"Eh! May trabaho pa ako bukas sir Derick." Paliwanag ko para lang payagan niya akong makapasok na sa loob.
"A — iyan lang ba ang problema mo? Huwag ka nang pumasok bukas I'll pay you tomorrow," he said.
"Naku! Wala na talaga ito sa katinuan," bulong ko.
"Sige na Kayr!" Pamimilit niya sa akin kaya napilitan akong tanggapin na naman ang baso at agad kong ininom.
"A ... sir Derick, babalik ako, ha. Magpalit lang ako ng damit masyadong mainit, eh." Pagdadahilan ko na naman.
"O—sige. Pero balik ka agad." Parang batang nakikiusap ito
"Opo! Tay Rod, babalik ako," sabi ko na bahagya ko siyang kinindatan.
"Sige, Kayr," tugon naman ni Tatay.
Dali-dali akong pumasok sa banyo at naligo dahil pakiramdam ko ay nalasing ako. Nang matapos na ako ay agad ng humiga at hindi na ako bumalik sa labas. At maya-maya pa'y narinig ko ang pagtawag ni Derick sa akin.
"Kayr ... Kayr... labas ka na dito!" Sambit niya sa akin at pumasok ito sa aking kubo.
"Naku! Hindi ko pala nai-lock ang pinto!" bulalas ko.
"Kayr ... Kayr!" tawag na naman niya na parang nasa sala na ito.
Ingat na ingat akong tumakbo patungo sa pinto ng aking kuwarto dahil hindi ko rin ito nai-lock. Tamang-tama naman na sa aking pag-lock ay inikot niya ang door knob. Kumatok siya nang paulit-ulit.
"Kayr, ang daya mo, dude!" turan ni Derick. Pero hinayaan ko lang siya dahil sobra na itong lasing.
Biglang tumahimik sa labas kaya bahagya ko itong sinilip sa pag-akalang umalis na ito. Ngunit nasa sala siya at nakatulog sa upuan.
"Ehem!" Agham ko at may naisip akong gagawin sinubukan ko itong gisingin pero talagang mahirap ng magising
Dali-dali akong pumasok sa banyo at kinuha ang gunting pati ang aking shaver. Maingat akong lumapit sa kaniya.
"Hmmm... sorry sir Derick, but I need to do this. kasi natatakot ako sa iyong mukha!" Nakangiti kong sabi sa mahinang boses.
Kahit hindi ako marunong ay sinimulan ko pa rin ang paggupit sa kaniyang mahabang buhok. "Bahala na!" Paanas kong sabi habang isinagawa ko ang paggupit sa kaniya.
"Ayan! Kahit hindi pantay at least hindi ka na mukhang irmetanyo." Bulong ko na naman.
Nang matapos ko siyang gupitan ay sinunod ko naman ang kaniyang three-inches na balbas. Maingat ko itong inahitan para hindi siya basaktan.
"Vanissa... asawa ko... Vanissa... mahal na mahal kita." Paanas niyang sambit sa pangalan ng babae. Napahinto ako sa aking ginawa."Oh... poor husband. Siya pala ang anak ni donya Marlyn. Ang tinutukoy ni manong driver." Bigla akong nakaramdam ng awa sa kaniya nang makita ko ang pagpatak ng kaniyang mha luha.
Ingat na ingat ko itong pinunasan at itinuloy ko ang pag-alis sa kaniyang mga balbas. "You look so handsome..." bulong ko nang matapos kong ahitan ang kaniyang balbas.
"I called him irmetanyo, pero napakaguwapong lalaki pala niya." I whispered.
Bago ako natulog ay kinumutan ko muna siya at pagkatapos ay pumasok na ako sa aking kuwarto. Kinabukas paglabas ko ay nadatnan ko pang tulong si sir Derick hindi ko na siya ginising at maingat ako sa aking mga galaw upang hindi siya magising. Nang matapos akong makapag-almusal ay umalis na ako at dala ang aking baon. Iniwan ko siya na nanatiling tulog pa....
Derick's POV
"s**t! Sakit ng ulo ko—. Kaninong kubo ito?" Sinubukan kong ipinikit ang aking mga mata para maalala kung sino ang aking kainuman kagabi.
