Ayeza's POV
"Girl, bakit hindi ka umuwi kagabi sa apartment natin?" tanong sa akin ng bestfriend kong si Agatha.
Nagbibihis ako habang nakaharap sa locker ko at siya naman ay nakasandal sa katabing locker ko.
"Walang kasama si Ryle sa ospital. Hindi ko rin naman siya magawang iwanan," sagot ko sa kanya.
Mag-isa lang rin naman ako sa bahay na matutulog dahil shift niya sa bar kaya binantayan ko na lang sa hospital si Ryle. Sigurado kong makukulto siya kasi mag isa lang siya kaya sinamahan ko.
"Ryle? Sinong Ryle?" kunot noong tanong niya sa akin.
Inayos ko ang pagkakapusod ng buhok ko matapos kong magpalit ng damit at humarap sa kaibigan ko.
"Si Ryle, 'yong lalaking tinulungan natin sa labas ng bar," sagot ko sa kanya.
Hindi ko pa kasi nasasabi sa kaibigan ko ang pangalan ng lalaking 'yon dahil palaging salubong ang shift namin at minsan lang kami makapag kwentuhan ng matagal.
"Wow hah!" sarcastic niyang saad.
Napakunot noo naman ako sa kanya at isinukbit ko na ang bag ko sa balikat ko.
"Porket gwapo, sinamahan mo na agad sa ospital kahit hindi mo naman kilala," natatawang saad niya. "Mukhang marunong ng lumandi ang kaibigan ko."
Lumapit ako sa harapan niya at mabilis na kinaltukan ang noo niya dahil kung ano ano na naman ang pumapasok sa isip niya. Napahawak naman agad siya sa noo niya na kinaltukan ko.
"Anong gwapong pinagsasabi mo diyan? Tinulungan ko 'yong tao dahil kailangan niya ng tulong at hindi dahil sa gwapo siya," asik ko.
Kahit naman kasi hindi ko pa nga nakikita ang mukha niya noon pero tinulungan ko pa rin siya sa mga taong gustong pumatay sa kanya.
Wala naman akong pake sa itsura ng taong tutulungan ko. Ang gusto ko lang ay makatulong kay Ryle hanggang sa makalakad ulit siya. Gusto ko siyang makita na malayang nakakalakad ng walang pumapatay sa kanya o nagtangka sa buhay niya.
"Anyway..." Kumapit si Agatha sa braso ko. "Tanong mo naman si Ryle kung meron siyang kaibigang gwapo. Pareto naman sana," saad niya.
Mabilis kong inalis ang braso niya sa braso ko at muli ko siyang kinaltukan sa noo.
"Ikaw itong puro gwapo kaya palagi ka na lang iniiwan," sambit ko.
Panay kasi mga gwapong ang ex niya pero lahat naman niloko siya at iniwang luhaan pero ang kaibigan ko wala pa rin kadala-dala sa mga gwapong manloloko.
"Aalin mo naman ang gwapo kung niloloko ka naman? Try mo naman kasing maghanap 'yong pangit naman or 'yong may itsura basta maayos ang ugali!" Ani ko.
Mas gugustuhin ko ang lalaking may magandang ugali kesa sa lalaking gwapo na mas masahol pa sa aso ang ugali at sasaktan lang din naman ako. Dapat doon din tayo sa lalaking kaya tayong buhayin hindi 'yong puro pa gwapo lang pero babaero naman.
"Ayoko 'no!" anas niya at umirap pa sa akin.
Napailing na lamang ako sa kakulitan ng kaibigan ko na alam ko balang araw matatauhan din sa katangahan niya sa mga gwapong lalaki.
"Bahala ka. Aalis na ako," pag papaalam ko sa kanya.
Alas dose na rin ng gabi kaya sigurado akong tulog na ang pasyenteng pupuntahan ko.
"Uuwi ka ba sa apartment natin?" tanong niya sa akin.
Napakibit balikat na lamang ako bilang pagsagot dahil hindi ko naman sigurado kung kaya kong iwanan si Ryle. Nakakaawa kasi siya dahil mag isa lang siya doon sa hospital.
Sigurado rin ako na wala siyang ibang nakakausap sa ospital dahil nakakatakot ang laki ng katawan niya. Minsan pa naman ang sungit niya talaga.
"Di ka sure?" nagtatakang tanong sa akin ni Agatha. "So, magbabantay ka ulit sa ospital?"
"Baka," tanging sagot ko.
Siguro kung nakita niya lang ang lagay ni Ryle sa ospital baka maawa rin siya. Sigurado kong gugustuhin niya rin na bantayan ang binata dahil mag isa lang ito doon.
"Bakit parang ginagawa mo yatang hotel ang ospital—"
"Manahimik ka diyan, Agatha!" pagbabanta ko sa kanya.
