Ayeza's POV "Oh ito, Ryle, kapag nagutom ka mamaya buksan mo lang ang lunch box na 'to hah," pagpapaalala ko sa kanya habang inaayos ang lunchbox sa lamesita. Alas kwatro na ng hapon at pinakain ko na rin siya para bago ako pumasok sa trabaho ko. Naghanda rin ako ng ekstrang pagkain para sa kanya kung sakaling magutom siya. "Hindi na 'yan mainit mamaya pero sigurado naman ako na masarap pa rin," nakangiting saad ko at humarap na kay Ryle na nakaupo sa kama. Ako ang nagluto ng adobong baboy na nilagyan ko pa ng nilagang itlog. Sinangag ko rin ang kanin para mas masarap. Hinandaan ko na rin siya ng lemon juice. "Wala ka bang cellphone?" tanong ko sa kanya. "Wala. Naiwan ko 'yon sa kotse kong naka-park pa sa parking lot ng bar," sagot niya. Inilabas ko naman ng cellphone ko at inabot i