Episode 02

2291 Words
Ayeza's POV "Miss, ka ano-ano ka ng lalaki sa loob?" tanong sa akin ng Doctor. Napatingin ako sa pinto kung nasaan ang lalaking dinala ko sa ospital. Ospital na pinakamalapit at isang pampubliko lamang. "Hindi ko ho kilala 'yan. Basta nakita ko na lang siya na binubugbog ng mga magnanakaw sa labas ng bar at mukhang lasing na lasing," sagot ko. Itinaas naman ng doctor ang kamay niya na may hawak na isang ziplock. Isang wallet at susi ng kotse ang nakalagay doon. Nanakawan siya pero nandito pa rin ang wallet at susi niya? Pero baka naman hindi nila alam kung nasaan ang kotse niya kaya hindi nila na nila kinuha ang susi at wala na rin sigurong pera ang wallet niya. "Ito ang mga gamit ng pasyente. Ikaw na muna ang maghawak nito at ibigay mo na lang sa kanya kapag nagising na siya," sambit ng Doctor. Tinanggap ko naman ang zip lock at hindi na pinakielaman ito. Ipinasok ko ang ziplock sa bag na dala ko. Nakapagpalit na rin ako ng damit ko dahil malapit lang naman dito sa ospital ang apartment namin. "Salamat po, Doc," nakangiting sagot ko. Mabuti na lang talaga at nadala agad siya sa ospital dahil kung hindi baka natuluyan na talaga ang lalaking iyon. Kawawa naman siya. Kahit siguro sino ang nakakita sa kanya kagabi ay maawa at tutulungan siya. "May bad news na pala ako at ikaw na lang sana ang magsabi sa kanya pag nagising na siya," ani Doc. "Ako po?" gulat na tanong ko. Alam naman na ni Doc na hindi ko nga kilala ang lalaking 'yon o kamag-anak man lang. Kahit nga ang pangalan niya hindi ko alam tapos gusto niya ako magsabi ng bad news? Baka mamaya masapak pa ako niyan kapag hindi niya nagustuhan ang bad news. At isa pa siya ang doktor sa amin dalawa kaya dapat lamang na siya ang magsabi. Malamang hindi niya 'yon magugustuhan dahil sino ba ang taong gustong makarinig ng bad news? "Ikaw naman ang tumulong sa kanya kaya ikaw na lang ang magsabi," sambit ni Doc. Napabuga ako ng hangin at napatango na lamang ng labag sa loob ko. Sobrang good samaritan ko na nito, baka kunin na agad ako ni Lord. "Ano po ba 'yong bad news?" tanong ko kay Dok. Bahagya akong napahikab at napatakip sa bibig ko dahil sa antok. Wala pa kasi akong tulog simula kaninang madaling araw. "Pansamantalang malulumpo ang pasyente at hindi namin siya agad kayang maoperahan dahil maliit lang itong ospital namin at publiko pa. Kulang pa kami sa mga gamit at wala rin ang espesyalista na pwedeng mag-opera sa kanya," sagot ni Dok. Bigla akong napatayo ng diretso at nawala ang antok ko. Literal na bad news nga. Pansamantala siyang hindi makakalakad. Pero sa tingin ko naman kaya siyang operahan kung lilipat siya ng ospital. Mukha naman siyang yayamanin kaya siguro pwede siyang lumipat sa pribadong ospital kapag na gising na siya. "Grabe naman po pala ang naranasan niya—" "Don't you dare touch me!" Sabay kaming napalingon ni Dok sa pinto ng kwarto ng lalaking tinulungan ko nang makarinig kami ng malakas na pagsigaw at pagbagsak ng mga bagay sa loob nito. "Mukhang gising na ang pasyente," kalmadong saad ni Doctor at pumasok sa loob ng walang pagmamadali. Napanganga ako sa pinto na pinasukan ni Dok. Narinig na namin ang pag sigaw ng galit na boses at pagbagsak ng mga bagay pero nagagawa pa rin niyang kumalma habang ako takot na takot na dito sa labas. Hindi ko akalain na magmumula sa pasyente na dinala ko dito ang pag sigaw. Kaninang madaling araw lang para siyang isang maamong-maamo dahil sa sobrang dami niyang dugo sa katawan pero ngayon boses pa lang niya kinikilabutan na ko. Hindi naman ako natatakot sa mga sumisigaw pero ang boses ng lalaking ito ay kakaiba. Punong-puno ng awtoridad. Kahit puno ng kaba ang dibdib ko, dahan-dahan pa rin akong naglakad papasok sa kwarto at agad bumungad sa akin ang nagkalat na mga bagay sa loob ng kwarto. Dumako ang mga mata ko sa isang lalaking nakaupo sa sahig habang nakasandal sa kama ng ospital. Pinalilibutan siya ng mga nurse at doctor. Sinubukan siyang hawakan para pakalmahin pero itinataboy niya ito. May kamay na hahawak sa kanya pero bigla-bigla niya itong hinahampas. Mukhang mali na pumasok pa ako dito dahil ayokong madamay pa sa init ng ulo ng pasyente nila. Malamang alam na ng binata na hindi muna siya makakalakad kaya nagwawala siya ngayon. Tumalikod ako sa kanila at handa na sanang