Mabilis na sinalo ni Vaun ang batang madre. Napabagsak siya sa sahig habang nasa kandungan niya si Blessy na nakatulog dahil sa panyong ipinaamoy rito. Mabilis na tinutukan ng baril si Vaun ng dalawang kalalakihan ngunit hindi na niya inintindi iyon. Mas naiisip niya ang kalagayan ni Blessy na siyang nakaratay. Nanlilisik ang abong mga mata ng binata habang nakatingin sa lalaking may gawa ng nangyari kay Blessy. Maingat munang nilapag ni Vaun ang dalagang madre at tumayo sa harap nito. Ibinaba naman ni Iyel ang dalawang kamay na kanina lang ay naka-angat na parang sumusuko. "Dapat di niyo ginawa 'yon kay sister." humihikab na saad ni Iyel at inilabas ang baril sa may beywang. Hindi naman alam ng killer kung anong gagawin nila sa dalawang bilyonaryong binata. Ang utos lang sa kanila ay