Nakahinga ako nang malalim dahil kahit papaano ay nakasigurado akong safety aking paglalakbay. Medyo may kalayuan pa pala ang bayan na pinuntahan nito sapagkat ay umabot nang apat na oras ang aming biyahe.
"Dito na tayo!" Sigaw ni manong dahil nasa likod ako nakaupo kasama ang kaniyang mga gulay na karga.
"Salamat po manong..." sabi ko
Derick's POV
"Ready na ba ang mag-ina ko?" sigaw niya.
"Yes, Daddy!" masayang tugon ng aking anak na si Martina at patakbo itong lumapit sa akin.
"Where is Mommy?" I asked.
"She's coming Dad," she replied.
"Mommy ... Mommy. Let's go na," tawag ko sa aking asawa.
"I'm coming, Dad!" she replied.
Her name is Vanissa, my beautiful wife. Mabait, maalaga at mapagmahal. That's why I really love her.
"Wow! You're so beautiful, Mommy!" puri ko sa kaniya.
"Hmmm ... binobola mo na naman ako, Dad..." she replied at sabay yakap niya sa akin.
"Kailan ba kita binobola, huh?" I asked.
"Let's go, Dad, Mom!"
Pangungulit ng aming anak.
Hanggang sa nakaalis na kami para sa aming family outing masaya kami habang nagbabiyahe. Puno sa tawanan at kulitan lalo na itong anak namin na sobrang makulit.
"WATCH OUT!" My wife shouted, but it was too late.
Sabay-sabay kaming napasigaw dahil sa isang malaking truck na sumalubong sa amin. Sa tanto ko ay may brake problem ang trak.
"s**t! Ahhh!" daing ko sa sobrang sakit ng aking ulo.
Bahagya ko itong kinapa at nang tingnan ko ang aking palad ay halos puno ito sa dugo.
"Daddy ... Dad ... Dad..." sambit ng aking anak at sa paglingon ko sa aking mag-ina ay kita ko agad ang aking asawa na naliligo sa kaniyang sariling dugo at yakap-yakap niya ang aming anak.
"Vanissa?! Martina?!" taranta kong sambit sa kanilang pangalan, dali-dali kong tinanggal ang aking seatbelt at nagmadali akong bumaba.
"Ahhh ... God!" sigaw ko dahil bigla akong bumagsak sa lupa sapagkat ay sobrang sakit ang aking isang tuhod.
Tiniis ko ang sakit upang masakluluhan ang aking mag-ina, paika-ika ako sa paglalagad hanggang sa makalapit na ako sa pinto nila. Agad ko itong binuksan at kinuha ang aking anak na may konting sugat.
"Slowly, honey..." sabi ko sa aking anak.
May mga nagmagandang loob naman na lumapit sa amin at agad kinuha ang aking anak.
"Mommy..." sambit ko sa aking asawa dahil sobra itong nanghina.
"D-dad..." pabulong niyang tugon.
"Come!" sabi ko sabay hila sana sa kaniya.
"Ahhh! No! No!" sumigaw siya na halatang nakaramdam ng sobrang sakit.
Napatingin ako sa kaniyang mga hita."HOLY s**t!" Napapamura ako nang malakas at hindi ko mapigilan ang mapaiyak. Dahil ang dalawa niyang paa ay nasagad sa pagkaipit.
"OH GOD! OH GOD! Help us, please. Please help!" Hindi ko na alam ang aking gagawin para na akong masisiraan ng bait. Pinagtutulungan naming baklasin ang nakaipit sa mga paa ng aking asawa.
May biglang nagsisigaw.
"Apoy! Apoy! Umalis na kayo diyan! Apoy! Apoy!" rarantang nagsigaw ang mga tao at tumakbo sila papalayo sa aking sasakyan.
"Umalis na ka na diyan!" sigawan ng mga tao.
May isang lalaki na bumalik sa aking kinaroroonan. "Sir, halika na! Iligtas mo na ang iyong sarili!" sabi ng isang sumaklolo sa akin
"No! Hindi ko iiwan ang asawa ko. Vanissa! Vanissa!" paulit-ulit kong sambit sa aking asawa dahil unti-unting pumikit ang kaniyang mga mata.
