"Gago ka! Bakit ikaw katabi ko?" kinapa ni Iyel ang sarili na para bang chinecheck kung may nabawas ba sa parte ng kaniyang katawan. "Ikaw ang gago! Bakit nakasiksik ka pa sa dibdib kong hinayupak ka?" Inis na binato ni Vaun ng unan si Iyel. Mabilis namang dumampot din ng unan ang kaibigan at naghampasan silang dalawa. "Tangina ka, may pahimas-himas ka pa sa buhok ko!" natatawang saad ni Iyel habang inihampas sa ulo ni Vaun ang hawak na unan. Nang makailag si Vaun ay gumanti siya ng hampas at mas doble ang lakas ng pagkakahamas niya dahil halos masuka na siya sa isiping si Iyel ang nang-baboy sa anaconda niya. "Tangina ka kasi anong ginagawa mo rito?!" "Malamang natutulog ako." "May kasama ka naman kagabi ah? Bakit dito ka pa nakitulog?" "Naka-pangalan kay Santan yung cabin. Ikaw