Habang nagtatanggal ng belo ang batang madre sa loob ng kaniyang silid ay lumantad ang makapal na itim nitong buhok. Tuwid na tuwid ang kaniyang buhok na hanggang sa kaniyang beywang. Ang balat niya na itinatago sa ilalim ng habit dress ay kasing kulay ng gatas at kasing lambot ng bulak. Sa repleksiyon ng kaniyang hubad na katawan sa salamin ay nakikita niya ang isang birhen na handang talikuran ang nasa ng laman para sa pangarap at tungkulin na sinumpaan--- ang maging madre. Itinabi niya sa lagayan ng maruming damit ang kakahubad lang na kasuotan. Sa pag-aayos niya ng mga maruming damit ay napunta ang atensiyon niya sa isa pang habit na naisuot niya nung nakaraan. Kinuha niya ang may dugong habit at inisip kung saan galing ang dugo at kailan niya iyon nakuha. Wala naman siyang natatanda