"Shawn, salamat. Utang na loob ko ang buhay ko sa 'yo!" sinsero kong sabi sa binata dahil binuhis niya ang buhay niya sa akin kahit na napakadelikadong sitwasyon. "Huwag mo ng isipin 'yan. Masaya ako dahil natulungan kita. Hindi na rin ako magtatagal dahil kailangan ko nang umalis," paalam niya sa akin. Nagkatinginan kami ng pinsan ko at kumunot ang noo niya. Hindi lang ang pinsan ko ang nagulat sa paalam niya dahil pati ako ay nagulat din sa sinabi niya. Inalok na kasi siya ni Nanay na dumito na lang sa amin dahil wala naman siyang kasama sa bundok. Ang akala ko ay sumang-ayon na siya at hindi na magbabago ang isip niya. Hindi ko akalain na hindi niya pauunlakan ang inalok ng aking ina. "May mga alok na hindi dapat sinusunggaban kaagad, Elyse. Mabait ang nanay mo at maswerte k