Alam ko na kung saan patungo ang sasabihin niya at ayokong marinig mula sa kanya dahil masyadong malaswa. Mataas ang pagpapahalaga ko sa puri ko at hindi ko basta-basta na lang ibibigay.
"Aalis na talaga ako at simulan mo na rin ang trabaho mo dahil maraming customer sa labas. mag-ingat ka nga lang dahil sigurado mga lasing na yan," saad ko.
Hindi kasi nawawala ang away dito sa sa bar na pinagtatrabahuhan namin lalo na at gabi-gabi na maraming naglalasing dito.
"Ingat ka rin, Ayeza. Baka mamaya kainin ka ni papa boy."
Napakagat labi ako at napapikit para pigilan ang sarili ko na makaltukan na naman ng malakas itong kaibigan ko. Minulat ko ang mga mata ko at wala na akong nakitang Agatha sa harapan ko.
Mukhang kumaripas na siya nang takbo dahil alam niyang nagpipigil lang ako kapag ganito na ang itsura ko.
Naglakad na rin ako palabas ng kwarto na pinag bihisan ko at nagtungo sa pintuang nasa likod ng bar.
Paglabas ko ng bar, napalingon ako sa kaliwa at kanan ko para siguraduhin walang taong pinagkakaisahan na naman.
Lumakad ako ng matiwasay sa madilim na parte ng likod ng bar pero hindi ako nakaramdam ang takot dahil sanay na ako sa mga ganito. Hindi rin naman ako takot sa taong gustong pagsamantalahan ang puri ko dahil siguradong sa kalye lang sila pupulutin.
Pagdating sa sakayan ng jeep agad akong pumara ng jeep na patungo sa hospital. Nakaramdam ako ng antok pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka mamaya manakawan pa ako dito sa jeep. Nagbayad na rin ako ng pamasahe kong otcho pesos bago ko pa makalimutan.
Halos sampung minuto ko rin pinigilan ang sarili ko na huwag antukin.
"Para po," sambit ko ng tumapat ang jeep sa ospital.
Huminto naman ang jeep kaya agad akong bumaba pero hindi muna ako pumasok sa ospital at naglakad muna ako papunta sa malapit na karinderyang bukas pa ng ganitong oras.
Hindi pa kasi ako nag hahapuhunan dahil wala namang break time ang bar na pinagtatrabahuhan ko. Hindi ko rin naman nakalimutan na sabihan ang mga nurse na bigyan ng pagkain si Ryle pagsapit ng hapunan. Malamang kanina pa siya nakakain at tulog na 'yon ngayon.
Pero kahit tulog na siya gusto ko pa rin na samahan siya. Tinatamad na rin akong umuwi sa apartment namin dahil mag isa lang din naman ako doon.
"Ano sa'yo ineng?" agad na tanong sa akin ng tindera pagkalapit na pagkalapit ko sa harapan ng lamesa niya.
Isa-isa kong binuksan ang mga takip ng kaldero para tingnan kung ano ang ulam na tinitinda niya. Lahat 'yon mukhang bagong luto lang para ngayong madaling araw.
"Isang pritong tilapia saka isang kanin po," sagot ko. "Pakibalot na lang po at pahingi na rin po ng sabaw ng sinigang."
"Oh sige sandali," saad niya.
Habang inaayos ng tindera ang pagkain in-order ko, dumukot naman ako mula sa bag ko ng perang pambayad. Hinanda ko ang isang daang buo para sa babayaran ko.
"Oh ito na." Inabot sa akin ng tindera ang isang pulang supot na may lamang isda, kanin at sabaw. "60 lahat."
Inabot ko na sa kanya ang isang daang buo at naghintay ng sukli. Dumukot ang tindera sa arinola ng dalawang bente at agad inabot sa akin.
Kinuha ko ito at naglakad na patungo sa harapan ng ospital na ilang hakbang lang ang layo.
Pagkarating ko sa harapan ng ospital. Nag log in muna ako sa isang malaking notebook bilang bisita ng pasyente at lumakad na ng tuluyan papasok na ospital.
Bago ako pumunta sa mismong kwarto ni Ryle, dumaan muna ako sa nurse station at hinanap agad ang nurse na sinabihan ko tungkol sa pagkain ni Ryle.
"Nurse Aj." Napaangat ang tingin sa akin ni nurse Aj at agad siyang nakapatayo sa silya niya.
"Ayeza, mabuti naman dumating ka na. Kanina pa kita hinihintay," nakangiting saad niya.
Siya ang nurse na naka-duty tuwing gabi kaya siya ang hiningan ko ng tulong para sa pagkain ni Ryle.
"Kumusta naman si Ryle? Nakakain ba siya ng maayos?" tanong ko.
Lumabas siya mula sa front desk at naglakad patungo sa sabi ko kaya hinarap ko siya.
"Ayaw niyang kumain. Ikaw ba kumain ka na—"
"Ayaw kumain?!" nag-aalalang tanong ko. "Hindi pa siya kumakain simula kaninang iwanan ko siya?"