lumabas nang magsalita muli ang binata. "You." Ang baritong boses niya na nakakapagpataas ng buhok sa batok. Masyadong nakakatakot ang pagsasalita niya hindi tulad kaninang madaling araw. "Come here, Angel," muling saad niya. Ako ba ang tinatawag niya? Sinabihan niya rin akong Angel kaninang madaling araw sa taxi pero hindi naman Angel ang pangalan ko. Baka hindi naman talaga ako. Hinawakan ko ang door knob ng pinto at pinihit ito pabukas. "Angel, you said you will never leave me as long as I'm alive," saad niya na punong-puno pa ng accent sa pananalita. Sa tingin ko, ako nga ang tinutukoy niyang Angel. Hindi rin pagalit ang boses niya at kalmado lamang ito tulad nang unang beses ko itong marinig. Umikot ako paharap sa kanya at agad na nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Punong-puno ng emosyon ang mga mata niya hindi tulad kanina nang makita ko siya na pinalo ang isa sa mga nurse na sinubakan na hawakan siya. "Come here, Angel. Help me. I want you to help me... Only you," aniya. Napatingin ako sa mga nurse at doctor na tumango sa akin kaya naglakad na ako palapit sa kanya kahit na nag-aalinlangan pa rin ako dahil baka kasi sigawan niya rin ako tulad ng mga nurse at doctor. "Umalis na kayo," seryosong saad niya muli sa mga nurse. Ito na naman siya sa pagiging seryoso niya kaya napahinto tuloy ako sa paglalakad ko. Tatlong hakbang na lang at nasa harapan na talaga niya ako. "Siya na ang bahala sa akin," dagdag na sambit pa niya sa mga nurse. Isa-isang nagsilabasan ang mga nurse at doctor. Natakot tuloy ako bigla dahil kaming dalawa na lang ang natira sa kwarto ng ospital na inuukupa niya. "Hey! Come here!" pagtawag niya sa akin. "Huwag kang matakot." Napatango ako at muling humakbang palapit sa kanya. Lumuhod ako sa harapan niya at agad na isinampay ang braso niya sa balikat ko. Dahan-dahan ko siyang inangat at hindi naman ako nahirapan dahil nagpapagaan din siya kaya mabilis ko na siyang naihiga sa kama ng ospital. Inalis ko ang braso niya sa balikat ko. Binuksan ko ang bag ko at inilabas ang zip lock na ibinigay sa akin ng doctor. Inabot ko ito sa kanya at mabilis niyang kinuha sa mga kamay ko. Akala ko gano'n na lang pero nagulat ako nang hawakan ng mga kamay niya ang dalawa kong kamay at ipinatong niya ito sa ibabaw ng hita niya. Nakaupo siya sa kama habang ako ay nakaharap sa kanya. Titig na titig sa akin ang mga mata niya at para akong natutunaw sa klase ng pagtitig niya. "Wala akong ginagalaw sa wallet mo. Ikaw na lang ang bahala mag-check kung may laman pa pero wala talaga akong kinuha diyan kahit piso—" "Wala akong pake sa wallet ko," mabilis na tugon niya ng hindi ako pinapatapos sa sasabihin ko. "May laman man 'yan o wala, wala akong pake." Napayuko na lamang ako at napatingin sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Bakit ba hawak siya nang hawak sa kamay ko simula kanina? Tapos grabe pa siya kung makatingin sa akin. Para bang inaalam niya ang buong pagkatao ko. "Mas may pake ako sa'yo. Mabuti na lang at hindi ka nasaktan ng mga gunggong na 'yun," aniya. Kung makapagsalita siya para bang concern na concern siya sa akin. Mas dapat nga niyang intindihin ang sarili nya dahil siya itong mas malaki ang tama sa buong katawan. "Thank you for saving my life. Because of you, that's why I am still breathing. You are the only woman that helps me, Angel," he said. Mabuti na lang talaga at hindi ako bobo dahil nakakaintindi ako ng english kahit na panay ang pag british accent niya. Mukhang mayaman nga ang lalaking ito. Sa itsura pa lang niya mukha na agad siyang mayaman. Maputi ang balat niya, matangos ang ilong, may makapal na kilay na mas maayos pa ang pagkakakurba kesa sa kilay ko. Maganda rin ang pangangatawan ng lalaking 'to at syempre may labi siyang napakalambot... Bakit ba inalala ko pa 'yun?! Aksidente lang naman! "Angel, are you okay?" tanong ng binata. Agad akong natauhan sa pag-iisip ko ng kung ano-ano. Sunod-sunod akong napalunok ng magawi ang mga mata ko sa labi. "H-hindi, A-Angel ang pangalan k-ko," nauutal na saad ko. "Ayeza Blythe Filomeno ang pangalan ko." Hindi ko alam kung na mamalikmata lang ba ako pero nakakita ako ng kasiyahan sa mga mata niya na para bang hindi siya na bugbog. "Nice to meet you, Blythe. I am Jason Ryle Cansino," pagpapakilala niya sa akin. Kahit