Ayeza's POV
"Hindi ba sumasakit ang paa mo? Ang binti mo man lang?" tanong ko sa kanya.
Nakaupo lang kami parehas sa kama ng ospital habang nag-uusap. Kinikilala namin ang isa't isa ngayon na parang wala sa gitna ng kasawian dahil sa paa niyang nalumpo.
"Hindi naman. Wala ngang pakiramdam ang binti ko," natatawang saad niya.
Sana lahat ng taong na didisgrasya tulad n'ya, ganyan pa rin. Nagagawa pa rin na tumawa matapos ang lahat. Ako nga, awang-awa ako sa nangyari sa kanya dahil sa maduming gawain ng mga tao ay nagkaganya siya.
"Manhid siguro ngayon," sambit ko.
Sabay naman kaming napatingin sa pintuan ng kwarto niya dito sa ospital ng may kumakatok dito ng walang tigil.
Tumayo ako mula sa ospital ng kama at lumakad papunta sa pintong nag-iingay dahil sa pagkatok.
Nang makalapit ako dito, binuksan ko ito at bumungad sa akin ang isang delivery boy na may hawak na maraming pagkain. Para kong malulula sa dami nito at siguradong butas ang bulsa ko.
"Ito na po 'yong order n'yo, Ms. Blythe," saad ng delivery boy.
Nag-aalinlangan na kinuha ko ang dalawang malaking supot at naglakad na palapit sa maliit na lamesang nasa loob ng kwarto na akupado ni Ryle. Sinunod naman ng delivery boy ang tatlo pang malalaking supot at ipinatong niya rin ito sa ibabaw ng lamesa.
Mali pala na hinayaan ko si Ryle na hawakan ang cellphone ko. Mas marami pa 'to kesa sa inaasahan kong bibilhin niya. Sana pala ako na lang ang bumili ng pagkain namin sa labas kahit na hindi niya ko pinapayagan.
"M-Magkano po lahat?" kabadong tanong ko.
Sa tingin ko hindi lang ang bulsa ko ang masisira dahil pati yata ang damit ko. Sigurado kong lagpas sa libo ang babayaran ko na pagkain na in-order niya lalo na at sa sikat na restaurant pa siya bumili talaga.
Anak ng pating nga naman oh. Akala yata niya isa kong mayaman tulad niya.
"Twelve thousand po lahat, ma'am," sagot nito.
Parang gusto ko na lang mahimatay at malumpo na rin ng pansamantala. Parang sasabog ang utak ko sa twelve thousand na babayaran ko na pagkain pa lang naman naming dalawa. 'Yang twelve thousand na 'yan parang pwede ko na ngang budget pang isang taon ko.
Sweldo ko rin ng pangdalawang buwan ang twelve thousand at iwawaldas ko lang ng dahil sa isang lalaki na tinulungan ko.
"Ma'am?!"
Napalundag ako sa gulat sa delivery boy na nasa harapan ko. Nawala sa isip ko na narito pa pala siya at hindi pa rin ako nakakapagbayad. Parang gusto ko na lang biglang tumakbo palabas at takasan ang twelve thousand na babayaran ko.
"Ahm magkano po ulit?" tanong ko muli.
Hindi ko pa rin matanggap na sa isang kainan naming dalawa ay magbabayad ako ng twelve thousand.
Hindi ko nga mabilhan ang sarili ko ng magandang damit, bagong sapatos at bagong bag tapos mawawala lang bigla ang mga ipon ko dahil sa isang beses na kainan.
"Sandali po," sambit ko.
Nanginginig ang mga kamay ko at parang naumay kahit hindi ko pa nakikita ang mga pagkain. Sino ba naman ang hindi mawawala ang ganang kumain kung mapapamura ka sa babayaran mo.
Tumalikod ako sa delivery boy at nilapitan ang kama kung saan ko iniwan ang shoulder bag kong luma na nga tapos wala pang laman.
Dahan-dahan kong binuksan ang shoulder bag ko na para bang biglang magmimilagro at magkakaroon ng twelve thousand na pambayad pero nadismaya lang ako ng bumungad sa akin ang maliit kong wallet.
Hindi ko nilabas ang maliit kong wallet mula sa shoulder bag ko at doon ko na lamang ito binuksan.
Gusto ko nang humagulgol sa iyak ng makita kong dalawang daang piso lang pala ang laman ng wallet ko. Labing dalawang libo ang babayaran ko pero dalawang daan na lang ang pera sa wallet ko.
Hindi nga ako nakulong dahil hindi ako napagbintangan kasi buhay pa rin si Ryle pero ngayon mukhang makukulong ako dahil wala akong pambayad.
"Hey, ito ang ipambayad mo," ani Kyle.
Inabot niya sa akin ang tig-iisang libong pera. Hindi ko alam kung saan 'yon galing basta agad ko na lang tinanggap kaysa makulong pa ako.
Para akong tanga na tuwang-tuwa dahil hindi naman pala talaga ako ang magbabayad ng pagkain na in-order niya. Sana kanina pa niya ibinigay sa akin para hindi na ako kinabahan.
"Okay," nakangiting sambit ko.
Lumakad ako pabalik sa delivery boy at inabot sa kanya ang saktong twelve thousand.
"Salamat, ma'am," anito.
Tumalikod na ito sa akin at lumabas ng kwarto ni Ryle. Itinulak ko naman ang lamesang pinaglalagyan ng mga pagkain na in-order niya palapit sa kama niya.
May gulong ang lamesa nila dito kaya hindi ako nahirapan na itulak ito nang mag-isa.
Inayos ko na rin ang mga pagkain at isa-isa ko itong inilabas sa supot pati ang takip ng mga tupperware inalis ko na rin. Inihanda ko na rin ang mga kutsaran at tinidor na gagamitin niya.
"Anong gusto mong kainin?" tanong ko sa kanya habang ipinagsasandok siya ng kanin sa isang paper plate.
May mga paper plate kasi sa loob ng kwarto niya at disposable cup pati na rin spoon and fork.
"Calderata, of course," sagot nito.
Ipinagsandok ko naman siya ng ulam na gusto niya at agad itong inabot sa kanya. Sunod ko naman na sinandakun ay ang sarili ko. Kumuha ako ng kaunting kanin at hipon na gustong-gusto ko.
Para kong nasa isang eat all you can at susulitin ko na ito dahil siguradong matagal na naman bago ako makatikim ng ganito kasarap na pagkain.
"Maupo ka rito sa tabi ko para di ka mahirapan," saad ni Ryle.
Napatango naman ako at naupo sa tabi niya. Gamit ang kaliwang kamay, ginawa kong pang hawak sa paper plate ko at ang kanang kamay ko naman para sa kutsara.
"Salamat sa libre hah. Akala ko wala kang pera dahil na nakawan ka ng mga pangit kagabi," sambit ko.
Muntikan na talaga ako kanina. Akala ko himas rehas na ako dahil wala akong malaking halaga para pambayad sa mga pagkaing pinagbibili niya sa online.
"Hindi naman magnanakaw ang mga tarantadong lalaki kagabi," aniya.
Na patigil ako sa pagkain ko at ipinatong muna ito sa ibabaw ng hita ko.
"Eh ano sila? Bakit binugbog ka nila na parang gusto ka nang patayin? Tapos hindi ka man lang lumaban kahit na ang laki ng katawan mo kumpara sa kanila," saad ko. "Pero wag mong iisipin na minamaliit kita ha. Siguro lasing ka lang kaya hindi mo sila na labanan pero kung siguro nasa matino kang pag-iisip malamang bugbog ang mga 'yon. Kung ako nga kayang patulugin ang iba sa kanila, malamang ikaw kaya mo rin."
Tinignan ko naman ang reaksyon ni Ryle at malawak lang ang ngiti niya sa akin habang taimtim na nakatingin ang mga mata niya.
"M-May n-na sabi ba kong mali?" na uutal na tanong ko sa kanya.
Kung makatingin kasi sa akin ang mga mata niya para bang mayroon akong bagay na nagawa pero hindi ko alam kung tama ba o mali.
Masyadong nakakailang kapag bigla na lang niya akong tinititigan habang nakangiti pa sa akin. Gwapo siya kaya lahat naman siguro maiilang at maiintimida sa klase ng pagtitig niya.
"Did you know how much you amaze me with every word that you give to me? Every word that has meaning now in my life?" he said.
"Hah?" tanging saad ko.
Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin sa kanya. Ang gusto ko lang naman ay tulungan siya pero bakit ganito naman siya.
"Never mind," natatawang saad niya.
Napatango na lang ako sa kanya at napasubo sa pagkain ko. Hindi ko maintindihan kung bakit at paano ko siya napahanga sa bawat salitang binitawan ko. Tinulungan ko lang naman siya pero para sa kanya parang ako na ang taong pinakamabuti dito sa mundo.
"Ano nga pala ulit ang mga taong nambugbog sa'yo kagabi?" tanong ko sa kanya muli.
Gusto kong mawala ang pagkailang ko sa kanya at gusto ko rin malaman ang ibang bagay tungkol sa kanya. Pakiramdam ko matapos ko siyang iligtas kagabi, konektado na ko sa buhay niya.
Ayaw niya rin naman akong hayaang umalis at syempre ayaw ko rin naman siyang iwanan na lang basta dito.
"Mga tauhan ng taong galit sa akin na gustong gusto akong patayin noon pa man. Ngayon nga lang sila naka-chamba ng maayos dahil nalagyan nila ng droga ang alak ko. Hindi naman nila ako mababaldado ng ganito kung hindi nila nilagyan ng droga ang alak ko," aniya. "Mahinang nilalang ang mga tawag sa kanila dahil hindi nila kayang lumaban ng patas."
"Kilala mo ba kung sino ang taong gustong pumatay sa'yo?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa rin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung sino ba ang nasa likod ng pagpapapatay na ginagawa sa akin," aniya.
Hindi ko man lang siya nakitaan ng kaunting pagkatakot at kalmado lang ang mukha niya at pati ang boses. Hindi man lang siya nataranta o ano.
Ang taong tinulungan ko pala ay hinahabol ng mga taong gustong pumatay sa kanya. Ang mas nakakatakot pa dito ay hindi niya kilala ang taong gustong pumatay sa kanya kaya kahit sino pwede siyang patayin habang nakatalikod siya.
"Sa tingin mo bakit ka nila gustong patayin?" tanong ko.
Siguro naman may dahilan ang kung sino man na Hudas ang gustong pumatay sa kanya.
"Hindi ko rin alam. Basta isang araw, nagising na lang ako na hinahabol na ako ng kamatayan," aniya.
Mayaman siya, maraming pera at kayang kumain ng kahit ano pero hinahabol naman siya ng mga taong gustong pumatay sa kanya sa hindi malamang dahilan. Siguro malungkot ang buhay niya dahil palagi siyang hinahabol ng kamatayan.
"Eh ang pamilya mo? Paano naman sila? Hindi ka pa ba babalik sa kanila para na rin makapagpa-opera ka na sa malaking ospital?" tanong ko muli.
Sigurado akong nag-aalala na sa kanya ang pamilya niya.
"Hindi pa ako pwedeng bumalik sa kanila hanggat hindi ko nalalaman kung sino ang taong gusto magpapatay sa akin. Sa tingin ko ang alam ng mga taong muntik ng pumatay sa akin kagabi ay patay na ko," saad pa niya.
Napaisip naman ako bigla at naalala ang sinabi ng isa sa mga lalaking bumugbog sa kanya. Inakala nila na patay na nga si Ryle.
"Sa tingin ko tama ka. Iniisip na nila ngayon na patay ka na dahil 'yon ang narinig ko sa isa sa mga bumugbog sa'yo," saad ko.
"Kung alam na nila na patay ako, mas maganda kung hindi muna ako babalik sa pamilya ko at mananatili na lang muna sa lugar na hindi niya iisipin na pupuntahan ko," saad niya.
Napatango ako sa kanya at nanatili akong nakaupo sa tabi niya para pakinggan ang susunod pa niyang sasabihin.
"Sa ospital na ito na lang ako magpapa-opera at hindi ko muna gagamitin lahat ng credit card ko na pwedeng makapag-trace sa akin dito," sambit niya pa. " At kapag nakalakad na ako, babalikan ko na ang mga naiwan kong negosyo at magsisimula muling hanapin ang kung sino mang gustong pumatay sa akin."
Ang talino niya dahil nakaisip siya ng bagay kung paano makakaligtas. Ngayon alam ko na kung bakit hirap na hirap siyang mapatay ng mga taong gustong pumatay sa kanya dahil isang matalino pala ang gusto nilang patayin.
Siguradong magugulat din ang mga taong inakala na namatay na siya.
"Ang galing mo diyan pero ayos lang sa'yo na hindi ka muna makalakad?" tanong ko sa kanya.
Ang hirap kaya ng walang paa at siguradong mabuburyo lang siya dito sa loob ng ospital habang naghihintay ng pwedeng mag opera sa kanya.
"Ayos lang ang maging panandaliang lumpo pero may isang bagay akong kailangan," aniya.
"Ano naman 'yon? Baka sakaling makatulong pa ako," saad ko.
Hindi ko alam kung bakit pero gustong-gusto ko siyang tinutulungan simula nang gabi na makita ko siyang pinagkakaisahan. Gusto ko siyang tulungan hanggang sa makaganti siya sa mga taong gustong pumatay sa kanya.
Mukha namang mabait na tao si Ryle kaya siguro hindi ako nagdadalawang isip na tulungan siya.
"Ikaw ang kailangan ko, Blythe. Kailangan ko ng tulong mo," aniya.
"Handa akong tumulong sa'yo. Ano bang tulong—"
"Dito ka lang sa tabi ko. Kailangan ko ng taong pwedeng gumabay sa akin habang hindi ako nakakalakad at ikaw lang ang taong 'yon, Blythe."
Narinig ko na ang kwento niya at sa tingin ko kailangan ko nga siyang tulungan. Ako ang kumuha sa kanya at iniligtas siya kaya sa tingin ko sagutin ko na rin siya ngayon.
"Hindi naman siguro mahirap mag-alaga ng lumpo 'di ba?" natatawang tanong ko sa kanya.
Gusto kong mahanap niya ang taong gustong pumatay sa kanya at makamit niya ang hustisya para sa kanya. Sigurado akong mabuti siyang tao. Mabuting tao ang tutulungan ko.
"Madali lang naman akong alagaan, Blythe. Basta ba ikaw ang mag-aalaga, sigurado akong hindi ako magpapasaway sa'yo."