Chapter 5

1101 Words
Habang papauwi na ako ay may biglang sumulpot na isang lalaki sa palikond daan. "Oh my God!" Bulalas ko sa pagkagulat. Dahil ang tulis ng mga tingin niya at ang hahaba ng kaniyang bigote sobrang gulo ang kaniyang mga buhok sa tingin ko ay para itong ermitanyo.  Sobra akong natakot dahil baka nangangain ito ng tao o baka gahasain ako. Halo-halong mga negatibo ang naglalaro sa aking isipan kaya napatakbo ako na wala sa oras. Nagpatuloy ako sa aking pagtakbo na lingon dito at lingon doon ang aking ginagawa. Hanggang sa malapit na akong dumating sa aking kubo, dumating na pala si Tatay Rod at agad niya akong tinanong. "Anong nangyayari sa'yo Kayr?" "T—tubig!" hinihingal kong sabi.  Patakbo naman si Tatay Rod sa loob ng kanilang kubo at kumuha ng isang basong tubig. "Anong nga ang nangyari sa'yo?!" Pag-alalang tanong niya sa akin. "— May nakasalubong akong ermitanyo Tay." Seryoso kong sagot na patuloy pa rin sa paghingal. Humalakhak ng tawa si Tatay Rod sa aking sinasabi. "Bakit nagkaroon ng ermitanyo dito?" " Ewan ko po Tay." "Tara, samahan mo ako at hahanapin natin." sabi niya. "Ay! ayaw ko tay!" Tugon ko. "Ikaw naman Kayr... para kang hindi lalaki." "Eh... lalaki ako Tay. Pero ayaw ko talaga." Napailing si Tatay sa akin at lumakad siyang mag-isa. Nagpahinga ako saglit pagkatapos ay nagtungo na sa banyo para makaligo. "Mahaba na pala itong buhok ko kaya medyo mainit. Hmmm— putulan nga kita," saad ko.  Naghalungkat ako sa drawer at naghanap ng gunting. "Buti na lang at meron." Sinimulan ko ang paggubit sa aking buhok humaharap ako sa salamin at dahil hindi ako marunong ang kinalabas ay hindi nagkapantay-pantay. "My gosshh! What happened?" Bulalas ko sa aking sarili dahil ang pangit tingnan. Napilitan na lang akong gawing short hair. Ang kinalabasan ay nagiging four- inches na lang ang aking buhok. "Oh! Looking handsome!" I whispered, then I smiled into myself. ISANG buwan ang nakalipas at nasanay na rin ako sa pamamastol at nagiging malapit rin ako kay Tatay Rod at sa kaniyang pamilya. Lalo na sa anak niyang dalaga na si Angeline. Dahil kauna-unahan kong sahod ay namimili ako ng makain namin sa hapunan at si Nanay Aneth ang aking pinapaluto para pagsaluhan namin ito. Balak ko na rin na magtapat sa kanila at siguro naman ay maintindihan nila ako. "Kayr... Kayr?" tawag ni Angeline sa akin.  "Bakit Angeline?" Dumungaw ako sa aking bintana at nakita ko siya sa may pinto na nakatayo. "Nakaluto na si Nanay... halika na." aniya. "Okay— coming!" saad ko. Nakahanda na ang lamesa nang makapasok na ako sa kanilang tahanan. "Wow! Ang bango ng luto mo Nay." Nakangiti kong sabi. "Salamat... Dito ka Kayr." wika ni Nanay at hinila niya ang isang upuan para sa akin. Nang matapos na kaming kumain ay huminga ako ng malalim para makahugot ng lakas. "Ummm... Nay Aneth, Tatay Rod... Angeline. M-may ipagtatapat sana ako." kinabahan kong panimula. "Ano iyan Kayr?" Tanong ni Nanay Aneth. "Tungkol saan ang ipagtapat mo Kayr?" Sabat ni Tatay Rod at tumingin siya sa kanilang anak. Sa isip siguro ni Tatay ay nabuntis ko ang kaniyang dalaga. "Oh! Bakit Tay?!" Gulat na tanong ni Angeline sa kaniyang ama sapagkat tinitigan siya. Pagkatapos tumitingin naman sa siya akin. "Tungkol po sa pagkatao ko..." panimula ko at nagkatinginan naman sila. "Sige, ituloy mo lang Kayr... makikinig kami." sabi ni Nanay. "Eh... kuwan... ano kasi— babae po ako. " Kinabahan kong pagtatapat sa kanila at nagtinginan na naman sila. "Patawarin niyo sana ako hindi ko naman intensyong lukuhin o magsinungaling sa inyong lahat. Nangangailangan lang talaga ako ng trabaho." Seryoso kong pahayag. Nagkatinginan silang tatlo na walang ni isang nagsasalita, kinabahan naman ako at nakaramdam ng konting takot sa aking sarili na baka hindi nila nagustuhan o hindi nila tanggap ang aking sinasabi. "Sabi ko na sa inyo Tay eh! Na babae si Kayr." Turan ni Angeline na bahagyang ngumiti. "Patawarin po ninyo ako nagawa ko lang naman ito dahil kailangan ko ng trabaho. Pag-uulit ko na may paawa epek.  "Naintindihan kita Kayr, humahanga ako sa'yo dahil nakaya mo ang gawaing panglalaki at maayos naman ang pinakita mong trabaho." Pahayag ni Tatay Rod. "Salamat Tay Rod. Nay Aneth?" sambit ko sa kaniya. Dahil hindi ito nagsasalita.  "Hmmm... naintindihan kita, pero kailangan mong magtapat kay donya Marlyn." Tugon ni nay Aneth. "Opo! Bukas na bukas rin po sasama ako sa inyo, pero Nay tulungan mo akong humarap kay donya Marlyn."  "Okay... walang problema." "Salamat Nay. By the way, Kaye po ang aking tunay na pangalan."  LUMUWAG ang aking pakiramdam nang maipagtapat ko sa kanila ang aking tunay na pagkatao. Tulad nang sinabi ko na ipagtatapat ko kay donya Marlyn ang aking lihim. Kaya kinabukasan bago ako nagsimula sa aking mga gawain ay sumama ako kay Nanay Aneth sa malaking bahay. Hinarap naman ako ng maayos ni donya at sinabi ko sa kaniya ang totoo. "It's okay, I undrstand and I don't have any reason para magalit sa'yo. Dahil ginawa mo naman ng maayos ang iyong trabaho." Nakangiting paghahayag ni donya Marlyn.  "Thank you so much donya Marlyn." Masaya kong saad sa kaniya.  Nakaluwang ako ng malalim ng makalabas ako sa malaking bahay. "YES! I'M FREE!" Sigaw ko.  Nagiging masaya ang aking buong araw dahil malaya na ako. Kinahapunan nang makarating ako sa aking kubo ay nakita ko sila Tatay Rod sa labas ng kanilang kubo. May kasama siyang isang lalaki. Sa tanto ko ay nag-iinuman sila, hindi ko agad namukhaan ang kaniyang kainuman dahil nakatalikod ito. "Kayr... halika dito saglit." Tawag ni Tatay sa akin at lumapit naman ako.  "Magandang hapu— " Putol kong sasabihin sapagkat ay nagulat ako sa aking nakita. "Ang ermitanyo?!" bulong ko sa aking sarili.  "Kayr, si sir Derick." Pagpakilala niya sa akin ngunit hindi ko alam na anak siya ni donya Marlyn at hindi ko rin alam na siya ang namatayan ng asawa.  "Oh! Kayr... shot ka muna." Alok sa akin ni sir Derick daw. "Naku! Sir, hindi po ako umiinom." Nakangiti kong tanggi. "Bakla lang ang hindi umiinom Kayr. Sige na... pagbigyan mo na ako." Pinagpilitan niya na iinom ako at inabot ang isang baso na may laman na alak. Napilitan akong tanggapin ang ibinigay ni sir Derick sa akin.  “Dito ka umupo...” alok niya sa akin at tingin ko lasing na ito. Bigla niya akong inakbayan at nagulat ako.  “Ouch!” Daing ko dahil may kabigatan ang braso niya.  “Sige na... i-shot mo na para makarami tayo." Utos ni Derick. Napatingin ako kay Tay Rod at bahagya naman siyang tumango.  "Ahhh... Sige po!" Napangiwi ang aking mukha pagkatapos kong tunggain ang baso. "See? Marunong ka naman palang uminom. Iyan ang tunay na lalaki!" Nakangiting saad ni Derick. "Hayyy... naku! Kaya naman pala nagmukhang irmetanyo itong loko-loko dahil sobrang lasinggero naman pala!" Bulong ko sa aking sarili. "Here, one more shot." alok na naman niya. "No thanks! Ayaw ko na sir." Sabi ko at akmang tatayo na sana ako. Ngunit muli niya akong pinaupo. "Huwag ka munang umalis Kayr dito muna tayo..." aniya na halos hindi na maintindihan ang kaniyang mga salita
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD