KAPITULO: DIECISEIS Nagulat si Vaun sa reaksiyon na ipinapakita ni sister Blessy sa kaniya. Base sa itsura ng dalaga ay mukhang kanina pa ito umiiyak namumula pa ang maliit nitong ilong at mugtong-mugto ang mata. Kahit na naguguluhan ay mabilis na nabawi ni Vaun ang pagkabigla. Ngumiti nalang din siya sa dalaga at sabay nang dumiretso sa opisina ni mother superior. Si Blessy na ang nagkusang kumatok sa opisina, pagkatapos sumagot ni mother superior ng pahintulot ay mabilis niyang hinawakan ang door knob. Sa paghawak ni sister Blessy ng knob ay may kamay na pumatong sa kamay niya-- si padre Bonifacio. "Ako na po." saad niya ng may matamis na ngiti. Binitiwan naman ng pari ang kamay ng batang madre na nakahawak sa door knob at sumunod ring pumasok sa opisina. "Magandang hapon sa inyo, p