"Si Tatay Rod at 'yung bago naming trabahador." Turan ko sa aking sarili. Kahit masakit ang aking ulo ay bumangon na ako at lumabas sa kubo naglakad ako pauwi sa bahay.
"Derick?!" Gulat na tanong ni Mama.
" Pasensya na Ma, nakatulog ako sa labas.
"Saan ka na naman nakatulog?" Nakangiting tanong niya.
"Doon sa bagong trabahador." tugon ko.
"I'm so happy anak, dahil nakita kitang muli na ganyan ang itsura mo."
"Bakit?" Pagtataka kong tanong.
"Wow! Daddy ang guwapo niyo po!" Masayang sabi ng aking anak sabay yakap.
"Thank you honey." Saad ko sabay halik sa kaniya.
"Gusto mo bang kumain?" Tanong ni Mama.
"Mamaya na Ma, gusto ko munang matulog." Wika ko at pagkatapos ay pumanhik na sa aking kuwarto para maligo.
Lumaki ang aking mga mata nang makita ko ang aking mukha sa harap ng salamin, napahawak ako sa aking mukha at sobra akong nagulat. "Ako ba ang nag-ahit?" I asked myself.
Kahit paulit-ulit kong iniisip kung ako ba ang naglinis sa aking mukha ay hindi ko talaga matandaan. "Pero,baka ako nga." I whispered.
Nagtungo ako sa aking kama at humiga hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
"Daddy... please, move on ka na at harapin mo ang bukas, pinabayaan mo na ang ating anak. Nalulungkot ako Daddy. Mahal na mahal ko kayo... mahal na mahal kita!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa aking panaginip.
"Mommy, I'm sorry. Yes! You're right. I need to move on for the sake of out daughter." Luhaan kong sabi.
Bumangon ako at naligo. Inayos ko rin ang pagkaahit sa aking balbas, nang matapos ay nag-ayos ako sa aking sarili. Nagsuot ako ng presentableng damit at pagkatapos ay bumaba na ako.
I saw my daughter, she was playing alone and talking her doll. Nakaramdam ako ng sobrang awa at hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapaluha dahil napakabata pa niyang naulila sa ina.
"Honey." Sambit ko sa aking anak.
"Daddy!" Tumakbo siya patungo sa akin at agad yumakap.
"I'm so-sorry honey... I'm sorry." Paghingi ko ng tawad dahil napabayaan ko siya.
"I love you Daddy..." she said.
"I love you too!" I replied.
Masaya ang aking ina nang makita niya na unti-unti na akong bumabalik sa dati.
"Derick," sambit ng aking ina.
"I'm sorry Ma." saad ko.
"It's okay son... It's okay." She said and she's hugging me sternly.
Nagpaalam ako sa aking ina, sinabi kong pupunta lang ako sa saloon. Para ipaayos ang aking gupit.
Kaye's POV
"Tay, saan ba natin ibibilad itong mga palay?" Tanong ko.
"Doon na lang banda sa may mansion para mas madali nating mai-sacking." Tugon ni Tatay Rod.
Tumulong ako sa pagbubuhat ng mga nakasakong palay at ganoon rin si Angeline. Hindi naman masyadong mabigat dahil tigkalahati lang ang laman nito.
"Kaya pa Kaye?" Nakangiting tanong ni Angeline sa akin.
"Oo, kaya pa naman." Hinihingal kong tugon.
Dinala namin ang mga palay sa sementadong bahagi kung saan dumadaan ang mga sasakyan nila donya Marlyn, hanggang sa natapos kami sa paghahakot. Medyo nakaramdam naman ako ng pananakit ng buong katawan dahil nakailang balik rin kami ni Angeline.
"Alam mo Kaye?" Tanong ni Angeline.
"Hindi pa!" Pagbibiro kong sagot at natawa naman siya.
"Loka!" aniya.
"Just kidding." tugon ko at sabay tawa.
" Namiss ko ang dating sir Derick, dahil noon lagi niya akong isinasama sa labas kasama si ma'am Vanissa." aniya.
"REALLY? Saan naman kayo nagpupunta?" I asked.