"Oo e. Lahat sinusungitan niya at hindi niya tinatanggap ang kahit anong pagkain—"
Hindi ko na pinakinggan pa ang iba niyang sasabihin at mabilis na tumalikod sa kanya. malaki at mabilis ang bawat paghakbang na ginagawa ko makarating lang agad sa kwarto ni Ryle dito sa ospital.
Pagkatapat ko sa pintuan niya agad ko itong binuksan at handa na sana siyang bulyawan dahil hindi niya kinain ang pagkain pero para akong nanlambot sa nakita ko.
Mahimbing siyang natutulog sa kama ng ospital kaya dahan-dahan kong isinara ang pinto at maingat na naglakad palapit sa kama niya para hindi makagawa ng ingay.
Ipinatong ko sa lamesa ang supot na dala ko at naupo sa gilid ng kamay niya. Napatingin ako sa kumot niyang nakababa sa bewang. Itinaas ko ito hanggang sa dibdib niya.
"Blythe."
"Ang butike!"
Mabilis akong napatayo sa gilid ng kama ng makita kong dilat na si Ryle.
"Bakit ka ba nang gugulat? Akala ko tulog ka," hinihingal na sambit ko at napahawak pa sa dibdib ko.
Akala ko tumalon na ang puso ko palabas sa loob dahil sa sobrang gulat.
"Buti dumating ka na. Kanina pa kita hinihintay," aniya.
Hindi man lang niya pinansin ang pagkagulat ko. Naalala ko naman muli na hindi pa pala siya kumakain simula kanina.
"Bakit ka pala hindi mo kinain 'yong mga pagkain na binigay ng nurse? Binayaran ko pa 'yon hah..."
Sayang naman ang perang binayad ko kasi hindi naman pala niya kinain. Isang daang piso rin iyon. Malaking bagay na para sa akin na maliit lang para sa kanyang mayaman.
"Sayang naman. Inalala pa naman kita ng hapunan pero di mo naman kinain kahit konti lang," punong-puno ng panghihinayang ang boses ko.
Sa mundong puro kayamanan, mundo ko naman puro kahirapan pero na gagawa ka pa rin tumulong.
"Sorry, Blythe..." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kama. Pinaupo niya ako sa gilid ng kama at ito na naman siya sa kamay ko na ayaw niyang bitawan. "Hindi ko alam na sa'yo pala galing ang pagkain na 'yon."
Sigurado ako nakokonsensya na siya. Mukhang sumobra yata ako sa sinabi ko na panghihinayang dahil nakaramdam siyang konsensya.
"Wala rin kasi akong tiwala sa mga tao dito. Baka mamaya may droga na naman ang kainin ko," aniya.
Niyakap ko na lamang siya dahil alam kong wala na siyang tiwala sa mga taong nasa paligid niya. Sobrang hirap para sa tulad niyang palagi mapanganib ang buhay na magtiwala kaya naiintindihan ko siya.
"Ikaw lang ang kaya kong pagkatiwalaan, Blythe."
May tiwala pa rin siyang natitira at masaya akong para sa akin 'yon. Sobrang sayang isipin na may isang tao na nagtitiwala sa akin.
"Ikaw lang ang kaya kong pagkatiwalaan ngayon, Blythe. Alam mo kung gaano ka delikado ang buhay ko ngayon. Ikaw lang ang pag-asa ko ngayon, Blythe."
Mukhang wala na talaga kong magagawa kung 'di ang manatili na lamang dito sa ospital para samahan siya. Ayos lang naman sa akin na matulog sa sofa ng kwarto dito sa ospital.
"Sasamahan na lang kita dito. Ako na rin mismo ang mag-aakisikaso ng pagkain mo para naman makakain ka," saad ko pa.
Hihiwalay na ko sa kanya mula sa pagkakayakap ng bigla niyang higpitan ang paghagkan sa akin. Dinala niya ang kamay niya sa buhok ko at marahan itong hinihimas.
"Salamat sa pananatili sa tabi ko. Hindi ka umalis kahit na hindi mo naman ako kilala. Masyadong ka ng maraming na tulong sa akin. Sigurado akong babawi ako sa'yo."
Napangiti ako at dinama na lamang ang mainit na yakap niya sa akin. Ang yakap ng isang estrangherong lalaki sa buhay ko na bigla na lang sumulpot sa buhay ko.
"Tutulong ako hanggang sa kaya ko at hindi ako naghihintay ng kapalit. Ang gusto ko lang ay makalakad ka ulit at mahanap ang taong gustong pumatay sa'yo. Gusto ko rin na sana dumating ang araw na wala ng magtatangka sa buhay mo at magkaroon ka ulit ng tiwala sa mga tao sa paligid mo," sambit ko.
"Indeed. You are an Angel of my life. You are my savior and I will treasure a woman like you, Blythe."