"Go! Go, Dad. Please — t-take care our daughter..." paanas at putol-putol niyang sabi sabay patak ng kaniyang mga luha.
"Hindi kita iiwan Vanissa! Halika na!" umiiyak kong tugon at pilit niya akong itinulak.
"Save your self para sa anak natin," dagdag pa nang aking asawa.
"Sir! Wala nang oras! Halika na!" Dalawang lalaki ang humihila sa akin.
Sakto lang ang paglayo namin ng kunti at biglang sumabog ang sasakyan kapwa kaming tatlong natapon.
"Vanissaaaa! Vanissaaaa!" Halos maubos ang aking boses sa kakasigaw dahil kasama ang aking asawa sa pagsabog ng aming kotse at kasama ang trak.
"Nooo! Noooo!" Halos mabaliw ako sa sinapit ng aking asawa at hinding-hindi ko matatanggap ang nangyari sa kaniya.
"Vanissa ... Vanissaaa!"
Patuloy pa rin ako sa pagsisigaw at hindi ko na alam kong ano ang aking gagawin.
"Daddy..." sambit ng aking anak na yumakap sa akin.
"Anak!" napahagulhol ako sa balikat ang aking anim na taong gulang na anak.
"Daddy, wala na si Mommy nasunog." inosenteng sabi niya.
"Wala na si Mommy anak, iniwan na niya tayo."
Patuloy ang aking paghagulgol habang mahigpit kong niyakap si Martina.
ISANG Linggo ang nakalipas after ng aming pagluluksa hito ako ngayon laging tulala at walang ganang makipag-usap, walang ganang kumain at mas lalong walang ganang humarap sa mga tao. Nasa kuwarto lang ako palagi at feeling hopeless after my loving wife's pass away.
"Vanissa... Please come back! I need you... I want you!" I shouted because I really missed her.
"Grandma... until when Daddy's always like that?" Martina asked.
"I don't know Martina." Malungkot na sagot ng aking ina.
"Grandma... I missed my Mom." Luhaang sabi ng aking anak.
"I missed her too Martina." She replied and hugged her grand-daughter tightly.
Dahil sa pagkawala ng aking asawa pati ang aming rancho ay napabayaan ko na.
Kaye's POV
Mula sa aking binababaan ay nagtanong-tanong ako sa aking mga nakasalubong kung saan ang bus terminal. Dahil gusto ko pang lumayo 'yung tipong malayong-malayo na hindi nila ako matunton. Hindi ko pa alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. "Pero bahala na," sabi ko sa aking sarili.
'WELCOME SAN RAFAEL!' ito ang nakalagay na pangalan sa bayan.
I don't know yet about this place pero dito ako magsisimula, dito ko gawin ang mga bagay na hindi ko pa naranasan sa aking buhay.
Agad akong naghanap nang pansamantalang maupahan kahit isang kuwarto lang. Nagtingin-tingin ako sa mga nakapaskil sa bawat poste at umaasa na may mahagilap akong trabaho na puwede ako.
'WANTED PASTOLERO' ito ang nakapaskil na trabaho na una kong nakita sa poste.
"Hmmm?" I was thinking to disguise myself and pretend as a man.
Bumili agad ako ng malalaking damit sumbrero at ilang piraso ng malalaking pantalon, 'yung tipong hindi ako magmukhang babae sa paningin ng iba. Pagkatapos ko itong nabayaran ay nagtungo na ako sa banyo para makapagpalit ng damit.
After I changed clothes ay nagpaikot-ikot ako sa salamin to make sure na hindi ako mahalatang babae. Pagkalabas ko ng tindahan ay pumara agad ako ng taxi at nagpahatid sa lugar na nakasaad sa papel.
"Sir, kamag-anak ka ba ng mga Down?" Tanong ng driver.
"Buti na lang hindi ako nahalatang babae." Bulong ko sa aking sarili bago sumagot sa kaniya. "A... hindi po manong. Mag-apply ako doon bilang bastolero" I replied at sinadya ko pang lakihan ang aking boses.