Pumasok si Iyel sa opisina para tawagin si Vaun, kanina pa kasi ito hinahanap ni mother superior. Pero napagtakahan niya ay nakangisi magisa ang binata habang nakatingin sa kawalan. Sinara niya nang malakas ang pintuan para makuha ang atensiyon nito. Akala n'ya pa ay magagalit si Vaun sa kan'ya dahil pabagsak ang ginawa niya ngunit nakangiti itong tumingin sa kan'ya. Anghel na ba ang gago kong kaibigan? Aba'y isang misa palang pero natanggalan na ata siya ng kademoniyohan sa katawan. "Kanina ka pa pinapatawag ni mother superior! Nakatunganga ka lang diyan." "Don't ruin my mood, Santan." walang ganang sagot nito. "Santan?" Takhang nakatingin si Iyel sa kaibigan. "It should be 'Iyel', dude." "I think we don't have to leave yet." seryosong saad nito "Sira ka. Wag mo sabihing naeenjoy