Nang makababa na kaming dalawa ni Hydee sa barko ay medyo gumaan na rin ng kaunti ang pakiramdam ko. Nakaraos rin kami sa wakas. Umaga na kaming nakarating sa pantalan at ang mga tao ay kaniya-kaniya na nang bitbit ng mga dalang gamit nila. Ginagaya lang namin ang ginagawa ng iba naming mga kasama na mga pasahero. Ang sikip ng linya at parang nag-uunahan na makalabas kahit na lahat naman kami ay roon din papunta. Pero kahit ganoon ay nakipagsiksikan pa rin kmai ni Hydee dahil gusto na naming makaalis sa barko. "Salamat sa Diyos at nakarating din tayo ng ligtas," nakangiting wika sa akin ng pinsan habang nakatingin sa akin. "Kumusta na ang pakiramdam mo ngayon?" nababahala niyang tanong sa akin. Minsan gusto ko na siyang pagalitan dahil lagi na lang niya akong inaalala. Sana