Ayeza's POV "Ready ka na ba? Sure ka na ba? Pwede pang magbago isip mo," saad ko kay Ryle. Nakaupo si Ryle sa plastic na silyang ipinasok ko dito sa banyo ng ospital. Nakaharap siya sa salamin habang ako naman ay nasa likod niya na may hawak na gunting at suklay. Bumili ako ng gunting na para sa buhok talaga at nanood na rin ako sa youtube pero hindi pa rin ako sigurado kung maayos ko ba siyang magugupitan ng buhok. "Alam mo pwedeng pwede naman tayong maghintay hanggang sa maka labas ka para magkaroon ka ng siguradong maayos na gupit—" "Simulan mo nang gupitin ang buhok ko. Alam ko naman na magugustuhan ko ang gupit na gagawin mo," aniya. Nagtagpo ang mga mata naming dalawa sa harapan ng salamin at ngumiti siya sa akin. Ngiting walang pag aalinlangan kahit na ang buhok niya ang naka