“Sundin ang loob Mo dito sa lupa, gaya ng sa langit.” Sabay-sabay na awit ng mga bata at madre ng isang kanta sa simbahang katoliko. Makikita ang natural na misa sa loob ng bahay ampunan na kanilang pinagtitipunan. Isang misa ang nagaganap kada buwan upang makita ng mga bata kung paano ang kaganapan sa misa at para mas mapalapit sila sa Diyos. “Sumainyo ang kapayapaan.” Saad ng kinikilala nilang padre Bonifacio. “At sumainyo rin.” Tugon ng lahat. Bumaba ang pari sa mini stage at may ibinulong sa katabing sakristan na hindi nagkakalayo sa edad nito. Sunod namang lumapit kay padre Bonifacio ay si sister Merlita na may hawak na isang basket na puno ng prutas. Dahil walang malaking pera ang ampunan, tanging bunga lamang ng prutas ang kanilang ibinibigay sa mga paring pumapasyal sa kanila