Ayeza's POV "Nabusog ka ba?" tanong niya sa akin habang nililigpit ko ang pinagkainan naming dalawa. Nag pabili kasi ako kay nurse Aj ng pagkain namin sa labas dahil kulang ang binili ko. Pero pera na niya ang ginamit namin. Hindi rin naman siya nag reklamo na sa karinderya lang ang pagkain na binili namin. "Oo," sagot ko. Inilagay ko sa plastic ng basurahan ang mga paper plate at disposable cup na ginamit namin. Nilinis ko rin ang lamesa para walang kalat. "Ikaw na busog ka ba? Nasarapan ka ba sa pagkain ng karinderya?" natatawang tanong ko sa kanya. Mayaman siyang tao kaya imposibleng alam niya ang mga pagkain sa karinderya. Baka nga hindi pa sanay ang lalamunan niya sa mga gano'n klase ng pagkain. "Oo namam. Marunong naman akong kumain ng lutong bahay at kumain sa isang karindery