ang pangalan niya, ang ganda pa rin at halatang pang mayaman. Nahiya tuloy ako bigla dahil dito ko lang siya sa pampublikong ospital dinala. "Ahm Ryle, gusto mo bang kumain muna?" nag-aalangan na tanong ko sa kanya. Mamaya ko na lamang sasabihin sa kanya ang tungkol sa mga paa niya na hindi agad maooperahan sa ospital na ito. Mas maganda kung kakain muna siya. "Bakit gutom ka na ba? Hindi ka pa ba kumakain?" balik na tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung siya ba talaga ang pasyente o ako na ngayon? Kung makaasta na lang kasi siya parang ako ang may problema sa paa sa aming dalawa. "Bibili na lang muna ako saglit ng makakain natin sa labas para makainom ka na ng gamot na ibinigay sa'yo ng doctor—" "Lalabas ka pa?" kunot noong tanong niya sa akin. Napatango naman ako bilang pagsagot dahil parang hindi ko kayang harapin ang pagsasalubong ng kilay niya. Hindi naman ako natakot sa mga lalaki kahit kailan dahil kaya kong ipaglaban ang sarili ko. Pero bakit ang lalaking 'to na wala pa namang ginagawa, kinatatakutan ko na agad? Dapat na ba kong kabahan? "Huwag ka nang lumabas. Mag pa-deliver ka na lang ng pagkain dito," aniya. Pa-deliver? Akala yata niya ay nasa isang private hospital siya na pwedeng mag labas masok ang mga taga-deliver ng pagkain. Wala rin naman akong pera dahil pang-ipon ko sana ito para makapag-aral ulit ako. Hindi ko nga magawang mag pa-deliver ng pagkain noon tapos siya 'yung gusto niya ay ang pagkain na kainin ay deliver pa. Magastos pala sa bulsa ang tumulong sa mayaman. "P-Paano ba mag pa deliver?" nag-aalangan na tanong ko sa kanya. Sana lang talaga hindi umabot ng libo ang pagkain na gusto niya dahil baka maubos ang isang buong sweldo ko na dapat nasa ipon ko. "Give me your phone," aniya. Kinalas ko naman ang kamay niya na nasa kanang kamay ko at dinukot sa bulsa ko ang cellphone ko. Inabot ko sa kanya ang cherry mobile kong cellphone na pinagtiyatiyagaan ko ng tatlong taon. Akala ko a-arte pa siya dahil lumang-luma na ang cellphone ko pero hindi ako nakakita sa kanya ng kahit anong pagkaarte at basta na lang itong kinuha. Pinanood ko nalamang siya na mabilis na nagta-type sa cellphone ko gamit ang isang kamay niya at ang isang kamay na man niya ay nakahawak pa rin sa kaliwang kamay ko. "Tapos na," saad niya at inabot sa akin ang cellphone ko. Kinuha ko naman ang cellphone ko at mabilis na ibinalik sa bulsa ko. Napataas muli ang tingin ko sa kanya at bigla akong nailang dahil nakangiti lang ang mga labi niya sa akin. Tinulungan ko lang naman siya pero bakit naman ganito na siya ngayon sa akin? Nakakatakot dahil bigla-bigla na lang nagbabago ang mood niya. "M-May sasabihin pala ko sa'yo tungkol sa mga paa mo," saad ko. Masyado kasi akong naiilang kapag tahimik lang at nakatitig lang siya sa akin kaya wala akong ibang magawa kung 'di ang sabihin na lang sa kanya kahit hindi pa kami nakakakain. "Upo ka muna dito," aniya at bahagya pang tinapik ang pwesto sa tabi niya. Umupo ako sa tabi niya pero ang kamay niya ay hawak pa rin ang kamay ko. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin," aniya. "Pansamantala ka raw munang hindi makalakad at hindi rin pwedeng operahan ngayon dahil kulang ang mga gamit sa ospital na ito," sambit ko pero wala man lang nagbago sa reaksyon niya. "Pero 'wag kang mag-alala kasi makakalakad ka pa rin naman," dagdag ko pa. Baka kasi biglang nagblangko ang isip niya dahil sa sinabi ko kaya hindi nagbago ang reaksyon niya. "Ayos ka lang ba?" nag-aalangan na tanong ko sa kanya. "Of course. Wala naman akong dapat na ikatakot dahil makakalakad din naman ako tulad ng sabi mo," nakangiting sambit niya. Wala man lang akong nakita na kahit konting kaba sa mga mata niya. Samantalang kung ako ang nasa lagay niya baka nag-iiyak na ako sa isang tabi. "Naniwala ka agad sa sinabi ko, Ryle? Paano na lang kung nagsisinungaling pala ako? Anong mararamdaman mo?" tanong ko muli sa kanya. Masyado siyang kalmado ngayon hindi tulad kanina ng nandito pa ang mga nurse at doctor. "Bakit ka naman magsisinungaling sa akin? Nagawa mo nga akong tulungan nang walang pagdadalawang isip, Blythe. May tiwala ako sa'yo lalo na at iniligtas mo ako at pinalakas mo pa ang loob ko kahit na hindi naman ako pinanghihinaan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD