Bago ako bumaba ay inayos ko muna ang aking sarili. Ayaw kong mahalata ako ng pinsan ko kagagaling ko lang sa pag-iyak. Ang sakit ng mga nakita ko at mabuti na lamang dahil wala ng iba bukod sa masasakit na mga alaala. Mas marami pa yata ang lungkot na nararanasan naming dalawa kaysa sa saya at tuwa. Unang bumaba ng sasakyan sa akin si Kiran at nagpresentang pagbuksan ako ng pintuan ng kotse. "Hihintayin kita bukas sa mansyon, Elyse. Babalik lahat ng alaala mo kapag nakapasok ka roon." "Hindi ako nangangako, Kiran." "Kahit na ano'ng oras pa iyan, Elyse basta't dumating ka lang." "Susubukan ko," mahina kong sagot dahil ayaw kong mangako. Hindi ko alam kung kakayanin kong malaman ang lahat. Kung sa nakita ko pa lang kanina ay para na akong pinapatay. Ano na lang kaya kung