman niya at pagkatapos ay umalis na.
Nang makabalik ako sa loob ng kubo ay agad kong inayos ang aking mga gamit sa kabinet at maya-maya pa'y may kumatok sa labas ng pinto.
Dali-dali akong nagtungo sa pinto para tingnan kung sino ang kumatok.
"Nay, ikaw pala." saad ko.
"Hito pala ang magiging uniporme mo free size iyan. Pinapasabi ni Donya Marlyn na bukas ka na raw mag-umpisa at sa ngayon ay magpahinga ka muna." Pahayag nito.
"Sige po Nay... salamat sa paghatid nito." nakangiti kong tugon.
"Walang anuman..." at pagkatapos ay akma na siyang babalik sa mansion.
"— Nay, saan ka pala tumutuloy?" Pahabol kong tanong.
"Diyan ako sa kabilang kubo... kasama ko ang aking pamilya may anak akong babae kasing edad mo lang. Bukas, ang asawa ko ang magtuturo sa'yo kaya kailangan ala-singko gising ka na." Bilin niya sa akin.
"Opo Nay!"
Pagkatapos ay tuluyan na siyang bumalik sa mansion.
Dahil hapon na ay nagluto ako ng aking makakain at buti na lang ay may sariling lutuan ang kubo may refrigerator at telebisyon rin. Kaya hindi ako makaramdam ng pagkabagot.
Tiningnan ko ang ref at inilista ko ang mga stocks na wala sa loob nito. Pagkatapos kong makapaghapunan ay maaga na akong humiga sa aking higaan na kawayan.
This is my first time na humiga sa isang napakatigas na papag wala pang kalahating oras ay sumakit na ang aking buong likod. Kaya bahagya akong umupo at sumandal sa dingding na kawayan rin.
"Kawawa pala ang mga mahihirap." I whispered dahil ngayon ay naranasan ko na ang higaan ng mga mahihirap.
Wala akong balak na patagalin ang aking pagpapanggap kapag natutunan ko na ang lahat na gawaing bukid ay ipagtatapat ko rin kay Donya Marlyn ang tunay kong pagkatao pero wala akong balak na ipaalam sa kanila ang tunay kong katayuan sa buhay. Tama na muna na, malaman nila na isa akong babae 'yung lang muna. Madaling araw na pero hindi pa rin ako nakakatulog dahil sa sobrang sakit ng aking katawan.